Blackmail 39 (Bestfriends Forever)

1.1K 23 1
                                    

Blackmail 38  (Bestfriends Forever)

Monday

after 1 week of our Foundation. Ito ako ngayon naghahapit sa lessons. Kasi naman marami akong namissed na lesson dahil sa paghahanda ko sa Foundation. Tapos ngayong thursday at friday exam naman grabe lang.

Bakit kasi ganyan ang mga pamamalakad ng mga school. After Foundation week exam agad? hindi ba pedeng take-a-break muna? 

Nasa library ako ngayon, search sa mga namissed kong lessons. Buti nga at tinake over ni Nicolette iyong O.O.H ngayong week. Mabait siya at responsable. Bagay talaga syang Vice.

"George..." nagulat ako ng may tumawag sa akin mula sa likod at mas nagulat ako sa boses na iyon.

Namiss ko ang boses na iyon. Ang taong nagbigay importansya sa akin ng matagal na panahon.

Ang isa sa mga taong nagbigay ng Happy moments sa aking malungkot na buhay. 

'Ang tinalikuran kong Bf' Si Chading and bestfriend kong hindi Bading. Mali ang hindi ko pagbigay ng kapatawaran sa kasalanan niya. Dapat pinakinggan ko muna ang paliwanag niya. Sana hindi muna ako nagpadala sa galit ko sa kanya at inintindi ang sitwasyon niya. Edi sana hindi ako napalapit sa taong mas lalong pinalungkot ang puso ko at sinaktan ulit ako.

"George please kausapin mo ako. hindi kailangan na patawarin mo ako. Basta pagexplainin mo lang ako." sabi niya iyan. Tumayo ako at lumakad pa punta sa Librarian at sinauli ang Book nahiniram ko at

 palabas na ng Library. "Sumunod ka sa akin" iyan lamang ang nasabi ko at pumunta sa likod ng O.O.H.

"Go.... Explain..."

" a-ano george, una sa lahat sorry sa nagawa ko at pagsisinungaling saiyo. Sorry at hindi ko sinabi agad ang katotohanan. Sorry at nalaman mo pa ito sa maling sitwasyon at sa maling tao. Dapat ako ang nagsabi ng sa about sa Fiance ko. 

Bumalik ako dito para sa Fixed marriage ko kay Vickie. at para na rin sa iyo at para malaman mo na ang tunay na ako. at Para ipagtapat ang pagmamahal ko saiyo. Pero hindi na pwede. May Fiance na ako at hindi ko kayang hindi sundin si Daddy doon. Ako lang ang anak nila at ang Company lang nila Vickie ang pedeng magsave sa Company namin na Palugi. At hindi lang iyon. Matagal na pala kaming pinagkasundo kaya wala ng pwedeng sumira pa nito. At ngayon may boyfriend ka na rin.

Wala akong magawa kundi ang tingnan ka mula sa malayo. Pero ngayon Hindi na, Mahal ko na ngayon si Vickie... Hindi ko kaya na wala siya sa Buhay ko. Mahal parin kita George As A Bestfriend , pero sana maging magbestfriend parin tayo. Sana walang magbago. Hindi naman kasi kita minahal dahil sa gusto kita maging girlfriend. Minahal Kita dahil sa bestfriend kita Sorry George sa mga nagawa kong mali sana mapatawad mo ako"

Habang nagpapaliwanag sya ay nakayuko ako at umiiyak. Nang natapos siya ay niyakap ko sya. Mali talaga na hindi ko siya pinakinggan o hindi binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Ngayon Ako naman ang magpapaliwanag sa kanya.

" Chad, alam mo ba na ikaw ang una kong naging kaibigan sa Cavite? Ikaw ang unang naging kaibigan kong lalaki dahil pa sa pagkakamali ko na bakla ka. Yun pala hindi. Masakit na niloko mo ako pero mali naman na hindi kita pinakinggan at kinamuhian agad. At alam mo ba na sa totoo lang? may gusto ako saiyo...

No.... Mahal kita dati... kaya nga ako nagkaganito at hindi ka mapatawad... kasi naman... Pucha!! yung bestfriend kung bakla na sinekreto kong mahalin ay hindi naman pala bakla. Tang*na lang talaga!! Nagpigil ako sa pagmamahal tapos hindi naman pala. At nga pala. hindi na kami ni Ryan. Break na kami. Masakit kasi nawalan kana ng bestfriend, mawawalan ka din ng boyfriend. Pero alam mo ba? na masakit yung ginawa mo? pero may mas sasakit pa pala doon. Yun yung kay Ryan. niligtas niya nga yung puso ko sayo. 

Ginamit nya lang din pala ako. mas masakit, kasi siya malaya kong minahal. hindi palihim. Ngayon alam mo na na ang bestfriend mo ay brokenhearted pero hindi dahil sa iyo."

" Break na kayo? bakit?" tanong niya sa akin

"hindi na importante iyon ang importante ay ang marinig mo na pinapatawad na kita at be my bestfriend again."

"talaga? bati na tayo?"

"oo, pero bestfriend lang. Hindi ko kailangang manira ng Relasyon. At please promise me... don't hurt her heart.  She's Important to me. More Important than you"

"I won't hurt her but I just want you to know that I'm inlove with her now. hindi ko alam pero mahal din kita, kaya sana makalimutan na kita para hindi ko siya nasasaktan. Pipilitin ko talagang kalimutan ang pagmamahal ko saiyo."

"Huwag mong pilitin, kasi kusa mong mararamdaman na mahal mo na lang ako as your bestfriend. at ang Pagmamahal ay hindi napipilit. Intayin mo lang. Mas mamahalin mo rin sya. Ang pilitin mo na lang ay ang mas mahalin at bigyan pa ng halaga ang tao na minamahal mo at mahal ka. Ang swerte mo kasi hindi lahat ng Relasyon ay ganyan. Minsan isa lang ang nagmamahal at minsan natatapos lang ito dahil sa konting alitan dahil nga sa Isa lang ang nagmamahal.... "

Isa lang ang umaasa, isa lang din ang nasasaktan. Diba?

Written by TreseGirl_PDaine

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon