Nice to meet you ^_^ - 9

24 2 0
                                    

Jenny POV

“Oh ikaw pala yan Marck anong ginagawa mo dito?”

Pag sinuswerte ka nga naman oh ^____________________________^

“May hinihintay lang masakit ba?” pag aalala niya

“Hindi naman. Sino hinihintay mo?”

Basta ikaw ang bumangga sakin hindi masakit yan ^________________________^

“Yung--- ayan na pala siya” sabay kaway niya dun sa babaeng palapit samin

Palapit ng palapit yung babae samin, ewan ko pero bakit parang sumikip yung puso ko?

Marck POV

“Ba’t wala pa rin siya? Asan na kaya yun? Ma text nga”

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya

“Malapit ka na ba?”

Agad naman siyang  nagreply

“Oo pababa na ng taxi”

Buti naman at nandito na siya. Rereplyan ko na ulit sana siya ng biglang may bumangga sakin

“Aray!” sabi niya

“Ayos ka lang miss---? Ikaw pala yan Jenny”

 Tinignan ko siya ng mabuti. Si Jenny nga.

“Oh ikaw pala yan Marck anong ginagawa mo dito?”

Habang hawak-hawak niya pa rin yung parteng nabangga ko. Sorry Jenny

“May hinihintay lang masakit ba?”

“Hindi naman. Sino hinihintay mo?”

“Yung--- ayan na pala siya”

Naputol ko yung sasabihin ko dahil napansin ko na papalapit na yung babaeng hinihintay ko. Kinawayan ko ganun din siya sakin.

“Oi Marck, kanina ka pa ba?” pagtatanong niya ng makalapit siya samin

“Hindi naman. Nga pala Jen—Asan siya? Kanina nandito lang yun ah?”

Napakamot ako sa ulo ko dahil biglang nawala si Jenny. Saan nagpunta yun?

“Sino? Yung babaeng kanina?”

“Oo”

“Naglakad siya sa direksyung yun ng papalapit na ako sa inyo” sabay turo niya kung saan nagpunta si Jenny

Sayang naman gusto ko pa naman siya ipakilala sa ate ko. Siya si ate Samantha, magpinsan kami pero ate ang tawag ko sa kanya. Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita ulit siya

“Wait. Don’t tell me siya yung kinukwento mo sakin?”

Tumango lang ako as I answered her. Oo kinukwento ko sa kanya si Jenny, kung panu kami nagkakilala, kung panu nagpanggap siya bilang girlfriend ko sa tapat ng ex-girlfriend ko at kung panu rin nahulog ang loob ko sa kanya.

“Ano ba yan, sayang naman ano ba kasi sinabi mo at umalis siya?”

“Wala akong sinabi ewan ko ba dun baka may topak?”

Baka nga tinotopak lang talaga.

Jenny POV

Bago pa makalapit samin yung babaeng paparating umalis na ko. Iniwan ko sila. Nakakahiya naman kung sasama ako sa pagdadate nila.

Dumiretso nalang ako sa Mcdo dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Habang naka pili ako, napansin ko silang naglalakad patungo sa direksyon pero hindi sila naka tingin sakin. Kaya naman nagtago ako pero bakit ako nagtatago? May nagawa ba akong kasalanan? Tama Jenny! Wag kang magtago! Wala kang kinakatakutan!

After 3 minutes nagtago ako. Huhuhuhuhu! Kinakabahan ako eh ewan ko ba. Nang maka order na ako agad akong bumalik sa arcade.

“Bawal ka pong pumasok miss” pagpigil sakin nung guard ng arcade

“Bakit naman po manong?”

Hindi siya sumagot sa halip tinuro niya yung naka post dun sa pader nun

NO FOOD AND DRINKS ALLOWED

Ayan yung naka post dun tinignan ko yung kamay ko, oo nga pala bumili ako ng pagkain sa Mcdo. Ang tanga-tanga ko talaga

Kaya naman pumunta nalang ako sa garden dun ko nalang kakainin ‘to.

Habang kumakain ako nakita ko na naman sila. Bakit ba kung nasaan ako nandun din sila? Hindi naman maliit ang mall na ‘to? Baka naman sinusundan nila ako?

OMG. Papunta na sila sa direksyon ko. Panu na ‘to? Anong gagawin ko? Isip-isip-isip! Oh my gulay malapit na sila sakin.

“Ikaw lang mag-isa Jenny?”

“Hindi. May kasama ako”

“Ganun ba? Nasaan sila?”

Bakit ba ang dami mong tanong? Kakainis ka ha alam mo ba yun? Pero ok lang cute ka naman eh.

“Nandyan sa Timezone”

“Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya Marck?” sabi nung babaeng kasama niya.

Naku hindi ko na kailangan madagdagan ang circle of friends ko. At hindi ko hinihingi ang pangalan mo teh kaya magtigil ka.

“Ay oo nga pala, Samantha siya si Jenny schoolmate ko”

Nag hi nalang ako sa kanya. Napaka plastic mo talaga Jenny. Bitter teh?

“Jenny si Samantha ang ---“

Alam ko na sasabihin mo. Jenny siya nga pala si Samantha ang babaeng pinakamamahal ko. Kailangan pa bang ipamukha sakin?

“--- pinsan ko”

Tama ba pagkaka rinig ko? Pinsan niya? Magpinsan sila? Baka nagkakamali ako?

“Ano nga ulit? Parang hindi ko narinig”

“Pinsan ko siya pero ate tawag ko sa kanya”

“Ga-ganun ba? Hehehe hello po!”

“Ang cute mo pala sa personal alam mo bang lagi kang kinukwento sakin ng pinsan kong ‘to”

“ATE!!!”

Ano nga ulit yun? Kinukwento ni Marck ako sa pinsan niya? Bakit?

“Ito naman” tinapik niya lang si Marck pero mukhang malakas yun ah. Tumingin siya sakin

“By the way nice to meet you Jenny” ^_______________________^

“Nice to meet you rin po” ^_________________________^

“Wag mo na akong pino-po feeling ko tuloy ang tanda ko na. Ate Mathie nalang ang itawag mo sakin”

“Okay ate Mathie” ^__________________________^

Accidentally In Love (ON GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن