Ice Cream - 5

24 4 0
                                    

Kabanata 5

Mara POV

"alam mo ba Mara... matagal ko na 'tong gustong sabihin sayo to"

"ano yun Johnny?"

"ang pagmamahal ko sayo ay higit pa sa pagiging magkaibigan natin"

"anong ibig mong sabihin?"

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at  muling nagsalita

"matagal ko na talaga tong gustong sabihin sayo..."

Ano nga yun? Paulit-ulit?

Huminga muna siya ng malalim

"Mara Ellaine Lazaro... nung una hanggang tingin lang kita dahil pinapangarap lang kita pero ngayon abot ko na ang pangarap ko."

Sa mga sinabi niya wala akong naintindihan pero bakit parang kinikilig ako? *w*

Huminga ulit siya ng malalim at pinagpatuloy na ulit niya kung ano yung sasabihin niya

"Mara... can you be my girl... for the rest of my life?"

Natulala ako sa mga sinabi niya. Si Johnny Cruz ba talaga tong kaharap ko?

Hinga ng malalim Mara. Ayan ang pinaka hihintay mo. Gora na teh XD

"Yes Johnny. I'll be your girl for the rest of you life" ^______^

Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Shemay ito na talaga. This is it Mara.

Hahalikan ka na ng Prince Charming mo *w*

"Mara! Mara! Mara!"

Paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ko.

Pwede na akong himatayin nito XD

"Hoy Maraaaaaaaaaaaaa.........."

"Ay kalabaw ka!"

"Sinong kalabaw?"

"Ikaw kuya este yung kapitbahay. Hehehe"

Panira talaga ng paniginip tong si kuya. Konti nalang eh mga 1cm nalang siguro ang agwat ng mga labi namin. Sayang =______=

"Bakit ka nga pala naka nguso? May hinahalikan ka ba sa panaginip mo?"

"OO. Konti nalang yun kuya. Konting-konti nalang eh tapos gigisingin mo ko kung kelan malapit na. KJ mo kuya >_____<"

"Sorry naman. Tara na."

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Ano ka ba? Linggo kaya ngayon...syempre magsisimba tayo"

Sabi ko nga -______-

"Bumangon ka na dyan at mag-ayos"

"Yes commander!" ^_______^ with matching saludo

(Sa Simbahan)

Heto papasok na kami ni kuya Jeremy sa simbahan. Nag sign of the cross muna kami syempre nung nagpahid kami ng holy water sa loob ng simbahan. Umupo na kami ni kuya Jeremy para hintayin ang misa. Mga ilang minuto bago mag umpisa yung misa may tumabi saking lalaki.Pamilyar yung itsura niya basta ang alam ko nakita ko na siya. Tinitigan niya ko ng ng mahigit 5 segundo. Hala? Bakit parang kinakabahan naman ako sa lalaking 'to? Wag ko na nga lang siyang pansinin.

Dumating na rin ang pari at nag simula na ang misa

"...Sa ngalan ng ama at ng anak at ng Diyos espirito santo" sabi nung pari

"Amen" tugon ng mga tao

Nagsimula ng mag sermon ang pari. Ewan ko ba kung bakit hindi ko maiwasan tumingin dito sa katabi ko? Gwapo kasi niya eh XD Pero basta, parang nakita ko na siya ewan ko lang kung saan.

Masyado na kasi akong ulyanin para makilala yung isang tao lalo na kung hindi ko pa close.

"...iisang pamilya tayo mga kapatid at sabay-sabay nating awitin ang Ama Namin" pari

Shemay >,< hahawakan ko yung kamay ni kuya. Wala na akong nagawa, hinawakan ko nalang.

Shemay, yung kamay ni kuya pang babae sobrang lambot. Sarap hawakan, parang ayoko na nga bitawan eh kahit tapos na yung kanta.

Nag peace be with you na rin kami.

"Peace be with you" sabi ko dun sa lalaki

Sumagot rin naman siya. Ano ba tong si kuya hindi masyadong masayahin. Mahiyain siguro to >_____<

Natapos na ang misa. Hinila ko agad si kuya Jeremy dun sa bilihan ng ice cream. Gusto ko kasi ng ice cream *M*

"Kuya...bili tayo nun" habang tinuturo ko sa kanya yung isang stall ng ice cream

"Eh?!"

"Anong eh?! Sige na kuya... please~ pretty pretty please~!" with matching papaawa effect pa yan ah. Ewan ko nalang kung hindi ako bilhan nito. Mwahahahahahaha (evil laugh)

"Sige na nga" -_____-

Hahahahaha! Napilit ko rin si kuya ^_______^

Pinili ko yung sa cone na may flavor na cookies 'n cream while kay kuya is pinipig ^______^ Ang sarap talaga ng ice cream lalo na pag libre.

YUMMMMMMYYYYYY!!!!!!!! ^_______^ Inggit kayo 'noh?! :P

itutuloy~

Accidentally In Love (ON GOING)Where stories live. Discover now