Chapter 27

330 13 44
                                    

Chapter 27



"Time of death, 7:29pm…"

Napatingin ako sa orasan ko at sa pasyenteng kasalukuyan nang nabawian ng buhay ngayon. Whenever I'm encountering this situation, hindi ko mapigilang malungkot.

Losing someone is my greatest fear.

But as a Doctor, normal lang na maka-encounter kami ng ganitong sitwasyon. Sobrang hirap. Nakaka-disappoint sa tuwing hindi na namin makayang masalba ang isang pasyente dahil hanggang doon na lang talaga.

And yes, I'm now a licensed doctor. Who would believe na magiging isa akong ganap na Doctor? Naalala ko pa noong mga panahon na tamad na tamad akong mag-aral, but look at me now. Miski ako, hindi makapaniwala. Pakiramdam ko, parang nasa isang panaginip lang ako.

After I dropped to my school and after we broke up, nagpatuloy ako sa pag-aaral ko dahil iyon naman ang tama.

I don't have any regrets right now. Kung may pinagsisihan man ako sa buhay ko, iyon ay ang mga maling desisyong nagawa ko noon.

Saktong nasa labas na ako ng hospital at agad na inabangan si Luigi, ang bago kong kaibigan ngayon na siyang nirereto sa akin ni Dad.

And about my Dad, hindi ko pa rin makakalimutan iyong nagawa niya sa akin noon. Never kong makakalimutan. That was the most hardest part of my life. Iyong mga panahon na para akong naka-kandado sa kanya at walang choice kundi ang sundin siya.

Still, three years have passed pero hindi pa rin siya nagbabago. Maaaring mayroon siyang kaunting pagbabago, pero ganoon pa rin ang style niya. Kung sino ang gusto niya para sa'kin, siya ang kailangang masunod.

Pero, wala akong balak na sumunod sa kanya. Hinahayaan ko lang siyang ireto kay Luigi pero wala akong balak na patulan siya.

"Musta?" tanong ni Luigi.

I smiled. "Ayos lang, ganoon pa rin."

"Sa inyo raw kami magdi-dinner. Iyon ang sabi ni Dad."

Bahagya akong nagulat. "Oh? Hindi ko alam…"

He chuckled. "Ako rin, nagulat nga ako. Pero alam mo na, dating gawi tayo, ah?"

Luigi is like my super duper best friend. Nagkakilala kami roon sa Italy at doon ko siya naging kaibigan. And coincidence naman na magkakilala ang parents niya at ang Daddy ko, kaya ang magaling kong ama, nireto ako kay Luigi.

Mabait siya at mabilis akong naging komportable sa kanya. No malice at all and we know our limitations.

"I'm glad that Scha is really doing well here in the Philippines, huh? I mean, matagal-tagal din siyang nag-stay sa Italy. Akala ko nga, for good na siya roon." sabi ni Tita Roma, Luigi's Mom.

Napangiti lang ako at napatingin kay Tito Ortiz nang magsalita siya.

"Yes, I was really shocked noong nalaman kong uuwi na pala siya. I then wonder why? Masaya naman sa Italy."

Mahina lang akong natawa. I know the reason why I came here again. Pero wala akong balak na sabihin 'yon sa kanila.

"Scha once told me na miss niya na raw sa Pilipinas kaya umuwi na siya." sagot ni Dad.

Tumango silang mag-asawa. "To be honest, we really thought na kaya siya umuwi ulit rito is dahil sa isang tao? Perhaps, a boyfriend, or someone special?" Tita Roma then wiggled her brows.

Umiling na lang ako at mahinang natawa. Magaan ang loob ko sa kanilang dalawa. Kahit kailan, never nila akong pinilit para sa anak nila. Si Dad lang naman ang gustong gusto ako para kay Luigi. We all know the reason. Because Luigi came from the rich family, marami silang business and assets. May sarili silang airport at kung ano ano pa.

Bawat Piyesa (Munimuni Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon