BEHIND HER SMILE

19 6 0
                                    

BEHIND HER SMILE


"Uy Len! Nakapag-study ka?" salubong ni Grace sakin.

"Hindi HAHAHA tinatamad ako eh. Ikaw?" sagot ko naman.

"Hindi rin HAHAHAHA"

"Tiwala na lang tayo sa stock knowledge HAHAHAHA kung meron HAHAHA"

"Sus! Tinatamad ka lang talaga HAHAHA tara mag study nalang tayo ket konti nalang ang oras" aya niya sakin.

Exam kasi ngayon. Tapos madaming mga projects ang mga binigay sa amin. Kaya hindi ako nakapag-study dahil dun. Pinagpuyatan ko yung mga projects na yun. Hindi ko pa nga natapos eh. Actually, plano ko talaga mag-study. Eh kaso, inaantok na kasi ako kakapuyat nang dahil sa mga proj. Tapos may pa-praktisan pa kami para sa Musical Theater namin.

"Ano nga ulit yung AIDS?" tanong ko kay Grace. "I mean ano nga meaning nun?"

"Acquired Immune Deficiency Syndrome." Sagot niya.

"Ah oki oki."

--

Maya-maya. Dumating na si Ma'am kaya matik na itinago ang mga libro.

"Before we start, let us pray. Xyler lead the prayer."

Matapos ng prayer ay nagsiupuan naman kaming lahat.

"Let's start." Sabi ni Ma'am.

Kinakabahan na ako. Cramming kasi yung kanina. Taena.

Matapos ng exam.

"Huy gagi, kinakabahan ako sa magiging score ko HAHAHA." Sabi ni Grace.

"Uy! Wag muna daw uuwi kase mag pa-praktis daw sa Musical mamaya!" anunsyo ng isang estudyante.

"Tara kain na tayo."

"Geh."

--

"HAHAHAHAHAHAHAHA MGA BALIW!" natatawang sabi ko.

"HAHAHA ikaw yung libog! Taena mo HAHAHAHAHA!"

"Matagal na akong baliw! Fetus pa WAHAHAHAHA"

"Tara na daw! Magpraktis na daw!"

Naknangpucha naman oh. Taenang praktis to.

--

"We're all in this together!"

"Together! Together! Together everyone!"

"We're all here! And speaking out with one voice!" Natatawa kami sa kaklase namin. Yung sayaw niya kasi HAHAHAHAHA.

"Galing sumayaw! Woo! HAHAHAHA!"

"We've arrived~!" kanta ko sa maarteng paraan kahit di ko naman line yun.

"HAHAHAHAHA" natawa naman sila sa ginawa ko kase ginaya ko din yung maarteng pag-rampa.

--

Pagkauwi ng bahay. Inuna ko muna yung mga gawaing bahay bago gawin yung mga proj.

Umabot din ang dinner. Matapos naming kumain, hugas ako ng pinggan tapos gawa ulit ng proj.

"Malapit nato! Laban lang. Yes!" pagchi-cheer ko sa sarili ko. Para akong baliw dito kasi ngumingiti. Naalala ko kese se kress kenene ehe. Eng sweet nye kese se eken. Siomai. Tangina ang rufoc. HAHAHAHAHAHA.

Kinabukasan. Inaantok na naman ako kase nga puyat. Nanjan na din results ng exam namin.

"Len, ilan ka?"

"20 over 40 HAHAHAHA ikaw?" okey lang. Atleast naka-half. UwU

"38." Sanaol.

"Luh sanaol HAHAHAHA"

"Hayysss sayang.. mali kasi ng spelling eh."

"Buti ka pa nga eh HAHAHAHA okey lang yan!" nakangiting sambit ko.

"You may now take your recess." Sabi ni Ma'am.

"May praktis daw yung mga Selected students!" Taena. Praktis agad? Di pako nakakapag recess. Bilis naman!

