#9

307 32 3
                                    

--April--

NANLAKI ANG mata niya sa nakita. Nang banggitin ni Noah na may susundo sa kanila, at ihahatid sila sa Cebu ay natuwa siya. Pero hindi niya sukat akalain na ang tinutukoy nito susundo sa kanila ay isang private chopper...yes, its chopper!

Lumapag ang chopper di kalayuan sa apartelle, sa may bakanteng lote banda.
Wow! She's speechless.

Mas kinagulat pa niya dahil ang chopper ay may tatak na Walsh Corporate logo. Naguguluhan man nagpaubaya na lang muna siya nang hatakin na siya ni Noah patungo sa chopper.

Tinulungan siyang makasampa ni Noah. Magkatabi sila naupo, saka sinuotan siya nito ng headset. Nakaramdam siya ng konting takot ng magsimulang umaangat ang sinasakyan nila. Oh lord!

Naramdaman niya ang paghawak ni Noah sa kamay niya. Sumulyap siya rito.

"Don't worry--magaling na pilot ang kaibigan ko."
sabay sulyap sa pilot.

"Marshall at your service--" nakangiting pakilala nito sa gawi nila saka muling tinuon ang tingin sa harap nito.

"Ano bang trabaho mo ba't may friend kang pilot?"
kunot noong tanong niya kay Noah.
Ang gara kasi, pang mayaman ang datingan. Hala--hindi kaya nagta'trabaho din si Noah sa Walsh Company?

"Later--I'll tell you." he just smile and wink at her.
Napailing siya, pati puso niya ang gara ng kabog dahil sa ngiti ng binata.

Wala pang trenta minutos ay matiwasay silang nakalapag sa itaas ng Walsh Hotel sa Cebu. Isa sa mga five star hotel sa cuidad ng Cebu.

Daig pa niyang nabatubalani, sobrang ganda ng tanawin sa itaas ng building.
Sa wakas nasa Cebu na siya! Amen!

May sumalubong ng bati kay Noah, dalawang staffs ng hotel. Ngumiti lang ang binata saka iginiya naman siya nito patungo sa elevator. Magkahawak kamay pa sila. Napatitig siya sa mga kamay nila na magkasiklop.

"Holding hands talaga?--"
pataray na wika niya sabay matalim na tumingin kay Noah.

Natawa lang ito sabay kurot sa pisngi niya ni hindi naman binitawan ang kamay niya kahit anong pilit nyang agawin dito ang kamay.

Pagbaba ng 20th floor, tumapat sila sa isang magarang pinto. Inilapat ni Noah ang daliri sa gilid ng pinto, finger scanner lang ay bumukas na ang pinto. Galing!
Teka--litong lito na talaga siya kung sino at ano ba rito si Noah.

Bumungad sa paningin niya ang isang magarang kwarto. Oh.My.God.

"Please stay here for the meantime--may kakausapin lang ako. Wait for me, okay?"
mayamaya ay wika ni Noah sa kanya.

"Marami akong itatanong sa'yo--mga bente, kaya bilisan mo." sarkastikong aniya.

Natawa naman si Noah sa sinabe niya.
"Ask me anything later, honey--basta stay here, hmm--pahinga ka muna. pwede ka maligo if you like--babalik din ako."
ani ni Noah saka mabilis na lumabas ng kwarto.

Gulong-gulo na siya. Ay bahala na! Nang akmang tutungo siya sa banyo ng may biglang maalala...holy crap! nasa Walsh Hotel siya?Ibig sabihin andito si Danny? Oh shit!
Kailangan niyang hanapin ang nobyo, palabas na siya ng pinto ng maisip niya si Noah--huminga siya ng malalim.

No, April--you must find your boyfriend first!
Tama. Si Danny muna.

Mabilis siyang tumungo sa elevator upang magpunta sa lobby ng hotel, doon siya magtatanong. Wala kasi siyang cellphone para matawagan ang boyfriend.

Nang makarating sa looby ng hotel kaagad siyang nagtanong kung nasaan ang advertisement team ng Walsh Food Corp. Nalaman niyang ngayon pala ang last day of shooting ng buong team.
Oh thanks god! andito pa rin si Danny.

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Where stories live. Discover now