MFBF: Eighty-one

156 11 0
                                    


Sorry ngayorns lang mga bb kows medj busy kasi eh,daming inaasikaso. Nyapii reading!!!

Still not edited tamad si otor as olways hahaha. Ilag na lang sa typo!!!


Laya


Lezili's POV

Wala akong nagawa kundi ang tahimik lang na umiyak hanggang sa makarating kami sa isang malaking mansyon, tahimik na lang din akong bumaba at sumama kanila Nya at dun sa Dalawang babaeng sa tingin ko ay mga katulong na sya namang sumalubong samin.

Sa hagdan pa lang papasok ay napalibutan na agad nang mga lalaking naka itim na suit, pansin ko naman ang hawak na mahahabang baril nang dalawang lalaking naka suit din sa tapat mismo nang mala higanteng pinto nang mansyon

Nang makapasok sa loob nang mansyon ay nagulat ako nang salubungin kami ni Wyde,magulo ang buhok nya at mukhang hindi rin nakatulog nang maayos. Agad syang lumapit sakin at kinamusta ako


"Are you alright? Wala bang masakit sayo?" Tanong nya na puno nang pagaalala,agad ko namang napansin ang maliit na pasa sa gilid ng labi nya



"Anong nangyari Jan?" Tanong ko sabay turo sa gilid nang labi nya dahilan para matahimik sya't ibahin ang usapan

"Nothing...let me bring you to your room,im sure you're both tired" pagiiba nya,agad naman akong napatingin kay Nya na nanguna pang pagod na sumunod kay Wyde



Pagkarating sa taas ay  pinakita agad samin ni Wyde ang mga silid namin. Magkatapat lang ang kwarto namin ni Nya at may nakabantay na ring mga lalaking nakasuot ng itim na suit. Pagod naman akong pumasok nang kwarto at agad itong ni lock matapos makaalis ni Wyde at nung tatlong maid


Napabuntong hininga naman ako saka agad na dumiretso sa CR para maligo.  Matapos maligo at magbihis nang mga damit na binigay nung mga maid ay binalik na uli ako sa kama ko nang magulat na makita si Nyang nakahiga dun


"Anong ginagawa mo?"tanong ko

"Wag tanga,natural nakahiga" pabalang nyang sagot, napabuntong hininga na lang ako saka umupo din sa tabi nya

"Kung hindi lang ako pagod malamang kinaladkad na kita palabas dito"banta ko pero ang loka loka tumawa Lang

"As if naman kaya mo" kantyaw nya pa saka natahimik saglit bago muling magsalita "Lez"


"Oh?"

"I'm... sorry about earlier... I Know i don't have any rights to tell you such things,kahit naman na takbo lang ang inambag mo kanina hindi ko pa rin dapat sinabi Yun"

"Wow salamat sa pagpapamukha saking takbo lang talaga ang naitulong ko ha" sarkastiko kong tugon,agad naman syang natawa

"I guess Shawn's right, you're sense of humor is totally unbreakable" saad nya na ikinakunot ko

"Nakwento ako ni Shawn sayo?" Taka kong tanong

"Yup, nung kinupkop sya ni Dad magkasama na kaming nag t-training. Maraming beses ka na nyang naikwento sakin...kung tutuusin nakakainggit ka nga eh" agad akong napatingin sa kanya sa sinabi nya saka mapait na natawa

"Eh kung naiinggit ka na lang rin naman sakin,edi palit na tayo. Ikaw na lang yung magoahabol kay kamatayan,ako na lang yung magiinastig" sarkastiko kong tugon


"Nah,you don't want to be like me..."

"Bakit naman Hindi? Atleast ikaw alam mo lahat ng nangyayari, nakasama mo nang matagal ang kuya ko..kilala mo ko. Eh ako? Para akong sanggol na bagong silang pero natambakan na nang problema"

"Mas maganda ngang wala ka na lang alam eh,kaysa naman Alam mo lahat..pati mga bagay na hindi mo gustong malaman" tugon nya saka humarap sakin

"Eh teka nga,matanong ko lang.. Ba't pala dun tayo sa resort pumunta kung alam nyo naman palang maraming kalaban?" Taka kong tanong

"Coz we needs to...the original plan was to act like we're having a great family bonding then you'll going to escape while we let everyone assume that you we're missing... unfortunately someone betrayed us" sagot nya, napakunot naman agad ako

"Pero bakit? Bakit ako Lang? Saka ba't kailangan pa nating magpanggap kung pwedi naman tayong tumakas lahat"

"And what?... Listen Lez, Shawn's doing his best to seek justice for what happened to your family. He did everything even if it's illegal and will cost his life. Kung sasama syang tatakas kasama natin mababalewala lahat nang yun, maninirahan nga tayo sa ibang bansa pero patuloy pa rin tayong magtatago" paliwanag nya dahilan para mapayuko naman ako sa pagkadismaya

"Pero wala na sya...may patutunguhan pa ba tong gagawin natin?"

"I doubt that, I know Shawn...hindi sya basta basta mamamatay. Isa pa ito na ang pagkakataon mong tumulong, sundin mo na lang ang plano ni Shawn at magayos din lahat"


Agad naman akong napayuko at nagisip... Hindi ko pweding gawin ang plano ni Shawn na magpakasal kay Wyde dahil may madadamay at madadamay din. Kapalit nang buhay ko ay ang masisirang buhay naman nang mga kaibigan ko...ng taong mahal ko. Hindi ko pweding gawin to...meron pang paraan,alam kong meron pa!

"Alam mong magiging misirable ang buhay ng iba pag ginawa ko to Nya, hindi ko kayang ipagpalit ang kaligtasan ko sa pagkasira naman nang buhay ng iba lalo na't mga kaibigan ko pa" sagot ko,agad naman nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko

"Lez, sometimes we need to take some risks. Just like the circle of life,we need others to survive. Besides para din to sa kanila,kay Xynon" pangungumbinsi nya naman dahilan para biglang matunaw ang puso ko nang marinig ang pangalan nya




"A-ano namang kinalaman ni X-xynon dito?" Tanong ko, napabuntong hininga pa sya bago sumagot

"Si Shawn ang nagsampa nang kaso laban kay Xynon, nagsimula na ang paglilitis nung wala ka pang malay.. unfortunately Xynon has a lot of connections too so he's still able to find a way to dismiss the case."

"So...hindi na nakakulong si Xynon sa bahay nila?" Gulat kong tanong agad naman syang napatango pero napailing din pagkatapos


Kita mo to laka maka paasa!

"Ang gulo mo!"

"Technically Xynon is still under observation dahil sa iba pang kaso na sinampa ni Shawn sa kanya,but since na dismiss ang unang hiring he's free to go pero limitado lang. Marami pa ring naka escort sa kanya" Sagot nya dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko



Sya nga talaga yung naglagay nang papel sa libro ko!


My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon