ii.

15 1 0
                                    

Hindi mo naman makakalimutang Valentine's day ngayon dahil sa dami ng nagtitinda ng bulaklak at valentine's decor sa buong campus. Dagdag mo pa yung mga couples na halata mong enjoy na enjoy maging biktima ng kapitalismo.


Sa totoo lang, hindi naman ako bitter. Never naman ako nawalan ng date sa Valentine's. 19 years old pa lang din naman ako para isiping ready na ako pumasok sa relationship. At sa totoo lang, I'm not yet comfortable to share many parts of me to someone. Nasanay na rin siguro ako kay Nathan, 2-in-1 na, may kuya ka na may best friend ka pa na hindi na ako naghahanap ng companionship sa iba.


Speaking of Nathan, may usapan nga pala kami mamayang 6PM. Nothing grand naman ang plano. Sisilip lang kami sa fair, magtetake-out ng food, magdi-dinner sa balcony nila, and magmo-movie marathon. Pinagpaalam niya na ako kay Mommy kanina. Nagtext din siya na susunduin niya ako ng 5:30, pagkatapos ng klase.


Pero dahil Valentine's at meron atang date yung Prof namin, 4:30 pa lang nag-cut na siya ng klase. Para maaga kayo sa mga date niyo, bilin niya pa samin.


Huy san ka? Pwede mo na ba ako sunduin now?  Nag-early cut prof.  text ko kay Nathan.


10 minutes na pero di pa rin siya nagrereply. Nasa klase pa yata. Balak ko na sanang mauna sa fair nang bigla merong Educ student at batchmate na lumapit sakin, may dala-dalang tatlong pirasong red roses.


"Hi, Laya." sabi niya sakin. Nginitian ko siya. "Ahhh. Happy Valentine's" sabay abot niya sakin nung bulaklak. Tatanggapin ko na sana yung hawak niya nang biglang may tukmol na tumabi sakin at nagsalita.


"Uy, ang ganda ng roses ah. Kaso di siya tumatanggap niyan. Bawal pa raw sabi ng Mommy niya." masungit na sabi ni Nathan dun sa batchmate ko.


"Ahhh ganun ba. Okay" nakayukong alis ni batchmate.


"Huy! Ang sungit mo! Bat mo naman ginanon yung tao? Sayang yung bili niya sa flowers!!!" sabay hampas ko kay Nathan.


"Ibigay niya sa nanay niya o kung kanino man. Wag sayo. Sumbong kita kay Tita eh." masungit niyang sabi.


"Selos ka lang eh" pang-asar ko.


"Hah. Asa ka" sabi niya pero napipikon na. "Ang bata mo pa kaya, Laya. Di ka rin naman papayagan nila Tita at Tito eh. Baka magalit pa yun sakin."


"Edi sasabihin ko galing sayo! Bakit? May bigay ka ba saking flowers, ha?"


"Sus. Ayun lang? Mamaya ibibili kita sa fair ang daming nagtitinda! Halika na nga! Tara na sa fair!" pikon niyang sabi habang nauuna nang maglakad.


"Hintayin mo ako, aba!" habol ko sa kanya.


Nag-ikot lang kami sa fair. Nagtingin-tingin ng mga binebentang damit, accessories, atsaka food. Nag-decide kami na dito na lang bumili ng mga kakainin namin sa dinner para di na kami mahassle pumila sa mga restaurants ngayon na for sure eh madaming tao.


"Sorry pala di na ako nakareply. Magbabasketball pa sana kami eh." sabi niya habang nagi-ikot ikot kami sa fair.

LayaWhere stories live. Discover now