Chapter 15

4.1K 105 5
                                    

" Ano? Ready ka na ba harapin si Kuya?"

Tanong ni Ezah, nasa tapat na naman sila nang bar ni Finn. At malalim na ang gabi.

" I don't know, Ezah. I'm scared."

Pag amin niya dito. Maaring nabago ang kanyang physical na anyo dahil sa make up at black body con mini dress na kanyang suot. Pero hindi ganun kalakas ang kanyang loob.

" C'mon, Ara. Asawa ka ni Kuya at pag nakita na niya ngayon. Sa iyo lang ang mata niya."

Pag kumbinsi ni Ezah at muli itong bumaba nang sasakyan at pinagbuksan siya nito nang pinto nang kotse nito. Kaya bumaba siya sa sasakyan, medyo hinatak niya ang damit dahil sa labas ang kanyang hita na hindi siya sanay.

" You're beautiful, Ara."

Pagpapalakas ni Ezah nang kanyang loob. Hinawakan siya nito sa kamay at dinala sa loob nang bar.

" Where's Kuya Finn?"

Tanong niya sa bar manager, kilala siya nito dahil minsan siyang nag ba bartender dito pag wala siyang magawa.

" Nasa VIP room, Miss Ezah."

Agad na sagot sa kanya.

" Dalhin mo kami doon."

Utos niya dito, at agad na tumalima. Nakasunod lang siya na naalangan sa mga tingin nang kalalakihan sa kaniya.

Matapos na ituro sa kanila ang VIP room ay nagpasalamat si Ezah.

" Thank you, Chase. Kami na bahala."

Taboy ni Ezah sa manager at ito ang nagbukas nang pinto. Kung kanina ay nasaktan siya mas masasaktan pa pala siya ngayon. Dahil nakatayo sa gitna si Finn at ang babae na kasintahan nito dati ayon kay Ezah. They're kissing, habang nag che cheer ang mga iba pang nasa loob.

" Kuya Finn!"

Sigaw ni Ezah na may kasama pang hampas sa likod nang kapatid. Bumitaw si Finn at nilingon si Ezah.

" Ezah, what are doing here?"

Tanong nito sa kanya, humawak naman ang babae sa mga braso ni Finn.

" Idinaan ko lang ang asawa mo."

Sabi ni Ezah at nilingon siya na naka mata lang sa asawa at sa babae na katabi nito.

"Arabelle?!"

Hindi makapaniwala na tanong ni Finn, habang nakatingin sa kanya. Alam niya na ibang iba siya sa Ara na nakasama nito sa Spain at Switzerland.

" H- Hi."

Sabi niya na hindi niya alam bakit hindi tumutulo ang kanyang luha kahit ramdam niya na parang hinihiwa ang kanyang puso.

Lumapit ito sa kanya at sinapo ang kanyang mukha. Bumaba ang mukha nito pero umiwas siya kaya sa pisngi niya tumama ang labi nito.

" Kuya, pupunta ako kay Stan. Maiwan ko na sa iyo si Ara."

Pero parang walang narinig si Finn at nakatingin lang sa kanya. Maya maya ay lumingon ito sa mga kasamahan.

" I hope you don't mind guys. Pero mauna na akong umuwi."

Sabi ni Finn at hinawakan siya sa kamay at hinila palabas nang VIP room.

" Wait for me here."

Sabi nito at lumapit sa lalaki na narinig niya kanina ay Chase ang pangalan.

Tumalikod siya sa gitna nang bar na madaming sumasayaw. At alam niya nasa ilalim na nang ehemplo nang alak, dahil sa gaslaw nang pagsayaw nang mga ito.

Umupo siya sa stool nang may tumabi sa kanya.

" Hi, beautiful."

Nilingon niya ang tumabi sa kanya, he's also good-looking. Malaki itong lalaki at maganda ang katawan.

" What's your name?"

Tanong nito sa kanya, na katitig sa kanya.

" Arabelle."

Tipid lang niyang sagot dito.

" Hi, Arabelle. I'm Kenzo."

Pakilala nito at inilahad ang kamay, aabutin na sana niya iyon nang palad ni Finn ang humawak sa mga palad nitong nakalahad.

" I'm Finn, pare. Asawa ko ito."

Sabi ni Finn, at ipinatong sa kanyang balikat ang coat nito na hindi niya alam kung saan nito kinuha dahil hindi naman nito suot iyon kanina.

" Oh, I thought she's alone. She looks lonely. I'm sorry pare."

Sabi nito at tinalikuran na sila, tiningnan siya ni Finn.  Hindi naman siya maka tingin dito. Ayaw niyang makita ang sakit sa kanyang mga mata.

" Let's go, home."

Hinawakan siya ni Finn sa beywang at iginiya na siya palabas nang bar. Walang salita ang lumabas sa kanila hanggang makasakay na sila sa mamahalin nitong sasakyan.

" Talk to me, Ara."

Sabi ni Finn nang mahaba haba na din ang na byahe nila.

" I'm sorry. But I'm a little bit tired."

Pagdadahilan niya at ipinikit ang mga mata. Kahit ang gusto niya ay tinggnan ang kapaligiran na bago sa kanya.

" Okay, just sleep. I will wake you up when we got home."

Sabi nito na bahagya siyang nilingon. Madiin lang niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mga oras na iyon.

Ganun ba ang mga kalalakihan? Gabriel warned her already. Maari siyang masaktan, pero naniniwala siya kay Finn at sa sinabi nito.
Ano ba ang nararamdaman niya sa asawa? Mahal na ba niya ito?

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakikipag debate sa sarili tungkol sa nararamdaman sa asawa nang maramdaman niya ang paghinto nang sasakyan nito.

" We're here! Welcome, mi esposa."

Sabi ni Finn at sa isang malawak na porch ang nakikita niya na naiilawan. Bumaba siya nang sasakyan at tiningala ang isang malaking modern villa.

" This is our ancestral house, we have farmhouses. I will bring you there some other time."

Sabi nito at inalalayan siyang makapasok sa tahanan nang mga ito.

" Are you okay, Ara?"

Hinawakan siya ni Finn sa mga braso kaya napahinto siya sa paglalakad.

" Don't ask me, Finn. I don't want to lie."

Sagot na lang niya at umakyat na sa silid na pinagdalahan sa kanya ni Ezah kanina. She wants to surprise Finn pero hindi niya alam na siya pala ang ma su surpresa. She will not do it again. Kung alam lang ni Finn na darating siya hindi ito lalabas kasama ang ibang babae.

" Hindi na ako uulit."

Kausap niya sa sarili habang hinuhubad ang stiletto na ipinasuot ni Ezah kanina. Bahagya niyang minasahe ang paa na sumakit dahil hindi naman siya sanay sa ganun na sapatos.

" Let me help you, Ara."

Sabi ni Finn na nakalapit na sa kanya. Hinawakan ang kanyang binti at idinantay sa mga hita nito at pinisil pisil ang kanyang paa at talampakan.

" You like it?"

Tanong nito sa tonong may kasamang lambing. Pero ipinikit lang niya ang mga mata at tumango.

She missed him, wanted to kiss him. But thinking he just kissed someone else, parang ayaw na niya mahalikan nito!

Boss Series 6: Handsome boss and his Arranged BrideWhere stories live. Discover now