Chapter 79: The Man who can't be read

91 8 1
                                    

Mechelle's POV

Pabalik na kami sa classroom nang makasalubong namin si Jhomer. Kaya naman agad na napatingin sa gawi ko si Shahoney.

"Una na ako sa loob, Seb", tinanguan ko lang siya.

Nabalik naman kay Jhomer ang tingin ko na nakatingin lang rin sa akin.

Siguro ito na ang right time, pagod na rin akong iwasan siya.
After all naging isang mabuti rin siyang kaibigan sa akin.

"Ganda mo pa rin", nakangiting sabi niya nang lapitan ko siya.

"Let's talk", agad nawala ang ngiti sa labi niya. Pero agad rin itong ngumiti ng malawak.

"Sige ba, basta may kiss rin ako katulad nang sa mga kdrama",agad ko siyang nasuntok sa tagiliran dahil sa sinabi niya. Akala ko kung ano nang iniisip niya, pero it's a good idea na nag-open siya ng joke baka kasi maging awkward ang atmosphere namin.

"Ito na ba yung time na hahalikan mo ko?Or mag-tatalo muna tayo?", gustong gusto ko ng sipain ang mukha niya. Puro kalokohan.

"Please naman seryosong usapan na, wag na puro biro", agad nawala ang  malawak na ngiti sa mukha niya. At napalitan ito ng matamlay na ngiti. Parang di ko ata kayang makita siyang ganito.

"I'm sorry,Jhomer. Sinubukan ko naman pero siya pa rin", naiiyak nang sabi ko. Nang bigla niya akong hilahin saka niya ako niyakap.

"O-okay lang yun, atleast you tried. Sinubukan mong iparamdam sa akin kahit na hindi katulad ng pinaramdam mo sa kanya.", agad akong naiyak sa sinabi niya lalo na nang maramdaman kong naiiyak na rin siya pero alam kong pinipigilan lang niya.

Pumantay siya sa akin, at doon ko nakita ang mukha niyang nakangiti sa akin pero halata ang lungkot sa mga mata niya.

"Alam mo, nagpapasalamat ako sa Maykapal kasi nakilala kita,at napormahan pa", medyo natawa pa siya sa huling sinabi niya.

"Alam kong sinubukan mo kaya hindi kita sisisihin at alam ko ring hindi kita kayang sisihin, at alam kong alam mo kung bakit", aniya saka niya pinunasan ang mga luhang kanina pa nag-uunahan.

"Thank you Mechelle, alam kong talo na ako sa simula pa lang pero binigyan mo ko ng chance kahit na hindi ko kayang baguhin yang nararamdaman mo. Thank you kaya please wag mong sisihin ang sarili mo kasi alam nating hindi mo ginustong saktan ako", nakangiting sabi pa niya.

"Gusto kong maging kaibigan mo para kahit ganon lang ang maging papel ko sa buhay mo atleast nasa tabi kita, pero sa ngayon mukhang hindi ko pa kaya. Kaya naman sana siya na talaga, sana hindi ka niya iwan, sana alagaan ka niya  at syempre mahalin ka nang higit sa kaya ko. Tawagan mo ko agad kapag niloko ka niya, reresbakan natin ", natawa pa siya sa huli niyang sinabi.Saka siya tumayo ng tuwid at ngumiti sa akin.

"Pwede ba kitang yakapin ng buong araw? pero syempre alam kong busy ka kaya payakap na lang ng mahigpit", agad ko naman siyang niyakap. I'm really sorry Jhomer, kung pwede lang sana turuan ang puso, ikaw talaga ang pipiliin ko.

"Seryoso ako sa huling sinabi ko kanina kaya naman wag mo kong kalimutang tawagan",mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Thank you sa pagmamahal, at sana mahanap mo na ang tamang babae para sayo",alam kong masakit pero sana kayanin mo.

"Hindi ba't nasa harap ko na? Bakit hahanapin ko pa?", saka siya tumawa.

"I'll be alright, Wag kang mag-alala hindi ako tatalon sa rooftop", nakangiti pang sabi niya kaya naman agad kong napalo ang balikat niya. Subukan niya lang talaga.

Dark Academy Where stories live. Discover now