MFBF : Eighty-Two

167 16 5
                                    



End

Lezili's POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising saka ginawa ang routine ko, matapos mag ayos at magligpit ay agad kong pinuntahan si Nya sa kwarto nya



"Pst! Pst Nyang bruha gising" saad ko saka malakas syang inalog alog dahilan para batuhin nya ko nang unan


"Shut the f*ck up! Let me sleep will you?!" Inis nyang tugon na binalewala ko lang at nagpatuloy sa pag alog sa kanya


"Daliii samahan mo ko sa kwarto ni Wyde!" Mahina kong pamimilit pero ang bruha maysa dambuhalang balyena ata ang bigat kaya kahit anong alog ko ay parang ako lang din ang naaalog at napapagod


"Tss,kung gusto mong masolo yang Finance mo pumunta ka mag isa mo! Wag mo kong idadamay" inis nyang naiusal dahil para napasimangot ako


"Sira! Gusto kong malaman kung nasan si Xynon"saad ko na ikinataas naman agad nang kilay nya

"Invite mo pa sya sa kasal mo?" Sarkastiko nyang tanong dahilan para napangiwi naman ako


"Lasing ka ba? Kagabi lang antino mong kausap ngayon naman para kang nawalan nang utak. Para ka tuloy si Louie" sarkastiko kong tugon saka padabog na naupo sa kama nya,pansin ko naman ang pagtahimik nya dahilan para mapatingin ako sa kanya


"Woi! Ano na samahan mo na kasi ako!" Pamimilit ko pa,napairap naman sya bago inis na bumangon dahilan para mapangiti ako

"Fine, give me five minutes antayin mo na lang ako sa labas" sagot nya dahilan para mas lalo pang lumawak ang ngiti ko

Agad syang dumiretso sa CR kaya napatayo na ko at lumabas,sakto namang nasa tapat nang pinto ko si Wyde kaya mas lalo akong napangiti


"Wyde!" Tawag ko,agad nya naman akong hinarap saka dali dahil hinatak pagpasok sa kwarto ko


"Shh, we have a problem" bungad nya agad pagkapasok namin sa kwarto,agad naman akong napakunot


"Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong, napabuntong hininga naman sya bago sumagot


"Dad moved the schedule of the wedding tommorow" Sagot nya dahilan para manlaki ang mata ko


Ano?! Hindi pwedeee!

"Ano?? Bakit daw?" React ko naman agad

"To Speed up the process of you're files since alam na nila Don Hilberyo na tinangka kang itakas ni Shawn. Nya's life is in danger too so Dad immediately took an action" paliwanag nya

"Eh ano nang gagawin natin? Pano to??" Tanong ko


"We need to escape"


"Tatakas? Pano?"

"We'll need Xynon's help" sagot nya dahilan para maghurnamentado nanaman ang puso ko sa halo-halong saya,kaba at excitement

"Alam nyo mas lalo nyo lang pinahihirap ang sitwasyon" agad kaming napalingon at nagulat nang makitang nakatayo si Nya malapit sa may pinto


Maysa chismosa ka din talaga eh noh?



"Tatakas Kayo? Then what? Magtatago? Eh saan ba talaga kayo tumatakas? Sa kasal o sa kapahamakan? Eh diba si Xynon na naturingang kaibigan nyo at jowa netong isang to ang peligro? Eh para na rin kayong nagoakamatay nyan" dagdag nya pa dahilan para magsimula nanaman akong mainis sa kanya




"Pwedi ba Nya tumahimik ka nga, ikaw na rin nagsabi kagabi diba? Nadismiss ang kaso nya,Isa pa puro naman kayo paratang eh. Walang kinalaman si Xynon dun, kagagawan man yun nang tatay nya,sa tatay nya na yun!" Depensa ko Naman


"Fine! Waste everything you're brother sacrificed for you! Tss,sinasabi ko na nga ba walang patutunguhan to" sagot nya saka agad na nag walk out



Agad naman akong napaharap kay Wyde nang hawakan nya ang kamay ko at kaladkarin ako palabas nang kwarto



"There's no time,we need to go"



Agad kaming lumabas at dumiretso sa likod kung nasan naka park ang kotse nya,sinundan naman kami nang tatlong gwardya para bantayan pero agad silang tinaboy ni Wyde




"Sir,bilin po nang Dad nyo na wag kayong lalabas nang mansyon, delukado po" pigil samin nung isang gwardya sa gitna




"Step aside,we won't take too long. It's for the wedding" nagmamadaling saad ni Wyde saka dali daling nagmaneho para hindi na napigilan nang mga gwardya

Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating na din kami sa sosyaling tambayan nilang Lima, agad namang bumaba si Wyde habang naiwan naman ako sa kotse at nagdadalawang isip kung magpapakita ba ko sa kanya o hindi


"Lez,let's go" aya nya, napakagat na lang ako sa ibabang labi at sumunod na bumaba na rin nang sasakyan


Kahit na kabang kaba at nanginginig ang tuhod ko ay pinilit kong maglakad nang nang maayos at maghanda kung paano ko sya haharapin mamaya


Pagkapasok ni Wyde ay agad nya kong kinaladkad papunta sa taas kung nasan ang mga kwarto, napangiti naman ako tuwing maaalala ang mga araw na nakasama ko sila at ang demonito sa iisang bahay na to. Napangiti din ako lalo na nung madaanan namin ang kwarto ni Wyde kung saan ako natutulog at nayakap sila Louie, Jeff at Kier

Nang makarating sa pinakadulong kwarto ay maka ilang beses pang kumatok si Wyde bago iyon bumukas. Halos mawala naman ang puso ko dahil sa lakas nang kabog nito nang makita ko sya

Hindi man sya kasing ayos nang itsura nya tulad nang pag nasa school o pag nasa bahay nila ay hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa kagwapuhan nya. Pero lahat nang saya at pananabik ay biglaang naglaho nang tignan nya ko nang malamig at walang kagatol gatol na tinanong si Wyde



"What do you need?" Tanong nya dahilan para nanginig ang tuhod ko dahil sa panglalambot




"We need your help Xy, I know you already knew about the wedding a--" udlot na paliwanag sana ni Wyde nang agad naman syang magsalita


"Stop it. Just do what you need to do, it's for the best" udlot nya kay Wyde na ikinagulat naming pareho



"Ano bang pinagsasasabi mo? I have Eisha Xynon! And you have Lez!" Sigaw ni Wyde sa kanya



"The forget about it...forget about Eisha,forget about me" baling nya sakin dahilan para manlamig ako,ang mga salitang binibitawan nya ngayon ay parang mga matatalim na yelong tumatarak sa puso ko. Hindi na din ako nakapagpigil at hinugot lahat nang natitirang lakas ko para lang tanungin sya



"P-pano tayo?" Unti unting pumatak ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman



"We'll end this" walang bakas ng pagaalinlangan nyang sagot,at sa isang iglap parang bato na ibinato nya sakin ang mga salitang hindi ko akalain ay masasabi nya





"Let's break up"











_______________________

Di naman mesheket guyz😭😭😭


Konting push na lang talagaaaaaa malapit na ang season 3!!! Uwaaa abangan ang pinaka favorite season ko dito sa MFBF!!! 💖


My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now