#25

330 28 6
                                    

--April--

"WALANG kasiguraduhan ang heart transplant surgery. There's a possibility na kahit maging successful ang operation..maaaring hindi tanggapin ng katawan niya ang bagong puso. But, there's also 75% cases of heart transplant patients live at least five years after surgery..."

paliwanag ni Dr. Baltazar.

Nagkaroon na kasi ng heart donor si Noah. Masaya siya at the same time natatakot siya. Natatakot siya sa magiging resulta ng operasyon..maaaring mamatay ang anak nya habang inoopera.
Kaya naman bago umpisahan ang surgery kinausap sila ng doctor.

"--five years doc? pero may chance naman na humaba pa ang buhay niya?"
tanong ni Noah.

Kasama niya ang binata, silang dalawa ang kinausap ni Dr. Baltazar.
Tumango ang doctor.
"Yes--pwedeng tumagal pa ng 10 years, its really depends on the patient body. I just want the two of you, to be ready--whatever might happens but I will still assure you that we will do everything.."

She sighed.
"T-Thank you.."

Masakit man ang katotohanan pero sadyang ganon ang buhay. Sooner or later, kailangan niyang ihanda ang sarili niya na...mawawala ang anak niya.
Himala na lang kung umabot ito ng sampung taon.
Ang sakit para sa isang magulang, para sa isang Ina na tulad niya. Kung maaari lang ipagpalit ang buhay niya para sa anak ay gagawin niya.

Huminga siya ng sobrang lalim. Bukas na ng umaga gagawin ang surgery.
Bumalik siya sa ICU upang bantayan ang anak.

Nakita rin kasi niyang kausap ni Noah ang kapatid nitong si Mr. Dawnson Walsh. Pinag-uusapan ata ng mga ito ang tungkol sa anak nila.
Noah assured her na magiging maayos ang lahat sa operasyon ng anak nila.

Hindi na lang siya kumibo. Bahala ito magpaka-ama sa anak nila.

Naabutan niyang gising na ang anak niyang si Noah, kaagad siyang ngumiti.

"M-Mama!--"
magiliw na sambit ni Noah ng makita siya. Niyakap naman niya agad ito at hinalikan sa labi.

"B-Bukas na ang operation mo baby, hmm..gusto ko maging super brave ka ha?.."
malamyos niyang tinig sa anak.

Tumango-tango ito at matamis itong ngumiti.
"M-Mama..nakita ko na po si Papa ko. Masaya ako na siya ang papa ko. Siya po 'yung sinasabe ko po naging friend ko sa hotel--"
tuwang-tuwa saad ni Noah.

Natigilan siya. So, magkakilala na pala ang mag-ama. Wow--grabe talaga magbiro ang tadhana.
Mayamaya ay napangiti siya. Ang diyos na ang gumalaw para magkakilala ang dalawa, sino siya para kumontra?
Karapatan ng binata makilala ang anak nila at karapatan din ng anak niyang magkaroon ng Papa.

"M-Masaya na rin si Mama pag masaya ka anak..."
wika niya sabay haplos sa mukha nito.

"L-Love ko po si Papa. Love ko rin ikaw, mama..pati lolo at lola love ko..lahat po kayo super love ko po.."
masayang sambit ni Noah.

Hindi na ata maubos-ubos ang luha niya. Nagpunas siya ng luha.
"M-Mahal na mahal din kita anak--"
paanas na wika niya.

Napalingon sya ng may tumikhim sa likuran nya. Naroon si Noah nakatayo.
Lumapit ito sa kama at humalik sa noo ng anak nila.

"A-Ako rin anak, love rin kita."
malambing na tugon ni Noah sa anak nila.

Kitang-kita niya ang pagbakas ng saya sa mga mata ng anak nila.
"Yehey!--natupad na ang wish ko. Love ko po kayo dalawa, Mama..Papa.."

Niyakap ni Noah ang anak nila kaya naman ng sumenyas ang anak niya na mag-hug din sila ay agad siyang yumakap din. Tatlo silang nagyakap.

