Chapter 1

55 3 1
                                    

Hindi ko magawa ibuka ang bibig ko sa gulat. This is my first time seeing him in this kind of worst. Dati simpleng iyak lang ang ginagawa niya pero ngayon---mahal niya talaga ng sobra si Shane. I envy her. Nanginginig ang kamay ko na hinagod ang likod niya.



"Walang mali sa'yo, Val. Pinili mo lang talaga ang maling tao. Napili mo lang ang taong akala mo siya na pero ang totoo siya lang pala ang taong magtuturo at magpapatibay sa'yo. Nagmahal ka lang at parte 'yan ng pag-ibig. Stop blaming yourself why Shane choose to left you. Stop asking yourself what's wrong with you. You did your part. You loved her with all your heart.It's her lost not yours. It's not your fault," mahabang litanya ko.



Habang sinasabi ko ang mga katagang 'yon ay nagbabadya ang mga luha ko pumatak ngunit pinigilan ko. Hindi ito ang tamang oras para umiyak ako. Nasasaktan ako para kay Val. Ayoko masaktan ang taong mahal ko.



"She's my life...Avrielle..She is..." he said as I looked away.



Tinulungan ko tumayo si Val para magamot ko ang mga sugat sa kamay niya na dumudugo pa rin hanggang ngayon.



"Gagamutin natin ang su--"



"I'm fine," he said.



Napairap na lang ako. "Val, don't do this to yourself! Kung iniwan ka niya, you should move on! She's not worth it. Marami pa iba r'yan na may magmamahal sa'yo, malay mo nasa tabi mo lang pala..." I said.



"It's not fvcking easy,Shi! I loved her more than myself! I love her so much!" Aray.



"Pero Val--"



"Please, Avrielle...don't force me to forget about Shane easily...I can't..."



Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Hindi naman ako mananalo kung makikipagtalo pa rin ako sa kaniya. He called because he needed me to rant all his pain. Para akong panyo ni Val na taga-punas ng mga luha niya at kapag wala na basta-basta na lang din niya ako iiwan.



Tumungo kami sa kwarto niya at maingat ko si Val inihiga. Nakatulog agad ito. Kinuha ko naman ang first aid kit.



"Val, lilinisin natin ang su--"



"Babe...Shane...please do-don't leave me like this..."



He's dreaming. Hanggang panaginip sa Shane pa rin. Kailan ba niya makikita na may isang Avrielle na para sa kaniya? Na may handang alagaan at samahan siya?



Nag-angat ako nang tingin upang hindi bumagsak ang luha ko. Ang sakit-sakit.



Hindi ko na ginising si Val at maingat ko nilinis ang mga sugat niya. Thanks God, mukhang hindi niya rin ramdam ang sakit na dulot ng mga sugat niya. He's still sleeping, crying at the same time.



"Bakit hindi na lang kasi ako, Val? Bakit kasi naghahanap ka pa ng iba kung p'wede naman ako?"mahinang sambit ko sa kaniya habang walang humpay ang pag-agos ng luha ko.

"Val, mahal na mahal kita...Mahal kita hindi dahil sa bestfriend kita...mahal kita ng higit pa r'on..Sa tuwing nasasaktan ka, doble ang sakit na nararamdaman ko. Ang unfair lang,'no? Dapat maging masaya ako kasi wala na kayo, na sa wakas baka may pag-asa na ako r'yan sa puso mo pero sa nakikita ko...malabo mangyari 'yon...Pati sa panaginip mo nagmamakaawa ka sa kaniya. You love that much that's why I envy her so much...Gusto ko lang sabihin sa'yo na nandito lang ako, hindi kita iiwan, handa ako saluhin lahat ng luha mo para sa kaniya. Handa ako pasayahin ka, handa ako maging rebound kung kinakailangan makalimutan mo lang siya. Haha ganoon kita kamahal, Val...sana...sana alam mo 'yon..."



Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan sa noo bago kumutan. Dito na lang muna ako matutulog tutal may sarili na rin ako k'warto dito.



Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko kaya dahan-dahan ko minulat ang mata ko at tumambad ang mukha ni Val sa harapan ko.

Last GoodbyeWhere stories live. Discover now