Chapter 67 : Awaken

363 18 2
                                    


Dedicated ang Chapter na ito sa mga readers na patuloy na nagbabasa ng kwentong ito :))
Thank you and enjoy reading

-Miss A

Mechelle's POV

Nandito kaming lahat sa kwarto ni Diane dahil nabalitaan namin na ngayon pala ang totoo niyang birthday. Kaya todo plano kaming lahat kung anong gagawin.

"Pwede na siguro kung lagyan na lang natin ng ilang mga Balloon sa bawat corner nitong kwarto niya tapos lahat kulay Pink", nakangiting sabi ni Shekinah na adik talaga sa color Pink. Di na ako magtataka kung ang suot niyang panty ay  pink din. Agad naman siyang binatukan ni Lauren.

"Anong lahat Pink? Wag mo siyang ihawa sa kaadikan mo sa color Pink ?", ani pa ni Lauren. At di naman namin mapigilang  matawa dahil sa may punto nga naman si Lauren.

"Tanungin na lang natin yung kapatid niya kung anong favorite color niya", suggest ni Kyle sa amin. At sakto namang pumasok si Alexa kasama si Nurse Cha. Oras na ata para i-check si Diane.

"Kayong lahat itigil niyo muna yang mga plano niyo", biglang sabi ni Alexa.

"Dahil ngayong araw natin kikitain ang totoong kalaban natin", dagdag niya pa. At doon sinabi niyang tapos na raw gawin yung fake na golden axe. At plano nilang kitain yung kukuha nun kapalit nung antidote. Yun ang Plan A nila. Kaya lang kung magkaroon ng aberya saka naman kami papasok bilang Plan B.

"Pero paano kung mapansin nilang fake yung dala niyo?", tanong ni Rowel.

"Wag kang mag-alala dahil siniguro naming kasing bigat at talas ng fake Axe ang totoong Golden axe pero kung mangyari man ang sinasabi mo then ihanda niyong lahat ang sarili niyo. Dahil lalabanan natin sila pero pumunta muna kayo ng palihim sa Kwarto ni Sir Ken dahil nandoon lahat ng gagamitin natin mamaya", seryosong sabi niya saka siya naglakad papalapit sa natutulog na si Diane. Nagkatinginan na muna kami bago kami pumunta sa Room ni Sir Ken.

Chandria's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang nagfast forward ang lahat at nandito na agad ako sa kwarto ko kasama si Lolo Watson.

"Grandpa,Bakit po ang laki at ang bigat ng regalo niyo sakin?", curious na tanong ko.

"Dahil espesyal ka Apo, Gusto mo buksan ko para sayo?", nakangiting wika nito at tumango na lang ako. At ganon na lamang ang gulat ko nang muli kong makita ang Gintong Itak ko. Ibig sabihin ngayong araw ko toh natanggap sa Lolo ko?

"Wow, Ang ganda po", komento ko.

"Maganda diba? Kaya ipangako mo sa akin Apo, na aalagaan at iingatan mo ang itak na ito. At huwag mong hahayaang makuha toh sayo ng iba", makahulugang sabi niya. At agad naman akong tumango.

"Pero bakit po kailangang hindi ito makuha ng iba?", curious na tanong ko.


"Dahil sobrang espesyal ng Golden Axe na yan at maraming gustong makuha ang bagay na yan, Bata ka pa apo kaya hindi ko maaaring ibahagi sayo ang totoong dahilan pero alam kong darating ang araw na kusa mo itong malalaman at kung bakit sayo ko toh binigay", mahabang litanya pa niyo. Nagkuwento lang kami  at nakwento niya ang totoong dahilan kung bakit itinakwil niya si Tito Greg. Isa daw kasing adik at maraming bisyo si Tito Greg kaya binigay niya kay Dad ang lahat ng pamana niya pati na ang Academy. At muntik na rin daw siyang patayin ni Tito Greg dahil sa galit kaya binigay niya ang ¼  na pamana niya rito. Dahil kahit papaano ay anak pa rin niya ito. Di ko tuloy lubos na maisip na adik si Tito Greg mukha naman kasi siyang mabait.

Dark Academy Where stories live. Discover now