Chapter 2 - R-18Jogging

3 0 0
                                    

KJ's POV

Lalapag na na ang private plane namin kasama ko ngayon si Dad habang bitbit ko si Tofi. Di nakasama si Mom dahil kailangan ng isang representative mula sa Company namin bago magstart ang meeting churva na yan. Complicated World of Business. Haysss.

Inuna ko ng pinasok si Tofi sa Kotse na susundo sakin papunta kina lola at humarap kay Dad.Bago pa ako sumakay, I hugged Dad and bid him good bye. Syempre sermon muna bago alis.

"I'm gonna miss you. Magpakabait ka, KJ. Di ka na bata para makipagaway ng kahit sino-sino. Ayusin mo yan. Tinuruan kitang lumaban pero hindi para sa kalokohan, alam mo yon." Sermon ni Dad. Oo nga, sabi ko nga wag na. Last chance ko na nga ey.

Tumango lang ako at ngumiti. Hehe Syempre di ako magpromise. Malay ko ba kung mapikon ako? Aba naman.di ako papaawat dai!

"Promise?" Nagbabanta ang tono. Hala, ano ba yan! Kakasabing di ako magpromise eh!

Di naman ako sumagot at dali-daling pumasok sa kotse. Takas! Takassss!

"DiKoPoMaPramisPeroTryKoPooooo! Byeee Saranghae Ahbuji!! TELL MOM I WILL MISS HER!!" Kumakaway na sabi ko habang papaalis na ang kotse. Nakita ko pa ang mukha ni tatay na umiling habang ngumiti. Parang sinabing 'hai ang batang to'. Tiningnan ko naman si at Tofi, tulog ang aso. Kanina pa to ah?

"Hoi, gising! Nakarami ka na ah? "

Tinalikuran lang ako ng aso at tuloy lang ang pagtulog. Nandilim paningin ko sa'yo. Umaandar pa naman Ang kotse baka tinapon na kita.

hays Tofi.tofi.tofi.

Sandaling nakalimot ako ng nandito pala ako sa bansang inaayawan ko. Bahala na. Basta babawi ako kina Mom and Dad sa kalokohan ko.

Kesley! Umayos ka! Dapat good impression. Impression!

Weeeeeew Impression mo mukha mo. Pikon ka Naman. I need to find a way to manage my temper. Baka unang araw pa lang expaltion agad. Hays tingnan mo naman ang buhay. Ang Mahal ng bigas.

SANDALI akong nakatulog at nagising nung tinapik ako ng Driver namin.

"Ma'am, andito na po tayo"Aniya sa language namin. 

Tumango lang ako at lumabas.Bumungad sa'kin ang malaking mansion. Mukhang private Subdivision ito. Puro mansion eh, yayamanin. Di na ako nanibago dahil sanay na ako sa malalaking bahay na halos kastilyo na. Naglalaro ang color ng bahay sa white, black at grey. Modern style mansion kumbaga. Black din ang gate na halos mapasukan na ng dalawang truck. Yamanin gurl.

Ilang sandali matapos akong mag doorbell sa gate. Taray! Doorbell pero gate.  May lumabas na kasambahay ata at binuksan ang Gate. Black and white maid costume na parang sa Japan na mga babae pero mukhang dalawang inches pataas mula sa tuhod.

"Misis Kesley ,ikaw pala yan. Hinihintay ka na po ni Madam Martha sa loob"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Kasambahay. Aba? Misis? Tingnan mo Naman to.

"Misis? Hala? Do I look like I'm married?"

"Miss po? Akala ko po kasal ka na po. Matanda na tingnan"

"Manang, naranasan mo ng masagasaan?" Gigil na si ako!awatin nyo akoo.

"Miss? Hindi po. Bakit ho?"

A Distractive God Sits Beside Me (I)Where stories live. Discover now