Chapter 62: The Working Student

556 22 2
                                    

Shemagne's POV

"O, Tubig pangpakalma", nakangiting sabi sa akin ni Chenee saka niya hinagis sa akin ang isang mineral water saka siya tumabi sa akin. Nasa rooftop kami ngayon, sa tuwing nalulungkot at nagagalit kasi ako ay tumitingin lang ako sa payapang kalangitan.

"Pangpatanggal stress mo talaga ang langit noh?",ani ng katabi ko.Di na ako umimik pa at pumikit nalang.

"You know what Shemagne? Nung nasa 3rd Compound pa tayo, sa tuwing tumitingin ka sa mga mata ko I always saw it sparkling", panimula niya saka niya ako tiningnan.

"Kahit naman ngayon ih nakikita ko pa rin na kumikinang ang mga mata mo pero hindi na sa akin kundi sa kanya na..Kilalang kilala na kita Shemagne at alam ko kahit di mo sabihin sa akin ay iba na ang nilalaman niyan..", sabi niya habang nakatingin sa may bandang puso ko. Agad naman akong napatingin sa kanya at kitang kita kong nasasaktan siya sa mga sinasabi niya.

"Ano ka ba.. huwag mo kong tingnan ng ganyan baka maiyak ako ng di oras dito.., Pero seryoso Shemagne, Iba na talaga ang tinitibok niyan iniisip mo lang na ako parin pero iba na talaga.At masaya ako para sa inyo lalo na at nakikita kong mamahalin ka talaga niya gaya ng pagmamahal ko sayo noon,Aaminin ko mahal parin kita pero alam ko rin sa sarili ko kung saan ka mas sasaya at alam kong sa kanya yun.. Kaya sana ay wag mong palampasin lahat ng chances mo dahil baka maunahan ka pa ng iba.. ", sabi niya sa akin. Nginitian ko siya saka ko siya binigyan ng yakap.
Siguro tama ka nga Chenee, Pinipilit ko lang siguro ang sarili kong sayo nalang ulit mainlove dahil sa natatakot ako..
naduduwag akong baka mangyari sa amin ang nangyari sa atin noon.

Shekinah's POV

Nakaupo lang kami ng biglang lumabas si Nurse Cha sa Operating room at binalita sa aming stable na raw si Keith.
Kaya ito kami ngayon at kulang nalang ay magpaparty ng bongga para lang masabing sobrang masaya kami. Gusto kong ibalita kay Mr. President ang magandang balita kaya lang wala pa siya kaya minabuti ko nalang na hanapin siya.Hanggang sa makarating ako sa Rooftop sa kakahanap sa kanya at nakita ko nga siya.. kaya lang kayakap naman niya si Chenee ang ex niya. Na sigurado akong mahal pa rin niya. At dahil ayokong istorbohin ang moment nila ay bumalik nalang ako sa lobby.

Pababa na ako ng makasalubong ko si Kyle.

"O.., Shekinah nandito ka lang pala akala ko talaga kung na-", di niya na natapos ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa akin na akala mo ay nakakita ng dyosa kung makatitig.

"Bakit ka Umiiyak?", malungkot na tanong niya sa akin saka niya ako nilapitan at pinunasan ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. Di ko rin alam ih.. bakit ako umiiyak? Di naman ako ganito noon? Na sa tuwing nakikita sila ay nasasaktan, Pero kanina di ko alam pero nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko.. akala ko kasi may chance pang makita niya rin ako.. kaya lang dapat pala di na ako nag-expect. Agad kong hinawakan ang kamay ni Kyle saka ko siya nginitian.

"Ayos lang noh.. tears of joy kaya toh dahil sa ligtas na si Keith..", nakangiting sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Tsk.. You're really bad at acting kaya ka siguro di matanggap ng Theatre Club..", sabi niya pa saka siya ngumiti sa akin at ginulo ang buhok kong ang ganda ganda lang naman ng ayos. Sabay kaming pumunta sa lobby at habang naglalakad kami ay nagpasalamat rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya para kay Keith, masasabi ko talagang isa siyang tapat na kaibigan. Gusto ko rin sanang pasalamatan si Artneil na di ko alam na may tinatago palang kabaitan at si Diane rin na akala ko ay pagiging yelo lang ang alam sa buhay.

Tabi kaming naupo ni Kyle nang biglang dumating sila Shemagne at Chenee. Bigla ko namang napansin ang masamang titig ni Shemagne sa kamay kong nakasabit sa braso ni Kyle. Tsk.. pakialam ba niya? Nang makita naman sila ni Kyle ay agad nitong ibinalita ang good news na ikinatuwa naman ni Chenee.
Biglang nagpaalam sa amin si Chenee na uuwi na raw muna siya akala ko nung una ay ihahatid siya ni Shemagne pero ang mokong di man lang binigyan ng tingin si Chenee..
Kaya sa huli ay sumabay nalang ito kina Rea at Shamel na mukhang papauwi na rin. Gusto ko sanang sumabay kaya lang may meeting kami ngayon nila Shahoney tungkol sa Kidnapping incident na akala ko ay nakalimutan na nila. Nagulat naman ako ng biglang lumabas si Sir Ken sa kwarto ni Diane.. tiningnan niya lang kami saka ito nagtungo sa kwarto ni Keith. Gusto ko rin sanang pumunta sa kwarto ni Keith kaya lang mas magandang dalawin siya kung gising na siya. Agad namang lumabas sa kwarto na naman ni Diane sila Mechelle at Shahoney. Sinenyasan nila kaming sumunod sa kanila kaya agad kaming sumunod. Hanggang sa pumasok kami sa isang malaking kwarto. Sinimulan nilang ibahagi ang lahat ng maaaring makatulong sa plano lalo na si Shahoney na kung mag-explain sa amin ay akala mo isang prosecutor. Natapos namin ang paghanda sa mga hakbang na gagawin namin at naisipan pa naming gawin bukas ang unang hakbang sa mga plano namin.

Dark Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon