Chapter 3

1 0 0
                                    

Matapos no'n, madalas na naming hindi nakita si Tassel sa bahay. Tinanong ni Kai kay Mommy kung anong pinagkakaabalahan ng kapatid namin pero ang sagot lang sa amin ni Mommy ay busy daw si Tassel at may kailangan siyang asikasuhin dahil graduating na siya.

Sa totoo lang, mas gusto ko ang ganito. Yung wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa kanya at yung hindi ko siya nakikita. Mas peaceful kapag ganitong kami lang ni Kai ang nasa bahay.

Today is the first day of school. Natatandaan ko pa na sobrang excited ako noon na mag-Senior High. New friends, new events, and new beginnings. But I admit I wasn't a great student nor a great person back then. Masyadong mainitin ang ulo ko at hindi ko napipigilang mairita kahit sa maliliit na bagay. Maybe that's also the reason why most of the students hated me back then. May kaya ang pamilya, sikat sa buong school maging sa mga teachers, laging pumapasa sa subjects kahit nahihirapan, at higit sa lahat, maldita. Sino ba namang hindi maiirita sa ganoong babae 'di ba?

Nag-aayos ako ng sarili ko nang biglang may nag-notif sa phone ko. May nag-text siguro.

From: Kuya Tassel

Goodluck on your first day. Do your best.

What the heck? Kasasabi ko lang na mas okay na hindi nagpaparamdam si Tassel, tapos biglang may ganito? And look at Tassel's name in my contacts. 'Kuya Tassel'? Buti na lang at hindi ko nilagyan ng heart ito. Baka maibato ko ang phone ko kung sakali.

"Bal! Kuya texted me!" narinig ko ang tila ba natutuwang boses ni Kai mula sa labas ng kwarto ko.

Napailing na lang ako. Of course. Just like me, he's been dying to get Tassel's attention as well.

Pumasok siya sa kwarto ko at nakita ko ang malaking ngiti sa kanyang labi. Sure, Kai. As long as you're happy.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko para isukbit ito sa balikat ko. Wala pa kaming uniform kaya kahit na anong damit pa ang pwede naming suotin. Mas pinili kong mag-suot ng simpleng shirt at trousers para komportable ako sa suot ko. Halos ganoon din ang suot ni Kai, pero naiba lang nang kaunti ang style.

Halatang-halata tuloy na kambal kami.

"You're done?" takang tanong ni Kai sa akin.

Tumango naman ako. "Yep. Let's go. We don't want to be late." sabi ko at hinatak na siya palabas ng kwarto.

"You didn't like this style before."

"What?"

"You like fancy-looking clothes more." dugtong niya pa.

"I like it now, Kai. And I'll probably wear more of these. I like your style." nginitian ko pa siya. Sa aming lahat kasi, si Kai lang ang nagsusuot nang ganito at simula nung hindi na kami naging malapit sa isa't isa, I found myself wearing clothes in his style because that made me feel that we're still close with each other.

Now that I get to change things from the past, I will make sure to keep my family safe.

Our driver then drove us to school. Wala pang thirty minutes, nakarating na kami agad. Right when we stepped out of our car, we immediately got the attention of people. They were looking at us with amused eyes.

What's so amazing about this? Hinatid lang naman kami.

Tinignan ko pabalik ang mga estudyanteng tumitingin sa'min. Then I remembered that I shouldn't look too maldita. I smiled a little just so the atmosphere wouldn't be awkward for everyone.

I looked at Kai right after. Medyo nakayuko siya and I felt like he's too stiff. Kinalabit ko siya.

"Are you okay?" tanong ko. Napatingin naman siya bigla sa akin at nung una ay medyo gulat pa siya. Pero nginitian niya rin ako at tumango.

Reincarnate System: Begin AgainWhere stories live. Discover now