Chapter 3

206 21 7
                                    

Naya's Point of View

"Thank you all for coming to the celebration of my 21st birthday! It's my debut, man!"

Matapos ang regards ni Dexter ay nag-simula na ang kainan. Mag-kakasama kami nila Kuya sa isang long table. Hinanap pa ng mga mata ko si Lux pero ng hindi ko siya mahanap ay tumigil na 'ko at kumain.

"Ito na po 'yung barbecue." Served sa'min ng maid nila.

"Ayun. Salamat po!" At nag-agawan na nga kami sa barbecue.

Mabuti na lang talaga at hindi kami nag-heavy lunch kanina. Ngayon kami napapalaban ng kainan. Nilapag ni Kuya ang isang plato sa harap ko at naruon 'yung mga steak na naka-hiwa na.

"Salamat." Sabi ko bago 'to kinain.

"Hoy! Nasiv, ano! 'Yung kapatid mo lang?" Reklamo ni Kayla that made my brother chuckle.

"On-going na, Kayla." Sagot ni Kuya sabay nag-hiwa ng steak para kay Kayla na nag-rereklamo na parang bata.

"Abuso ka na Kayla, ah. Libre ka na nga ng drive 'tas gasolina tapos ngayon nag-papahiwa ka pa. Hindi ka naman demanding, ano?" Sarkasitong puna ng isang ka-team ni Kuya. Si Joshua.

"Shut up!" Singhal ni Kayla sa kaniya.

"Alam mo, Kay--"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Joshua ng tumayo si Kayla at ipinakain ang isang buong hotdog sa bibig nito para hindi makapag-salita.

"Ayan! Mahilig kang kumain ng hotdog, hindi ba?" Halakhak ni Kayla. Agad namang tinanggal ni Joshua ang hotdog sa bibig niya.

"Mas hilig kong kinakain ang hotdog ko." Joshua raised his eyebrows before smirking.

Agad din naman 'yung nag-laho sa kaniyang mukha ng pitikin siya sa nuo ni Ava.

"Aray! Masakit 'yun, ah!" Humawak siya sa kaniyang nuo at nag-pout.

"Deserve." Sabay-sabay naming sabi na tatlo bago humalakhak. Piling naman tuloy ni Joshua, pinag-kakaisahan namin siya.

Nag-patuloy lang kami sa pag-kain at ng matapos. Niligpit namin ang mga plato at si Kuya naman ay binuhat ang mga pinggan. Agad namang lumapit ang maid sa kaniya.

"Nako! Nasiv, ako na 'yan. Bisita kayo rito." Tutol sa kaniya ng maid pero umiling lang si Kuya.

"Okay lang po, Ate. Ang sarap kaya ng luto niyo rito. At isa pa, hindi na 'ko iba rito." Sagot ni Kuya at nag-simula ng mag-lakad.

"That's your brother." Bulong ni Ava at ngumiti lang ako.

"Who want some beers?!" Sigaw ni Dexter habang may dala-dalang mga cases ng mga alak. May mga light and heavy drinks. Nag-hiwayan naman kami.

Naririto pa rin kami sa long table at muli kong na-isipang hanapin si Lux pero hindi ulit ako nag-tagumpay. Nasan na kaya siya? Hindi ko naman alam kung bakit ko siya hinahanap.

Nag-lapag na si Kuya ng beers at mga shot glasses sa lamesa namin.

"Kuya, drink responsibly, ah." I reminded him, though I know that he knows that very much himself.

"Of course." Sagot niya at umupo na sa tabi ko.

Nag-salin si Kuya ng drinks sa shot glass. "Come on, bro. Pakikilala kita sa kanila."

Napa-lingon kami sa pag-lapit ni Dexter at agad nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong kasama niya si transferee guy, si Lux.

Kanina lang ay panay ang hanap ko sa kaniya tapos ngayon nasa harapan ko na siya.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon