Chapter 3- IKAW?

0 0 0
                                    

KJ's POV

"Ma'am Kesley, kakain na po ng hapunan. Naghihintay na po si Miss Martha sa baba." Si Mamang pala.

"Neeee! Susunod ako! Don't wait for me na" sabi ko habang inaayos ang mga shoes ko sa walk in closet ko. Inilagay ko by color, yes naman para arranged. Kadalasan naman converse ang shoes ko di ako sanay sa heels since lagi ako tumatakbo ng wala sa oras. Ayoko pa naman matisod kakahiya.

"Lastly... ahh, dito ka" at nilagay sa bottom shoe shelf ang Sapatos. Periodt! Tapos na!

Inilagay ko na ang mga bagaheng walang laman sa attic sa pinakadulo ng closet at lumabas. Hinanap ko naman si Tofi. Saan kaya yun?

"Tofi! Aso! Kinuha ka na ni Satanas? San ka ha?"

Tiningnan ko ang doghouse Niya, wala. Tiningnan ko ang balkonahe, wala. Sa ilalim ng bed? Wala. Potcha. Ang liit mo pa naman aso ka!Hinalungkat ko na buong kwarto, wala pa rin ang Kampon.

"YAA! TOFI! EODISEO?! KAJA!"

Eodiseo- Where are you?
Kaja-Let's Go!

Ilang minuto akong naghanap sa buong kwarto, pero wala talaga akong makitang chihuahua. Jusmeo.  Patuloy ako sa paghahanap ni Tofi sa Bed baka namatay na to ang laki pa naman ng kumot sa kama baka nabaon na. Wag Naman! Biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko, si Manang pala.

"Ma'am, punta ka na po sa Dining. Hinahanap ka na ng Madam."

"Wait, hinahanap ko pa si,Tofi. Kanina pa nawawala."

"Ah iyong aso mo, ma'am? Nandon sa Dining. Kumakain na nga po eh. Kanina pa yun don"

Aba! Tingnan mo Naman Ang asong to! Hindi man lang ako hinintay, basta pagkainn talaga!

"Cge punta na ako, andon lang naman pala. Thanks" talagang andon ka, dahil kapag hindi, aba! Ikaw ang ihahain ko sa dinner aso ka!

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa Dining. Lakas makagutom, lakad more lakad pa bago makapunta sa Dining.

Nandon nga ang Aso.

Tofi hehe.

"Kesley, what took you so long? Tapos na nga kumain aso mo. She looks full. What a cutie" Sabi ni Lo—est Martha habang hinihimas ang ulo ni Tofi. Psh. Busog? Pwes, letchon na dis!

"Hinahanap ko po kasi si Tofi, wala sa room ko. Andito pala ang kumag"

"She's here kanina pa kaya come on, let's eat na."

Uy! Puds! Tiningnan ko si Tofi na naka upo sa island table tabi ni Martha na katapat ko.

Pagbigyan kitang aso ka. Pasalamat ka maraming pagkain. Hmp!

Nagumpisa na akong kumain habang daldal Naman si Lo—Martha nga. Biruin mo, sa laki ng edad niya at nawalan na ng asawa ang ganda pa rin. Kahit she's 50 years old she still knows how to slay. Edi sanaol Kay Lola. Kain lang ng kain si Ako habang nag-uusap kami tungkol sa Pinsan kong nasa Palawan,si Jeo Pharie. Siya daw muna ang pinamahala sa Resorts don. Considered as training na daw yun para sa pamamahala niya in the near future sa Robinson Company na pagmamay-ari ni Uncle sa kasalukuyan, kapatid ni Dad. Malaki ang agwat namin ng pinsan ko mga 5-6 years, only child din siya kaya sa kaniya mapupunta ang mana sa Company. Ang company naman ay worldwide company kaya well-known ang family namin sa World of Business. Kung si Uncle ang namamahala sa company world wide nahahati naman ang pamumuno kada continent, si Dad ay sa Asia at yung iba relatives ko na.  Masyado dawng kumplekado para sa'kin since di naman daw ako hilig sa business na yan.

A Distractive God Sits Beside Me (I)Where stories live. Discover now