PERS TYM MABRUKIN

1 1 0
                                    

PERS TYM MABRUKIN




Kasalukuyan akong bumibili ng pagkain, si Ritz naman nasa room pa, naiwan niya daw kase yung pera niya sa bag. Sabi niya may sasabihin din daw siya saken.


"Bebs!" Oh ayan na pala yung marupok kong kaibigan.


"Oh ano yon? Ano nga pala yung sasabihin mo?"


"Huhu ano kasii... ihhh.."


"Ano?"



"Break na kamiiiii.." Malungkot niyang sabe.


"Hala oh tapos?"


"Huhu magmu-move on na ako,"


"Ays yan, para di kana masaktan ng paulit-ulit kung di ka magmu-move on." First love niya yun, syempre first heartbreak. Awit pre.


Kinabukasan. Kakatapos lang naming maglunch nung biglang lumapit sakin si Ritz.


"Huhu bebs, nakita ko siya kanina, ang sakit parin, magmu-move on na talaga ako." Amp.


"Mag move on ka na nga, para di kana masaktan. Wag mona siyang isipin."


"Ang hirap eh. Ansakit ng ginawa niya. Like ginawa ko naman lahat pero bakit?"


"May darating rin na para sayo, hindi lang naman siya ang lalake sa mundo."


"Oo nga pero mahal ko pa siya eh." Taena.


"Kaya nga dapat mag move on kana, past na yun, part na yun ng past mo,"


Dalawang araw ang makalipas, lunes na naman bukas. Katamad na mag-aral.


"Bebs!" Ayan na naman siya.


"Oh?"


"Gague talaga nangyari sa bahay kanina,"


"Oh bakit?"


"Kase diba niprint ko yung picture niya, pagkatapos kong maligo, nakita kong nakasabit sa cabinet tapos sabi ni papa 'oh ano yan, Ritz?'. Gago talaga, kinabahan ako, matapos non, pinunit ko yung picture at tinapon, paktay ako."


"AHAHAHAHAHA yan kase, bat ka nagprint pa e wala nang kayo, remembrance?" Remembrance talaga yan, sinadya ko yan, wag kang ano.


"Eh ang kyut niya sa pic na yun eh,"


"Binigay mo na lang sana sa kanya yun,"


"Plano ko nga ibigay, ah sya nga pala, niprint ko yung sinulat kong kwento tungkol samin, ibibigay koto sa kanya mamaya para remembrance, ikaw ang bibigay ah?" Ampota ako pa naging tulay.


"Pagkatapos neto, magmu-move on na talaga ako." Tangina, ilang beses mo nang sinabi yan tapos hanggang ngayon di mo parin ginagawa. Kung makaasta parang kayo pa. Nandidilim paningin ko sa marufoc nato.


"Gague bat ako? At ilang beses mo nang sinabi magmu-move on kana, edi magmove on ka, taena to,"


Ignorante ata to, pers tym mabrukin e.


Ilang buwan ang makalipas, sa wakas malapit na din recognition namin.


"Bebs, nagchat kami kagabi.." Potang yan.


"Oh tapos?"


"Wala lang, miss ko na siya, naisip ko lang, pagkatapos ng recognition, wala na siya dito kase lilipat na next year, may iba na siya huhuhu"


Tangina? Ilang buwan na ang makalipas tapos di parin makamove on?


"Taena, mag move on kana! Marami pang lalaki sa mundo!"


"Oo nga pero siya lang mahal ko eh.."


Potangina. Ge.





***





Shout out sayo bebs. Huhu. Pasensya kana ha, godbless.




~Mj♡

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now