Naya's Point of View
"Ang tagal mo naman buksan!"
Malakas na bungad sa'kin ni Kayla pero mukha siyang nag-aalala. What are they doing here? Huwag mong sabihin sa'kin na alam na nila.
"Galing kasi akong banyo. Pasok muna kayo." Pinapasok ko sila sa loob ng condo at tsaka sinara ang pintuan.
I put Lux's shoes under my bed at mabuti na lang talaga he also washed the dishes pero nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Lalo na't naririto si Kuya.
"Bakit pala kayo nag-punta rito?" I asked while I'm preparing some foods and drinks for them. Naka-upo na sila ngayon sa couch.
"Pumunta kami rito dahil nabalitaan namin ang nangyari sa hospital niyo. Naya, ano bang nangyayari?" Sagot ni Kuya at napabuntong hininga naman ako. Alam ko naman na malalaman nila, e, pero hindi ko in-expect na ganito ka-aga at agad silang pupunta rito.
Kinuha ko ang mga pagkain at dinala sa pwesto nila. Tinulungan naman ako ni Kayla sa pag-dala ng inimun namin.
Tumabi ako kay Kayla sa couch. Tumingin naman ako sa kanila at halatang nag-hihintay sila na mag-kwento ako. I sighed before I spoke.
"We just have our patient who just died due drug overdose. The patient's family sued the nurse but the nurse says she's innocent and we're now on the trial, but it appears that they want to punish our hospital more." Pag-papaikli ko sa mga nangyari. I don't have to be broad, especially that Lux is involved. Baka madulas pa 'ko.
"Grabe naman pala. Pero hindi mo naman sila masisisi kung ginagawa nila 'to, e. Anak nila 'yung namatay pero inosente pa rin naman kasi ang nurse, e." Sagot ni Kayla bago uminom at tumango na lang ako.
Hindi ko na dapat pang sabihin sa kanila na sila mismo ang pumatay sa kanilang anak. Maguguluhan lang sila at madadagdagan pa ang mga tanong nila sa'kin.
"Anong plano ng hospital niyo ngayon?" Joshua asked.
"Pinag-uusapan pa rin namin sa board, and we're prioritizing the safety of our workers, especially that nurse. We're on the move." Pang-huhula ko dahil hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung anong plano ng hospital. Hindi pa rin kasi tumatawag sa'kin si Felix, e.
"It's good know that. Nung nabalitaan kasi namin ay agad na nataranta si Mama kanina, nag-aalala siya na baka may kung ano ng nangyari sa'yo, even Charlotte. Gustong pumunta ni Mama rito pero sabi ko, ako na lang kaya naman nag-punta na ako tapos nakita ko 'tong mag-jowang 'to sa baba." Sabi ni Kuya at agad akong napa-sapo sa'king nuo.
"Syempre pupunta ako rito. Nag-worry ako sa'king best friend, e!" Sabay akbay sa'kin ni Kayla.
"This is what I'm talking about. Ayoko kong mag-alala sila, si Mama, especially that Ate Charlotte is pregnant. All of you! Naaabala pa tuloy kayo. Everything is going to be alright. There's nothing for you to worry about." Saad ko kahit na wala pa kaming kasiguraduhan pero ayoko namang mag-alala sila sa'kin at ma-involve pa rito.
"Kahit na! Mag-aalala pa rin kami sa'yo." Matigas na sabi ni Kuya at nag-pout na lang ako. "Tawagan mo na lang din si Mama para hindi na rin siya mag-alala." Sabi ni Kuya bago uminom ng juice.
Tumango na lang ako at dinampot ang aking phone sa lamesa. I dialed my Mom and she picked it up quickly.
Mama: Naya, where are you? Are you okay? Nand'yan na ba ang Kuya mo?
Naya: Ma. I'm okay, the hospital's okay, everything's going to be okay. Huwag na lang kayong masyadong mag-isip, especially kay Ate Charlotte, hindi maganda para sa kaniya at sa baby. We can handle this.

YOU ARE READING
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...