Chapter 23

128 8 3
                                    

"Nakahanda na ba ang lahat?" may pagmamadali sa tono ng boses ni Hazel.

Tinapos nina June at Aaron ang pagsisindi sa kahuli-hulihang kandila na itinurok nila sa sementong sahig at saka sumagot na tapos na sila. Si Marco naman ay maingat na inilagay ang figurine sa isang puting tela na nasa sahig na napapalibutan ng pitong mapupulang kandila. Ang mga ito ang laman ng cellophane na ipinambili nila mula sa nadaanang convenience store kanina.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Hazel nang masilip ang relong pambisig. Alas-sais y medya na ng hapon. Madilim na sa labas. Madilim na rin sa kinaroroonan nila ngunit napapaligiran sila ng mga nakasinding kandila na siyang nagsisilbi nilang ilaw.

Nilibot ni Marco ang tingin sa paligid at saka tumango, "Handa na ang mga gagamitin natin. Ang tanong ko ay kung handa na ba kayo?"

Nakaramdam ng kaba si Hazel. Bilang siya ang mas may alam sa sitwasyon nila ngayon ay hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya sa magkahalong kaba at takot. Mapanganib itong gagawin nila at walang kasiguraduhan kung matatapos ba nila ang gabing ito at aabutin pa ba nila ang umaga.

Ngunit dahil sa nakikita niyang tapang at determinasyon sa mukha ni Marco ay naiibsan ng konti ang kanyang takot.

Nilingon niya ang dalawa pang kasama na sina June at Aaron. Seryoso ang mukha ng mga ito. Wala nang kababakasang pagtataka sa mga mukha nila.

Kanina kasi habang papunta sila sa kinaroroononan nila ngayon ay ipinaliwanag na niya sa mga ito ang mga naiintindihan niya.

Alam na nila ang lahat. Kung bakit umalis si Thessa, kung anong koneksyon ng panaginip ni June, pati na rin ang nakita ni Hazel nang sundan niya ang nakaputing babae na tumagos sa kwarto ni Thessa sa hospital.

Ang figurine ang puno't dulo ng lahat ng kababalaghang nangyayari ngayon sa buhay ni Thessa. May demonyong nananahan sa figurine. A demonic possession.

Ang babaeng nakaputi na umaaligid kay Thessa ay alipin ng nasabing demonyo. Ginagamit nitong instrumento ang kaluluwa nito upang magdulot ng takot dahil iyon ang pagkain ng demonyo.

Napagtanto niya ang lahat ng ito nang mapagtagpi-tagpi ang bawat pagkakataon na nagpapakita sa kanila ang babaeng nakaputi. Binibigyan pala sila nito ng babala kung sino ang susunod na kukunin ng demonyo. Kung minsan naman ay humihingi ito ng tulong sa kanya tulad noong nasa rooftop sila ng paaralan at itinuro ng babaeng nakaputi ang parking lot kasabay ng pagsasabi ng hell. Hell + P(mula sa unang letra ng parking lot), ang ibig pala nitong sabihin noon ay HELP.

Nalaman din niya na isang malaking kulungan ang figurine ng mga biktima ng demonyo noong magpakita ang nakaputing babae sa kanya sa hospital sa kwarto ni Thessa. Itinuro nito ang figurine noon at hinigop ito ng nasabing bagay katulad ng paghigop din nito ng kaluluwa ni CK.

Ginagamit ng demonyo si Thessa bilang source of strength nito. Para itong linta na unit-unting hinihigop ang lakas ng kaibigan niya sa pamamagitan ng pananakot at pagpatay sa mga taong mahalaga sa buhay nito hanggang sa unti-unting ma-depress si Thessa at maubos na parang natuyot na balon.

Uubusin nito ang kaibigan niya. Iyon ang nalalaman niya sa demonyong ito.

Ngunit hindi niya ito hahayaang mangyari!

Nilapitan niya sina June at Aaron at seryosong kinausap ang mga ito.

"Hindi madali itong gagawin natin. Napakadelikado at mapanganib. May posibilidad na malaki ang mababago sa buhay ninyo pagkatapos ng gabing ito. Maaaring sa gabing ito na magtatapos ang mga buhay natin. Kaya huling tanong ko na ito sa inyo. Sigurado na ba talaga kayo sa desisyon ninyong pananatili at pagsama sa 'min? Maaari pa kayong umurong, umuwi sa mga bahay ninyo, at magpanggap na wala kayong nalalamang figurine o demonyo o kahit ano pang—"

Regalo Para Kay ThessaWhere stories live. Discover now