Kasali kasi ako dun. Tas may Musical pa. Amp.

--

Nagmi-meeting kaming mga selected students para sa susuotin sa sayaw namin.

"Ma'am mas okey ma'am kung walang sayaw HAHAHAHA." Pabiro kong sabi.

"Heh. Bagay talaga kayo ni Jace no? Ansarap niyo ipaguntog sa isa't isa." Sabi naman ni ma'am ng pabiro. Natawa naman ako sa sinabi niya. Weg nemen. Tsar.

"Praktis na daw sa Musical!" Hayss eto na naman. Taena.

--

Matapos ng praktis naming sa musical, hinihintay ko kasi sundo ko HAHAHAHA. Nabigla ako kasi biglang tumabi sakin si Jace. Se kress. Tsar.

Nilahad niya ang kamay niya. Ha? Ginagawamue.

"Ha? Ano?"

"Akin na." Ha? Hanudaw?

"Ang ano nga?"

"Kuya Jace−!" napatigil sa paglapit samin si Lisa. At nakangising nakatingin samin.

"Akin na." Tangina. ANO NGA???

"Haysss." Napabuntong-hininga si Lisa at nilagay niya ang kamay ko sa kamay ni Jace kaya magkahawak na kamay namin. Biglang uminit ang paligid. Tengene. Nasan na ang hangin?

"Liit ng kamay."

"Edi waw."

"Pasmado." Edi waw dre.

Inalis ko na ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Tengene nemen.

Maya-maya din ay dumating na ang sundo ko. Nakakapagod na pero laban! HAHAHAHA. Just keep smiling, Be Happy UwU HAHAHAHA.

Habang kumakain kami.

"Len. Kumusta exam?"

"Um.. okey lang.." sagot ko.

"Daddy! Naka perfect ako sa Math! Tingnan niyo!" masiglang sabi ng kapatid ko. Edi ikaw na matalino.

"Oh sige, sige mamaya na, kakain muna tayo."

Matapos naming kumain ay dumeretso kaagad ako sa kwarto ko. Bigla ko lang naalala na nasa baba yung mga test papers ko. Dali-dali akong bumaba para kunin yun. Pagkababa ko, hawak-hawak na nila mama yung test papers ko.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Bigla namang nagsalita si Mama.

"Oh? 20 over 40?! Jusko!"

"Len, ano to? Bat puro bagsak-bagsak? Hindi ka na naman nag-study?" pigil inis niyang sabi.

Nagstudy ako.

Hindi ako nakapagsalita. Bat walang lumalabas na salita sa bibig ko?

"Sa tingin mo makakatulong yang mga projects-projects mo sa grado mo?! Yang mga praktis-praktis mo?!" Oo. Performance task kasi yun Daddy. Malaki ang percentage ng Performance task kesa sa Exam.

"Alam mo, Len? Hindi maganda yan. Hindi nakakatulong yang mga project-projects mo. Sa tingin mo, pinupulot lang namin ang pera pambayad lang sa tuition mo?" Hindi. Naiintindihan ko naman kayo. "Kung ganyan man lang pinapakita mo sa amin, tumigil ka nalang sa pag-aaral."

"Hindi ako naniniwalang bobo ka, Len." Sabi ni mama.

Gusto kong maiyak. Ni hindi man lang nila inalam side ko. Ansakit. Madami na kasing gawain. Nakakapagod na marinig sermon nila tungkol sa grado ko. Gusto ko nang sumuko pero pinipilit kong lumaban kahit mabigat na.

It's just so dumb of me for not being able to explain my side. Hinahayaan ko nalang sila. Iniintindi ko nalang sila. Kaya dinadaan ko nalang sa tawa. Sa ngiti.

I made others smile. Pero sarili ko, hindi ko magawa. I don't want others to be sad or frowning just because of me. I also don't want them so see me like this. That's why I chose to be happy even though I'm truly not.




**

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now