Dama niya ang kaligayahan ng anak nila. Masayang masaya talaga ito. Kumpleto sila. Parang isang kumpleto pamilya.

Bumawi naman ang binata sa anak nila dahil halos hindi na ito umaalis sa tabi ni Noah. Panay ang laro at biruan ng mga ito, humiling din ang anak nila ng maraming pictures kaya panay ang kuha nito ng mga larawan nilang tatlo o larawan nito kasama ang binata.

Hanggang sa umabot na ng gabi, magkahawak kamay na nakatulog ang mag-ama. Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya dahil sa tagpo na iyon.

God, ikaw na po bahala sa anak ko.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

DUMATING na ang araw ng operasyon ng kanyang anak. Kasama niya ang kanyang mga magulang na nagdadasal sa maliit na prayer room sa hospital, andoon din si Noah at kapatid nito na si Dawson.

Nasabi na rin niya sa magulang ang tungkol kay Noah Walsh, na ama ng kanyang anak. Wala naman silang naging negatibong komento para binata ngunit ramdam niyang galit ang mga magulang niya. Huminga siya ng malalim.

Lumipas ang halos apat na oras ay lumabas na si Dr. Baltazar sa operating room.
Mabilis na sinalubong niya ang doctor, umaasang naging matiwasay ang operasyon.

"The operation went well. We just need to wait for 24 hours, until he wakes up--hopefully sana tanggapin ng katawan niya ang bagong puso--"
saad ng doctor sa kanila.

Para silang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa magandang balita.
Natuptop niya ang bibig ng palad niya sa labis na tuwang nararamdaman niya.
Naiyak siya sa tuwa.
Niyakap niya ang mga magulang sa sobrang saya. Thank god!

Napansin din niyang nagpunas ng luha si Noah at tinapik naman ito sa balikat ng kapatid nito.

Kahit paano gumaan ang loob niya.
Ang tanging dasal na lang nila ay tanggapin ng katawan ng anak nila ang bagong puso.

Please baby, keep fighting..

Nag-antay pa sila ng isang oras mahigit bago naidala si Noah sa ICU. Kailangan nilang mag-antay na magising ito. Sana lang talaga ay walang maging komplikasyon sa bagong puso nito.

Pero kung ano man ang mangyare handa na siya. Nagpunas siya ng luha habang nakatunghay sa glass window kung saan tanaw nila ang nakaratay na anak.

Napakislot siya ng maramdamang may mainit na kamay na humawak sa kamay niya. Si Noah. Namumula ang mata nito na nakatitig sa kanya.

"T-Thank you...for letting me help our son, and for letting me to be a father..."
malungkot na ani nito.

Marahan niyang binawi ang kamay at nagpakawala ng malalim na paghinga.

"--gusto ko rin mag-thank you sayo, salamat..at saka gusto ko lang linawin na, hahayaan kitang maging ama para sa anak natin..pero hanggang doon lang.."
mahinang bigkas niya..saka pinag-krus ang mga braso sa dibdib.

Kumunot ang noo nito.
"A-April--mahal kita. Mahal na mahal kita..kayo ni Noah, mahal ko kayo..please..give me a chance..hmm.."
naluluhang pakiusap nito.

Umiling sya.
"T-Thank you but--okay na ako. okay na kami. para kasing...ang hirap na..ang hirap na...ibalik ang dati..siguro mag focus na lang tayo sa pagiging magulang para kay Noah..."
bigkas nya sabay iwas ng tingin sa binata.

Bumalatay ang sakit at lungkot sa mukha nito. Ayaw niyang tignan ito. Sapat na ang ibinigay niya para rito...ayaw na niyang ma-involved ang puso nya. Mas okay kung maging civil na lang sila sa isa't isa.

"I thought---you love me..."
paanas na sambit nito.

She smile softly.
"M-Minahal kita, Noah. Pero magkaiba ang MINAHAL KITA  sa MAHAL KITA."
ani niya at tinalikuran na ito.

Moving on, is a simple thing, what it leaves behind is hard. She sighed.







(▱˘◡˘▱)

the end is near.....

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon