Chapter 1 - No choice,Ph.

5 0 0
                                    

KJ's POV

"Eommaaaa! Please! Ayoko maiwan don mag-isa! Huhu Don't leave me! Paano kung kidnappin ako? Ha? I don't know and I don't want to adopt a new environment! Pleaaseeee! Wag mo ko iiwan? Nagsasawa ka na ba sa'kin?" Pagmamakaawa ko ni mam, huhu ayoko talagaaaa.

Ayoko pumunta sa Pinas, ayoko ng bagong school,new people, new enemies! Sige, tatalon talaga ako sa balkonahe. Lupa naman, bumuka ka at lamunin sila! Kinginaaa.

"Kesley Jeims Robinson, baby. Please listen to me, alam mong ginagawa namin ito para sa kapakanan mo.For your independence. Arasseo? You know that this is the first time na magrequest ako sa'yo ng ganto, right?"

Hindi ako sumagot, sa halip ay nag puppy eyes nalang ako. Kahit hindi ako mukhang aso gagawin ko talaga to.

Mukha ka naman talaga aso.

Ano ba naman yan? Pati sariling virus sa utak ko nagkandiletse na! Umayos kaaa!

"Baby,Wae? I see no reason for you not to go to the Philippines. It's great there. I heard maganda raw beaches don? May island cousin mo, you want to go there during your summer? Besides, I assigned body guards that can look out for you at a distance para hindi halata. Hehe jebal?"

"Andwae! Maldo andwaaeee, eomma!"Pagmamatigas ko. Hindi sa maldita ako pero ganoon na nga. Ganyan ba  karami ang nagawa kong kasalanan dito sa Korea para itapon na nila ako sa Pinas? Eh kung itapon ko nalang kaya sila sa North? Tingnan natin makakalabas pa sila.

Malapit na talaga akong iiyak dito, ayoko na talaga. Palipat-lipat ng lugar kaaway lang naman ang maaani ko don. Marami pa naman dawng Rapist don. Hello no! Yung Puri ko! Mahigit labing-pitong taon ko ng binabantayan to laban sa Kampon ni satanas at wala akong balak isurrender yon! No!

Napabalikwas ako sa inuupuan ko ng biglang pumasok si Dad sa Kitchen habang si Mom panay pa rin ang pagpilit sa'kin sa tabi ko.Hinalikan ni Dad si Mom at nag kamustahan sila bago tumingin sa'kin.

"What do we have for dinner? Why are we gathered here, btw?"

"It's your daughter, she doesn't want to go to your mother's place for her fourth year in high school. I said everything, but she's matigas. Like you."

Hala patay nagsumbong. Oo pala, na mana ko pala katigasan ni papa. Katangkaran lang hindi. Syempre maganda lang ako, from Mom. Lahat na ata nasa kanila pati yaman. Habang eto ako, talino at nangpipikon pa ng tao. Pero teka ng—

"Kesley, are you even listening?" Hala paktay. Saang mundo naman ako dinala ng viruses sa utak ko!

"Ne? Hehe Ano nga?" umayos ka viruses! Mapapatay ako sa inyo!

"I said, pupunta ka doon. Whether you like it or not,Kesley Jeims. Ipapa dala ko naman ang motor mo don. Ano pa ba pinoproblema mo? As if mabuhay ka ng wala ang motor mo?"

"Keunde, Appa—!"

"No buts, pupunta ka don. Matapos ng lahat ng ito babalikan ka namin, arasseo? Hmm?"

Hindi ako sumagot sa halip ay nag-iwas ako ng tingin at tiningnan si Tofi, yung aso ko. Wiwz, ang gwapo talaga ng aso ko. Sana ako nalang aso satin. Lakas makatulog parang pusa at lakas naman makagawa ng kalat parang aso—oo nga, aso ka pala.

Feel ko si Mom nasa gilid ko she took my hand. Ay hala, ma? Wala kang kamay? Jok lang.

"Baby, kahit ngayon lang. Please? May problema kasing hinaharap si Mommy at Daddy. It's about the company at isa pa. Wala masyadong school dito sa Incheon ang gustong tumanggap sayo. So kinuha namin ang opportunity for you to go to the Ph and sumama muna kay Halmunni"

Halmunni-Grandma.

Hindi naman ako sumagot at tiningnan nalang si Dad. Nagsalubong ang tingin niya sa'kin na nagmamakaawa. Hindi ko kaya mga titig nila kaya. Huhu hot seat dis! Magparaya! Susuko! Like I have a choice?!. Jusmeo!

Tumayo ako at naglakad palapit Kay Dad, niyakap ko siya. Gumanti naman siya ng mas mahigpit na yakap.

"Appa..."

"Darling?" Nandon ang pag-asa sa tono niya. Putragis eto na.

"Arasseo. Pupunta ako" Habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya.
Ramdam ko ang pag bitaw niya at dahan dahang humarap sa'kin.

"Thank you so much, baby. I knew you'd understand, Appa."

Tumango ako at ramdam ko ang pagyakap din sa'kin ni Mom. Sandali kaming nagyakap bago kaming magdinner.Panay pa rin ang tawanan at kaligayahan sa kainan namin. Ang sarap sa pakiramdam na close kayo sa isa't isa. I'm so lucky to have you guys.  Weew tama na sa kalokohan KJ para kang tanga.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na akong pumunta na sa kwarto dahil napagod na ako. Dali-dali akong naghalf-bath at nahiga sa kama.wiw!

Bakasyon pa kaya to?
Stress na stress pa naman ako sa mga magiging reason ko kapag pinilit ako ni Mom at Dad. Ending papayag din pala ako. Balak ko pa naman sanang magsabing nabuntis ako sa kaklase kong manyakis. Kaso hindi lulusot yon. Alam nilang malaki ang pagpapahalaga ko sa Puri ko at lahat ata ng mga lalaking makasama ko naging kaaway ako. Ganiyan ba talaga ako ka warfreak? Pati lalaki kinakaaway ko?

Nagtatanong ka pa?

Aba! siraulo!. Sumasagot sarili ko!  Kandidata na ata ako pangmental! Ganiyan lang talaga ata ako kapag pagod na. Hays. Lakas maka judgement tong viruses sa utak ko.
Matulog na kayo! Dagdag problema!

"GOSH!" Pagulong gulong na talaga ako  sa malaki kong kama. Yes, malaki! Usto ko malakiiii! Di talaga ako makatulog.

"Tofi!" tinawag ko ang chihoahoa  kong aso. Hanggang sa tumahol ito sa gilid ng kama ko. Tumayo ito na parang gusto magpakuha. Kinuha ko naman at pinatong sa lap ko. Habang naka chinese style na naka upo sa kama.

"Sorry kung ginising pa kita. Mian. Di talaga ako makatulog. Tabi nalang tayo matulog,hmm?" Kahit sira tingnan kinakausap ko talaga ang aso ko. Aba, bespren ko to. Maliit lang. Mas mabuti ng maliit si Tofi para hindi mabigat kapag mahambalos ko to kahit saan kapag galit ako—jok lang.

Tumahol Naman ito na parang ayaw. Aba aba? Mukhang magkatotoo ang joke ko, ah?

"Aba? Ayaw mo? Eh kung ilampaso kaya kita sa sahig na tinaehan mo? Ano?"

Nagmamadali naman itong tumabi sa'kin at humiga bago tumahol.

"Wag mo akong tigas-tigasan jan. Baka nakalimutan mo maldita ako, at kahit ganito ako.. ako yung sumagip sa buhay mo ng muntik ka ng ibenta sa dogpound  para isali ka sa dogfight. Ang liit mo pa naman aso ka." Panunumbat ko.

Tumahol naman ito na parang galit at tinalikuran ako. Aba! Tingnan mo namang asong to! Matapos ko pakainin at bihisan! Yari ka sa'kin bukas.

"Che!" at humiga na ako sa tabi niya.Marami na nga akong problema dagdag mo pa tong Kampon ni Satanas. Aso! Bukas ng hapon pa naman ang alis ko.

Bahala na si Batman.

To be continued...


A Distractive God Sits Beside Me (I)Where stories live. Discover now