i.

78 3 0
                                    


Two weeks before Valentine's. Habang ramdam na ramdam ang paparating na love season sa paligid dahil sa mga pusong decors na makikita mo sa halos lahat ng establishments malapit dito sa campus, heto akong solong nakatambay sa coffee shop. I love alone time naman talaga, pero sa mga ganitong sitwasyon, ang hassle.


Hindi naman talaga ako naniniwala sa konsepto ng Valentine's. Feel ko inimbento lang yun ng mga kapitalista para pagkakitaan tayong lahat. True love should be celebrated every day.


"Lalim ng iniisip ah.", singit ni Nathan na nakatitig sakin. Parang binabasa kung anong iniisip ko.


"Kanina ka pa dyan?" tanong ko.


"Nope. Kararating ko lang. Tas nakita kitang parang nagsosolve ng quadratic equation dyan sa utak mo."  nang-aasar niyang sabi habang ginagaya yung itsura ko kanina.


"Utot ka. Ang tagal-tagal mo kasi. Kung anu-ano tuloy naiisip ko." Hays. Buti na lang dumating na 'tong tukmol na 'to. I don't feel so alone anymore.


"Ako ba yan?" sabi niyang may kasama pang kindat.


"Feeling ka, hoy!" sabay hampas ko sa kanya. Humagalpak siya ng tawa. "Bakit ba kasi ang aga lagi ng Valentine's sa mga tindahan na 'to? Hindi ba sila pwedeng mag-décor three days before?!?"


"Ayun. Bitter pala." Pang-aasar niya na naman.


"Hindi ah! Pumunta ka lang dito para mang-asar no?" sabay irap ko sa kanya.


"Hindi no. Pumunta ako kasi sabi mo mag-isa ka."


"Asa sayo. Gusto mo lang magpalibre eh."


"Ayun! Natumbok mo!" aba't pumalakpak pa siya. "Umorder na ako. Alam mo na ha. Hehehehe"


"Tingnan mo, sabi ko na nga ba!" sabay irap ko sa kanya. Tiningnan ko na lang yung planner ko at nag-check kung meron ba akong pwedeng gawin kesa naman makinig sa mokong na 'to na for sure aasarin lang ako maghapon.


"Bakit ka ba kasi nandito? Wala ka bang klase?"


"Wala." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.


"Ohhhhh. Okay. Anong ginagawa mo rito? Tambay lang?"


"Oo." Sagot ko ulit habang nagchecheck ng planner at hindi tumitingin sa kanya.


"Alam mo ang ayos mo kausap." Kinukulbit niya na ako at ginugulo sa pagche-check ng planner ko.


"Alam mo ba dapat di na lang kita tinext, manggugulo ka lang." sabi ko sa kanya na hindi pa rin siya tinitingnan at nakatuon ang atensyon sa planner. Inagaw niya yun. "Ano ba?"


Chineck niya ang planner, kinuha ang ballpen ko, at sinulatan 'to. "Ayun! Wala kang klase next next week, Friday, 6PM. Date is already set." Sabi niya habang sinusulat yung malaking DATE sa planner ko.


Tiningnan ko kung kelan niya sinulat 'yon. February 14.


"Niyayaya mo ba ako sa Valentine's?" gulat kong tanong sa kanya.


"Yup" kalmado niyang sagot.


Okay. Disclaimer lang. Nathan and I are not together. Hindi siya nanliligaw o manliligaw. Wala rin kaming romantic connection. We're plain platonic. We're best friends. Since birth. Literal na since birth. Because our mothers are best friends, too. He's only 5 months older to me kaya sabay talaga kami lumaki. Magkapit-bahay pa. And ever since we grasp the concept of Valentine's, nagde-date na kami. Hanggang wala pa kaming nakikilalang magiging possible romantic date namin.


"Ikaw na naman? Wala na bang bago?" sabi ko sa kanya na may halong bunting-hininga pa.


"Bakit? May gusto kang maka-date? Susumbong kita sa Mommy mo, Laya Valerie!" nagtatampo niyang sabi.


"Joke lang!" tawa ko. "As if naman na merong magkakagusto sakin."


"Ewww. Fishing compliments." pang-aasar niya.


"Shut up." Sabay irap ko.


"Oo na, sige na. Imposibleng walang magkakagusto sa'yo kasi ang ganda ganda mo. That damn Morena skin, perfect. And your eyes are the prettiest when you talk about your passion. You are a woman of brains and stunning beauty. Kaya imposibleng walang magkagusto sayo."


Alaskador si Nathan. Hindi lumalagpas ang isang araw na wala siyang bagong asar at pangungutya sakin. Alam ko yun. We've known each other for almost 19 years already. Kaya alam ko rin that he's indeed a sweet guy.


"Utot ka. Dami mong sinasabi. Sige na! Sige na! Sunduin mo ko sa 14 ha! At kung yellow bell na naman ng kapitbahay natin ibibigay mo, wag na lang." Pang-aasar ko.


"HAHAHAHAHAHA naalala mo last year, pinagalitan ako ni Aling Norma kasi nakakalbo na raw halaman niya?" natatawa niyang sabi.


"HAHHAHAHAHAHAHAH nagsumbong pa nga sa Mommy mo."


"Oo nga!!! Hayaan mo, yung bougainvillea naman niya kukunin ko!"


Humagalpak kami ng tawa. And started to reminisce all the Valentine's we spent together.


Both of us are solo child. Kaya we almost treat each other as brother and sister. We witnessed each other's growth as individuals. We witnessed each other struggle to find what we really want. But we worked together as a team so that we can figure it out.


Nathaniel wants to be an entrepreneur like his parents. He's taking Business Management. I'm taking Education. I want to teach but my bigger goal is to change the education system. First year students. Magkalayo ng building. We only have one common schedule, Tuesday, 3PM. We rarely meet inside the campus. Pero kahit na.


Because we always end up laughing together.


LayaWhere stories live. Discover now