L.M - Childhood Friends

59 4 2
                                    

[Opening song- Warriors- Imagine Dragons]

-Flashback-

~Gabriel Seigfred~

Bata pa lang kami ni Isabel ay magkakaibigan na kami. Kalaro ko siya. Naglalaro kami palagi sa Playground. Since we were 5 ay bestfriend ko na siya.

July, Lye- 6yrs. Gab- 7yrs.

"Gabby, bili tayo ice-cream!" tumalon-talon siya sa saya.

"Wala ako pera" sabi ko.

"Pero meron ako!" sabi niya, habang iwinawagayway niya ang pera.

"Tara!" sabi ko.

May humarang samin, mga lalaki na may itim na jacket. Tatlo sila, malalaki ang mga katawan.

"Akin na yan bata, kung ayaw niyong masaktan" sabi niya habang nanigarilyo.

"No!" sigaw ko.

"Sa amin toh eh, not yours!" sigaw ni Isabel.
Sinamaan kami ng tingin
Nakatago naman sa likod ko si Isabel. Halatang takot bukod pa nun, nanginginig siya.

"Mukha naman kayong mayaman, sige kung ayaw niyo. Kunin sila" he command.

Then they grab our arms, pinilit naming makawala pero huli na. Naipasok na kami sa van. Nakayakap sa kin si Isabel at parang maiiyak na. Ako rin natatakot rin ako, pero hindi pwede dahil baka mapatay kami dahil sa takot.

Pinasok kami sa isang kulungan na  maraming mga bata.
Nakatingin sila sa amin. Nasa likod ko si Isabel, hawak-hawak ko yung kamay niya.

"Saan tayo, Gab?" bulong niya sa kin.

"I dont know"

Umupo kami sa may dulo, yakap ng yakap si Isabel sa kin. Yung iba umiiyak na.

"Hoy yang batang babae kunin niyo" sabi ng lalaki at tinuro niya si Isabel. Lalo niya akong niyakap ng  mahigpit na pilit ayaw niyang bumitaw.

"Gabby!!" Sigaw niya. Nakuha na nila si Isabel. Hinabol ko sila, I kicked the groin of the man at parang napahiga siya sa sakit.

Agad kong kinuha ang kamay niya at tumakbo. Pero naabutan kami.
Unti-unting bumitaw ang kamay ni Isabel sa kamay ko. Umiiyak siya. Nakuha na nila si Isabel. Habang ako ikinulong sa isang abandunadong kwarto. Naka lock.
Umisip ako ng plano, hindi pwede na dito lang ako, walang ginawa. Baka kasi kung ano na ang ginawa nila Isabel.

May nakita akong bintana sa kabila, kaso ang taas. May nakita rin naman akong upuan kaya pumatong ako. Dahan-dahan akong umakyat at bumaba.

May nakita akong isang kahoy medyo mabigat pero nakayanan rin, Pang depensa lang toh.

Nakita ko na nakatali si Isabel sa upuan. Umiiyak.  May lalaking nakabantay mga tatlo.

Sinugod ko sila, yung isa ay sinipa ko sa paa, yung isa naman ay inihampas ko ng kahoy sa mukha, yung isa naman ay sinuntok ko. Kinuha ko agad si Isabel at tumakbo. Hinabol naman kaming dalawa.

"Isabel bilis!" sabi ko.

Akala ko masasagasaan na kami pero dumating ang mga pulis. Nice timing!

Hindi lang kami ang naligtas, pati rin yung iba.

After ng incident. Binilhan niya ako ng isang pendant na may tatak ng korona, pareho kaming dalawa. Sobra akong pinupuri ng mga magulang ni Isabel, nagpapasalamat.

Hindi na kami basta-basta naglalaro kahit saan. Instead sa mansion na lang nila, malaki kasi ang garden nila. Ang saya-saya namin.

------------

1 week kaming hindi nakapaglaro ni Isabel. Hanggang sa nalaman ko na lang na namatay daw siya at ang mga magulang niya. Pero hindi ako naniniwala. Hawak-hawak ko yung pendant ko. After nun, wala na akong balita sa kanya.

-End of Flashback-

~Leslie "Isabel" Martini~

"Gab??" sabi ko.

Niyakap niya ako nang mahigpit, habang ako parang nagulat. Siya nga, ang kababata ko. Ang nagligtas sa kin.

"Naalala mo pa ba ito?" tanong niya habang ipinapakita niya sa kin ang pendant.

"Yes, Yes.."

"Kung ganon ay ikaw nga!" sigaw niya. "Dalaga kana Isabel!"

Ang saya-saya niya. At halos maiyak na siya sa sobrang tuwa.

"Umm uuwi na ako kasi--"

"Uuwi ka na? Hang-out muna tayo!" sabi niya.

"Ehh kasi--"

"Ganito na lang, bigay mo na lang sa kin ang phone number mo" sabay ngiti ang pagkasabi niya.

"Ito 09********8"

"Thanks, by the way gumaganda ka" hinalikan niya ang pisngi ko. umalis na siya.

Wow! ano yun friendship? Pero natuwa rin naman ako dahil bumalik siya nandito na siya uli. Gusto ko sanang magtagal kaso baka nag-aala na si Steph ko

Habang nagda-drive ako bigla ko na lang naalala ang mga memories namin ni Gabriel, yung mga bata pa kami.

Napangiti na lang ako, para akong baliw.
Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko silang natutulog malamang pagod sila sa practice o training.

Umakyat ako sa taas at tinignan yung pendant.

*beep*

From: Gabriel Seigfred

[Hi bestie!
Gala tayo tommorow, if available ka... Meet me sa SM, sa Main Gate. Reply kung makakapunta ka o hindi. Love you Bestie. XOXO]

Napangiti ako sa text niya, hindi parin siya nagbabago.

Ang tanong siya nga ba yung bestfriend ko?

Liar Mask (On-Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن