Chapter 1

8 0 0
                                    


Kita's POV

Dali-dali akong napahabol sa hininga ko at napaubo pa dahil sa nangyari. Luminga pa ako sa paligid upang hanapin ang dagat na kinalunuran ko ngayon lang at pati si Ares na sumagip sa akin pero laking gulat ko nang kwarto ko ang tumambad sa aking paningin.

Ang kwartong ito ay pamilyar na pamilyar sa akin pero alam kong hindi na ganito ang kwartong ginagamit ko. Bakit bumalik sa dati?

Napabalikwas ako nang makarinig ng katok mula sa pinto. Bumukas iyon at tumambad sa akin kakambal ko na si Kaius.

Seriously, what is he doing here? At bakit parang bumata naman ata ang itsura neto?

"Why are you looking at me like that?" kunot-noo niyang tanong.

"I'm the one who's supposed to ask you that, Kai." pertaining to his worried face.

"Bakit? Bawal ba akong mag-alala sa kakambal kong napakataas ng lagnat?" masungit na tanong niya. Lagnat? Ako?

Pinakiramdaman ko ang aking sarili at doon ko nga lang naramdaman na medyo maiinit nga ako. Malamang dahil ito sa pagkalunod ko. Kailangan kong tawagan si Ares mamaya para pasalamatan.

Hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya pero naroon pa rin siya at niligtas ako.

"You're not busy?" tanong ko kay Kai habang pinapanood siyang ilagay ang soup sa maliit na table sa tabi ng aking kama.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why would I be busy?" nagtatakang tanong niya.

"Malamang sa trabaho." sagot ko sa kanya saka inayos ang pagkakaupo. Nang mapansin kong hindi siya sumagot ay tinignan ko ulit siya. "Why?" takang tanong ko. Nakakunot pa rin ang noo niya ngayon.

"Do you want me to bring you to the hospital, Bal?" tanong niya na ikinataka ko lalo. Why is he calling me 'Bal'? That was our endearment to each other years ago. Hindi na namin iyon nagagamit dahil sinabi niya na pangbata lang daw iyon.

Natatandaan ko pa na sa tuwing tinatawag ko siyang ganoon sa harap ng iba ay nagagalit siya. Di kalauna'y tinigil ko rin dahil ayokong nagagalit siya sa akin.

"You're weird." sambit ko na lamang.

Natawa siya. "Why naman?"

"Because of what you're doing. Look at you. You're supposed to be working, but here you are, wasting your time for me just because I'm sick. And now, you're calling me 'Bal' when you're the one who told me to stop calling you that. Ano bang nakain mo?" sunod-sunod kong sabi sa kanya.

"When did I tell you to stop calling me 'Bal'?"

Seriously? 'Yan lang ang sasabihin niya?

"You got mad at me before, remember? Kapag tinatawag kitang 'Bal' ay bigla mo na lang akong sinisigawan, telling me that we're not not kids anymore." paliwanag ko sa kanya. Honestly, I can't understand the point of explaining this to him gayong siya naman ang nagsabi nitong lahat sa akin.

"I.. I never told you that, Bal. When did that happen?" naguguluhang tanong niya.

Jusmiyo, tatanda akong maaga dahil sa trip netong kakambal ko!

"After you recovered from your car accident, remember?! Nagmamaneho ka noon tapos may nakabanggaan kang sasakyan." tumaas na ang boses ko dahil nauubusan na ako ng pasensya. Onti na lang talaga, maiinis na ako sa kanya.

"What?!" pasigaw niyang tanong at para pang mapapatayo siya sa kinauupuan niya. Ang O.A. ah.

"Tatawagin ko ang driver natin at dadalhin na kita sa ospital ngayon din." sabi niya at tatayo na sana nang hilahin ko ulit siya paupo.

Reincarnate System: Begin AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora