#16

256 29 0
                                    

--Noah--

10 years after....

HUMINGA SIYA ng malalim saka tumingin kay Kuya Dawnson, isa na itong dakilang babysitter ngayon. Six years ago kinasal ang kuya niya at biniyayaan na ito ng kambal na anak. Sina Axel at Alex. Masaya ang buhay mag-asawa ng kanyang kuya. He's happy for him.

Ngumisi siya dahil panay ang harutan ng mga ito sa harap niya. Nakakatuwa makita ang super cute na mga pamangkin niya. Kakatapos lang ng birthday celebration ng kambal. Limang taon gulang na ang mga ito.

Mayamaya ay tumayo siya upang magtungo sa veranda. Halos sampong taon na rin ang lumipas, ngayon lang siya nakabalik ng Pilipinas.

Naramdaman niya ang paglapit ng kuya niya, inabutan siya nito ng beer.

"Mabuti naman at naging maayos ang paghihiwalay nyo ni Everleigh. After ten years, sa wakas malaya kana--"
isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa mukha ng kuya Dawnson niya.

Yeah, at last--sa loob ng maraming taon, parehas lang sila ni Everleigh naging miserable. Sa ilan taong pagsasama nila never niya natutunan mahalin ang babae, pero sinubukan niya..ang hirap nga lang.
Hanggang si Everleigh mismo ang kumalas, because he's a jerk. Aminado siya, mula ng ikasal sila naging mapaglaro siya sa babae. Nahuhuli siya madalas ng kanyang Ina na may kasamang dalawa o limang babae sa isang kwarto.

Kahit isang beses, hindi niya tinabihan ang babae. Walang araw o gabi na nakikipagtalo si Everleigh sa kanya. Tinakot pa siya nito na lulustayin ang lahat ng pera niya but he doesn't care.
Wala siyang pakialam kahit ubusin pa nito ang pera niya.

Hanggang isang araw, nahuli niyang umiiyak si Everleigh sa loob ng banyo may hawak itong pregnancy kit.
Nagulat siya sa nakita. Umiiyak itong nagsabi sa kanya na buntis ito sa ibang lalaki..and she love that man.

That's the time na kailangan na nilang maghiwalay upang makasama nito ang lalaking mahal ni Everleigh. Sino siya para kumontra sa kaligayahan nito? Sapat na siguro ang sampong taon para tigilan na nila ang walang kwentang pagsasama nila.

Nagkibit balikat siya at tinungga ang bote ng beer. Napangiwi pa siya ng malasahan ang pait ng alak.
"I miss this taste--lakas ng sipa"

Dawson chuckled and smirked.
"Lakas talaga sumipa ng beer na 'yan--"

Natawa na rin siya sa biro ni Kuya Dawson.

Pagabi na ng maisipan na niya umalis sa bahay ng kapatid. Nagpaalam na rin siya sa mga pamangkin at sa asawa ng kuya niya.
Sa penthouse niya sa Walsh Hotel siya tutuloy.
Habang nagmamaneho sa daan, pinagmamasdan niya ang paligid. Wala naman masyadong naiba, traffic pa rin.

Paliko na siya sa daan patungo Hotel ng biglang may nasagi siyang bata na nagbibisekleta. Natumba ito sa gutter ng kalsada.
Mabilis siyang bumaba. Shit! Kakarating lang niya ng Pilipinas, naka-aksidente agad siya at bata pa.

"Hey--kid. Are you alright?, may masakit ba sayo? Dadalhin kita sa hospital--"
nag-aalalang tanong niya sa nakayukong bata.

Kaso imbes na sumagot, tinuro nito ang gulong ng sasakyan niya.
Nagtatakang nilingon naman niya ang tinuturo nito. Nagulungan pala niya ang dala nito. God!

"Ayos lang po ako Sir. Kaso po, importante po 'yun gamot na binili ko. Magagalit sa'kin si Mama."
parang naiiyak na saad ng bata.

Napasabunot siya. Huminga muna siya ng malalim. Nakakainis, naparami kasi ang inom nya kaya hindi agad napansin ang bata.

"Don't cry, okay? Ahm--papalitan ko na lang 'yan lahat hmm?. Sure ka bang walang masakit sa'yo?--"
nangangamba kasi siya, payat pa naman ang bata. Siguro nasa sampong taon gulang na ito base sa taas nito.

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Where stories live. Discover now