Blackmail 6 ( Naughty meets The Stranger)

2.7K 53 4
                                    

Blackmail 6 ( Naughty meets The Stranger)

George's POV

"Hello there, Can I join you?" may asungot din ba dito sa bar? pero okay na to para may makausap... boring kasi pag mag-isa...

"Okay" tiningnan ko naman iyong umupo sa katabi ko. Wow! gwapo. Laman mata din ito.... Nasa counter nga pala ako nakaupo. 

" I'm Zayn, nice to meet you" he offered me a Shake hands. Swerte siya mahahawakan niya ang kamay ng isang George na tulad ko. Pasalamat siya at nasa mood ako makipagflirt ngayon...

" I'm George, nice to meet you too..." chinito siya, he had a musculine body. bench model?... he's kinda cute.

Medyo nagulat siya sa pangalan ko... oo nga naman... Meron bang matinong babae ang magpapapangalan sa sarili ng panglalaki?

Cute kaya...

"So? what brings you here?" he ask me. 

"Nothing, I just wanna drink" walang gana kong sagot.

"Oh..." nag-order na siya ng inumin niya

Nag-usap lang kami about sa kanya. Saan sya nag-aaral at kung anu-ano pa...

Tinanong din nya ako kung saan ako nag-aaral, sinasagot ko naman sya hanggang sa...

"Ah George, how about your Parents? payag na silang magpunta ka na dito? diba underage ka pa?" sabi niya may pag-aalala sa mata niya habang tinatanong niya ako pero hindi maganda sa pandinig ko kung ano ang tanong niya.

Okay na sana sya sakin ehh, pero masyadong madaldal...

"Ikaw din naman ah... underage ka rin" pangbabara ko sa kanya at lumagok ng isa pang Martini.

"Pero lalaki ako, ikaw babae..." what's the difference? tao ako, tao siya. Gusto ko uminom, gusto niya rin uminom. We're in the same place and this place is the place that you can drink anything you want.

"Tara sayaw mo na lang ako...masyado kang maingay..." sabi ko at hinigit siya sa dance floor. Hindi niya ba maramdaman na may problema ako? at hindi ba obvious na iyong tanong niya ang problema ko? Na wala kasing sumusuway sa akin kaya ganito ako.

Nagsayaw kami sa Dance floor... pumunta nga ako dito para hindi sila maisip... tapos itatanong pa nitong Zayn na ito...

While dancing, some other guy want to dance with me but Zayn shouldn't let it.  May humihigit sa akin pero, kinukuha niya ako... Buti at siya yung kasama ko ngayon.

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon