L.M - Code

215 10 0
                                    

*Ring*

8:46 A.M :-)

Tinignan ko yung phone, Si Stephen lang pala.

"Ughh ba't napatawag ka? ang aga-aga"

(Pauwi na ako diyan)

"Ohh Edi Wow, bakit magpapasundo ka pa ba?"

*tot* Boom binabaan ako. Si Stephen Cuevas, pareho kaming naka survive sa incidente, tadtad ng saksak ang kanyang mga magulang nun. Siya narin ang naging kakampi ko sa buhay kasama si Ate Jane na nagpapalaki sa amin kaso pumanaw siya dahil sa Lung Cancer, sobrang lungkot namin nun kasi akala namin forever na siya sa side namin.

Nagbihis ako para pumunta sa airport, para sunduin yung mokong este Stephen. Black coat, with black boots and shades yung suot ko. Sumakay na ako sa kotse ko. Tinawagan ko siya at buti sumagot agad.

"Watashi wa soko ni kite iru" -Paparating na ako diyan-

(Ang bagal naman, pwede paki bilis!)

Binabaan ko na lang siya, nakakadisturbo sa pagdadrive eh. Tumingin ako side mirror ko, may napansin ako, parang kanina pa may sumusunod sa kin. Hindi na ako dumiretso instead lumiko na lang ako. Pero sumusunod parin yung sasakyan. Binilisan ko yung takbo ng kotse. Bumilis rin yung takbo. Sinuot ko yung gas mask ko at inihanda ko rin ying baril ko. Magkatabi na yung kotse namin tumingin ako sa kaliwa, may mga grupo ng lalaki na may hawak na shotgun. Maya't-maya'y nagsalita yung isang lalaki.

"Ibigay mo na sa min Maskara Princessa alam naming nasayo ang code!"

Anong code eh wala naman sa kin, Iniisip ko kung ano yung code na sinabi nila. Deep thoughts, binangga nila bigla ang kotse ko, binagga ko rin yung sa kanila. May sumunod na dalawang sasakyan back-up ata.

Napalibutan na nila ako. Lumabas na lang ako sa kotse, paglabas ko nakatutok na ang mga baril nila sa kin. May kinuha akong isang maliit na bola. Tumingin ako sa kanila para silang natatakot. Kinuha ko yung bola at ipinagulong ko, na distract naman sila. Tapos sumabong yung bola, tear gas yun.

Nakatakas rin ako.

"Ouch!" P*cha! natamaan ako"

Buti nalang sa paa lang. Lumapit yung nakabaril sa paa ko.

"So its you, we've meet again" inikutan niya ako.

"Oo ako nga, eh ano naman?"

"Naalala mo yung bata 10 years ago, yung sinilip mo?"

Tumahimik na lang ako nagpapanggap na wala akong alam. Hindi ko kilala tong lalaki na to, baka ano pa ang gagawin nito sa kin. 

"Wala akong alam"

"Paano mo naman nasabi yun?" sabi niya. Umupo siya at nakangiti.

"Dahil hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo"

Lumapit siya sa kin, hinawakan niya ang buhok ko.

"Magkikita pa tayo Mask Princess"

Umalis na siya. Tumayo ako, grabe ang sakit! Hinanap ko yung phone ko wala eh naiwan sa kotse. May isang sasakyan naman ang dumating, kotse ni Stephen. Nanghihina ako. Bumaba siya sa kotse, unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko.

"Lye~.... Lye~... "

4:30 P.M

Nasa kama na ako pag mulat ko. Kama niya. Say whaaaat kama niya?!

"Oy, gising ka na pala"

"Hoy! bakit di mo ako hinatid sa kwarto ko, ba't dito sa kwato mo!?"

"Ehh ang layo ng kwarto, nasa second floor at ang bigat mo pa

Akin na yang paa mo" sabi niya sa kin.

Nagblush ako nung sinabi niya yun, pero what! paa ko?! Bakit ano ba ang gagawin niya?!

"Hoy! anong gagawin mo!?"

"Gagamutin ko? Wag kang mag-alala hindi ko nakita yang private-"

Sa galit ko sinuntok ko siya. Minsan kasi may pagka manyak yun, wala eh nakakita kasi ng mga chicks doon sa London at Korea. Pumunta rin sa mga bars, at club. At kung sinu-sino yung ina-add sa Facebook.

"Aray!"

"Buti nga sayo"

"Ehh sino ba ang may gawa niyan ha!?" tanong niya.

"Hindi ko alam.."

Hindi ko kilala yung lalaki, pero nakita ko na siya nung sa Hotel i ncident.

"Malamang may kinalaman ito sa incidente" sabi niya, yumuko siya.

Niyakap niya ako, naalala ko tuloy si Mama. Naramdaman ko yung dibdib niya, He really is growing up. Mas nakakatanda si Stephen sa kin, 21 na siya at 18 ako. 11 siya nung naganap ang incidente, 8 naman ako. Palagi siyang umiiyak kada gabi, palagi naman rin siyang kinocomfort ni ate Jane. Ako lang ang naging kalaro niya at kaibigan.

"Hindi kita iiwan" sabi niya.

"Oo na, alam ko" painis kong sinabi.

"Hahanapin natin ang code, kailangan tayo ang ma uuna.

Hustisya na palagi ang isinisigaw niya, wala ng iba.

(I'll continue the story if this reach 5 votes)

Liar Mask (On-Going)Where stories live. Discover now