Blackmail 43.3 ( Fighting for Love )

1K 22 1
                                    

Blackmail 43.3 ( Fighting for Love )

"Bakit ganyan ang ugali mo?! Hindi mo ba kayang sumunod sa amin?! Wala ka na bang pag-asa na magbago?!" Sigaw ng Mama ko sa akin...

"Why would I change? You never change..... You treat me like your Thing not your Daughter.... Pinamimigay niyo nga ako.."

"That's not true!!! It's for your own good..... Para hindi ka mapapunta sa maling lalaki!" bakit maling lalaki ba si Ryan? 

"Hindi niyo alam ang ibig sabihin ng Tama at Mali. Kasi kahit Mali ay ginagawa niyong Tama." Sabi ko... nasa Sala kami nagsisigawan.

"Wag kang sumagot!!! Sino ba iyang lalaki na iyan na hindi mo maiwan?! Sabi ko saiyo hiwalayan muna! Kasi ihahanap ka pa rin ng Papa mo ng Mapapangasawa...''

Paano ko hihiwalayan? eh wala na nga? At ayan ang kanina pa namin pinag-aawayan. Kasi sabi niya hindi daw siya titigil hangga't mahanap niya ang lalaki na ipapakasal sa akin. Iyong tipo na hindi ako aayawan...

Si Brent nga malaki katawan umayaw sa akin...

"Hindi niyo ako mapipilit... Wala kayong magagawa. Ako pa rin ang magdedesisyon.." sabi ko at tumalikod na

"Hindi kami papayag... Hindi ka makakapili... Kami ang pipili ng mas-ikabubuti mo..." napairap ako. Kailan ba ako nanalo?

"Ang ikabubuti ko ay ang pabayaan niyo na ako..." sabi ko at palakad na palabas...

"Ang papa mo ang may alam ng ikabubuti mo... At sa ayaw at sa gusto mo...Siya ang masusunod sa bahay... Hinahanap ka na nga niya ng kapalit na Fiance." sabi nito at tingin ko nakangisi na siya.

Biglang nagkulo ang dugo ko. Bakit ba nila ito ginagawa? Hindi ba nila kayang pasayahin ako? bakit lagi na lang problema dulot nila sa akin?

Padabog kong sinara ang pinto at mabilis na umalis sa bahay... Doon ako papunta sa MLB Underground.

Bago pa ako makalayo sa pinto narinig kong sinigaw ni Mama ang Buo kung pangalan... Halata bang galit? I really don't care....

Nang nasa tapat na ako ng Gate ng MLB ay tinanggal ko ang ipit ko at hinarang sa mukha ko ang buhok para hindi nila ako makita.

"Chesca Open this gate..." sigaw ko. Tinatamad akong kumatok...

Nagbukas naman ito at nagbow siya... Nagbow din ako at pumasok na...

"Nandyan ba sila?" tanong ko habang naglalakad papunta sa Entrance.

"Si Chelsie lang po ang nandyan... Nag-iinom po" sabi niya...

Mukhang may problema si Chelsie ah? Mukhang may kadamay ako...

...............................................

" BOOOOSH! Bakit ba ganyan ang mga lalaki?! PAASHA!!!! Kung kailan nagshesheryosho ka na shaka ka pa gagaguhin.. Hindi ba nila kaya makiramdam?"

Hinagod ko ang likod ni Chelsie... Grabe halos hindi na siya makatayo sa sobrang kalasingan...

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng office nila ay dinig-na dinig ko ang mura niya sa lalaki na nanakit ng Damdamin niya daw.

Hindi naman talaga mahina si Chelsie sa mga ganitong problema. Pero minsan talaga nagpapakatanga siya sa maling tao.

"Boooooshhh! ang Shuwerte mo.... Ikaw may Shota na Hindi ka binibitawan... Mahal ka ng ishang iyon! pero ako...WALA!!! Bakit ganito ang tadhana sa kin? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya!!!"

Napatuon ang tingin ko sa kanya... Anong gusto niyang sabihin?

"Mahal niya ako? That's Impossible!" sabi ko at nilagok ang isa pang Beer in can... Nakaka-five cans na ako pero, ito ako ngayon... Matino pa rin... Masarap sigurong matulad sa kanya. Yung nasasabi lahat...

"Anong Impashibol? Ikaw ang impashibol! Ang arte mo! Hindi mo ba alam na sha ang nag-shet ng laban natin para magkakilala kayo ng lubosh? Para malaman mo ang tungkol sa Gang niya at sa Malaman niya ang Gang mo? At ginawa niya ang shet-up para magkabati na kayo!"

"Paano naman kami magkakabati kung mag-aaway nga kami? Bobo ba siya?!"

"BEEEEH!!!!! Ikaw ang Bobo! binigyan ka na niya ng Chance para mag-ayos kayo pero hindi ka nakinig sa kaniya! Akala niya magkakaayos kayo, Pero hindi! lalo ka pang nagalit! Hindi mo kasi pinapatapos sa usap!"

So? ako may kasalanan? eh bakit hindi niya ako pinilit? Ang Gago niya!!!

"Hindi ako bobo. Ulol siya!" Sabi ko medyo nararamdaman ko na ang alak sa sistema ko.

"Akala niya ba hindi ko rin siya pinaglalaban??! Pinaglalaban ko siya! Kahit ngayon!" sigaw ko kay Chelsie. Nagtakip naman siya ng tainga kasi sa tainga niya mismo ko sinigaw.

"Ang Shakit naman!!! Pucha!" sabi niya at tinakpan ang tainga niya...

"Pinaglaban ko siya sa Bestfriend ko, pinaglaban ko siya sa mga magulang ko, Pinaglaban ko siya sa Ex-fiance ko! At mas lalong pinaglaban ko siya sa utak ko!!!"

"Pinaglaban ko siya sa utak ko kasi ayaw na ng utak ko... Pero Nagawa ko pa rin na mahalin siya... Mas minamahal ko pa siya ngayon!

MAHAL KO NA ANG HAYOP NA BLACKMAILER NA IYON!!!!" sigaw ko... ang sarap pala isigaw noon...Ang sarap sa pakiramdam.

Written by:TreseGirl_PDaine

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon