Chapter 2

1.7K 88 9
                                    

Pagtunog ng school bell ng Carmel Academy ay agad naglabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Uwian na kasi.

"Let's go girls! Sabay na tayong lumabas." tawag ni CK sa dalawang kaibigan. Agad namang tumayo si Meljen at kinuha ang shoulder bag nito.

"Mauna na kayo guys. May kukunin pa kasi ako sa locker." giit ni Thessa sa dalawa.

Hindi naman na nagtanong pa ang mga ito at tinanguan nalang siya.

"Okay. See you tomorrow!" paalam nila.

"Bye!"

Habang naglalakad si Thessa sa hallway ng kanilang paaralan ay naramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. Tumigil muna siya at luminga-linga sa paligid. Pero wala siyang nakitang kahit sino.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at dumiretso sa locker niya. Pagkabukas niya nito ay tumambad sa kanya ang kumpol ng mga pulang rosas sa loob.

Kunot-noong kinuha niya ito at binasa ang nakasulat sa maliit na card.

'I really like you, Thessa.'

Walang nakasulat kung saan galing pero may hinuha na siya kung kanino ito galing.

Kay June.

Matagal na niyang manliligaw ito. Makailang ulit na nga niya itong binasted pero hindi pa rin ito tumitigil.

Napaikot nalang siya ng mata at nilagay ang mga dalang libro sa loob ng locker. Agad niyang sinarado ito at naglakad na pauwi. Nang madaanan ang isang trash bin ay tinapon niya doon ang mga bulaklak. Napabuntong hininga siya. Kakandaduhan na talaga niya ang locker niya.

Pagkalabas niya ng school ay iilan nalang ang mga estudyanteng nakita niya. Padilim na ang langit dahil sa malapit nang gumabi at nagbabadya pang umulan.

Tumuloy siya sa paglalakad hanggang sa waiting area. Doon siya naghintay sa sundo niya.

Ilang minuto rin siyang naghintay doon nang maramdaman ulit ang pakiramdam na parang may nakatingin sa kanya. Luminga-linga ulit siya sa paligid pero wala siyang nakitang kahina-hinala.

Biglang umihip ang malamig na hangin. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Doon na siya nakaramdam ng takot. Hindi na komportable ang pakiramdam niya doon. Feeling niya ay may nagmamasid talaga sa kanya.

Sa sobrang tagal ng sundo niya ay t-in-ext na niya ito.

Habang nagta-type sa cellphone ay may napansin siyang pigura ng isang babaeng nakaputi sa peripheral vision niya. Agad niya itong nilingon pero wala siyang nakita.

Kahit kinakabahan ay binalewala nalang niya ito. Bumalik siya sa ginagawang pag-text. Nang hindi nagreply ang driver nila ay tinawagan na niya ito.

Agad naman itong sumagot.

"Mang Henry, nasaan na po ba kayo? Sunduin niyo na po ako. Kanina pa po ako naghihintay rito. Ako nalang po mag-isa rito." sabi niya agad rito.

Hinintay niya ang sagot nito pero kakaibang tunog ang naulinigan niya sa kabilang linya.

"Mang Henry? Okay lang po ba kayo?"

Nagpatuloy ang kakaibang tunog. Yung tunog na puro static lang ang maririnig. Nakunot ang noo niya habang pinakikinggan ito. May nauulinigan kasi siyang mahinang boses. Para itong may sinasabi pero hindi niya maintindihan dahil sa sobrang hina.

Mas idiniin pa niya ang cellphone sa tenga at pinakinggan itong mabuti.

"Papa... yin... ta?" walang kasiguraduhang sambit niya. Iyon ang naririnig niyang sinasabi ng napakahinang boses. Paulit-ulit ito at walang tigil.

Regalo Para Kay ThessaWhere stories live. Discover now