Chapter 7 Running

750 49 0
                                    

The Runaway Seniorita

Zenaya's p.o.v

Nagpahatid lamang ako sa isang mumurahing motel upang hindi nila akalaing nasa ganitong lugar ako mag sistay.
Saka sobrang late na para bumyahe sa isang lugar na Wala pa namang kasiguraduhan.

Pagka baba ko ng taxi binayaran ko ito ng higit pa sa Bill ng metro nito.Kahit naman nag titipid ako ng pera ay kailangan ko paring dagdagan.Dahil natulungan naman ako nitong maka takas sa bahay.

Lugo lugo akong naglakad tungo sa bungad ng entrace sa mumurahing motel dahil masyado na akong pagod at dagdag pa ang antok.
Binati ako ng nagbabantay dito. Isang  tango lamang ang sinagot ko dito,Because I'm so damn tired and hungry as I said.

Nang maka pasok ako,ay agad kung hinarap Ang receptionist.

"M-mag papabook sana ako ng isang room for five hours,miss."
Wika ko sa babaeng receptionist sa na nag aaccess dito.Ngumiti naman ito saakin bago nagsalita.

"Good evening,Ma'am. Our vacant room is number 96.Its 150 per hour,so in 5 hours your bill will be 750 pesos."Magiliw nitong sabi saakin kaya tumango nalng ako bilang sagot na sumang ayon sa sinabi nito.

"Please log in to our log book and (sabay bigay lahad )here is your key Ma'am,enjoy your stay."pagpapatuloy nito.

Kinuha ko naman ito At pinermahan ang mga dapat pirmahan.

Nang matapos ay umakyat ako sa hagdan at hinanap agad ang room ko.

Nakita ko ang numerong 90 sa isang pintuan kaya nagderitsyo ako dahil sunod sunod na ito.91,92,93,94,95 natatanaw ko ito hanggang nasa 96 na ako ang occupied room ko sa motel na ito.

Pumasok ako dito At pinagmasdan ang loob ng kwarto.Merong single size bed at isang table sa tabi nito.At meron pang isang pintuan siguro ito ay banyo.

Lumapit ako sa kama At nahiga na..Gusto ko mang matulog ay hindi ko magawa kasi kakain muna ako.Kanina pa nag aalburuto ang bulati sa tiyan ko.

Dahil natatamad akong bumaba ay kinuha ko nalng ang baon kung pagkain.Buti nalng talaga At girl scout ako laging handa.

Binuksan ko ito At kumain na parang isang taon hindi naka tikim ng pagkain.Masisisi niyo ba ako!?sorna gutom lang tlaga ako.

Nang matapos kumain ay ininom ko ang mineral water na dala saka nahiga..

Bukas nalng ako maliligo Wala namang aamoy sakin dito eh.Tamad na tlaga akong bumangon pa.
Pagka higa ko palang ay dinalaw na ako ng antok..

Few minutes later...

Then all went black.
————————-

Nagising ako sa ingay sa labas.Parang May nag sisigawan saka maingay na sirena ng police.

Naiirita akong bumangon saka sumilip sa pintuan ng inuupahang kwarto ko..

Binuksan ko ng dahan dahan.Saka ko lang nakita ang nagkukumpulang mga tao pero naagaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na mukha!
damn it!!
I knew it,His our godamn lawyer for God sake!
Family lawyer namin yun.Anong ginagawa niya dito sa oras ng madaling araw!?

seriously!?

Mygod!!

Ngayon ko lang napag tagpi tagpi ang lahat.Alam nila kung nasaan ako kaya meron mga pulis sa labas dahil inanounce nila na IM MISSING.

Dahil dun ay mabilis pa sa alas kwatro akong nagbihis na parang turon para walang maka kita saakin.Kinuha ko lang ang wallet saka ang credit card ni Lola at tinago iyon sa loob ng maliit kung bag..
Nang matapos ako ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto at nagmasid.

Look to the right?
(Safe)
Look to the left?
(Safe)

Nang masiguro kung safe ay saka ako naglakad na parang makiki usosyo lang sa labas.

Dub..dub..dub..

Napahawak ako sa bandang puso ko dahil parang naririnig ko na ito sa sobrang nerbiyos..

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale...

Saka ako nagpaka wala ng malakas na buntong hininga.
Kaya ko toh.
ginusto ko toh.
kaya panindigan ko.

Nasa bungad na ako ng entrance ng matanaw ko ang mga police vehicles..
Napa higpit ang hawak ko sa suot kung jacket saka naglakad na parang normal lang..

Malapit na ako sa isang taxi ng may humawak sa damit ko.
Paglingon ko ay isang pulis ito.Makakatakas pa kaya ako dito?

"A-ano po yun?"tanong ko dito kasi nag iisa lang siya at baka makatakas pa ako dito.

"May kilala ka bang Zenaya Carolina Suarez,Miss? O kaya nakita mong pagala gala dito na area?"Tanong nito na nagpa relief sakin ng sobra.Huhu parang maiihi ako sa tensyon.

"T-tingin ko po siya yung T-tumakbo Don."sabay turo sa High way na may babaeng naglalakad kaya mabilis itong nagtawag ng kasamahan at hinabol ang babae.

Sorry nalng talaga sakanya sa sobrang nerbyos siguro no'ng babae nang makita ang mga pulis na tinatawag siya ay Napa takbo ito sa kabilang street.

Kaya yun ang oras para umalis ako sa lugar nayun.Bago bumyahe ay dumaan ako sa isang mall upang mag withdraw ng cash.

Naka hinga ako ng maluwag nang maka kuha ako ng 30k cash galing sa credit card.Pagkatapos non ay binaklas ko ang card at tinapon sa basurahan.
——

Naka sakay ako sa isang Van tungo sa isang probinsiya.Sabi ng driver ay 4 na oras ang byahe kaya dito ko naisipang sumakay dahil malayo na at nasa probinsiya pa.

Habang naka upo sa pinaka huli ay parang may napapansin akong naka tingin saakin.Kaya ginala ko ang mata ko kung mayroon nga.
Napa igtad ako sa gulat ng may kumalabit sakin sa tabi ko.

"M-Miss,nagpa retoke ka??o kaya nagpa gluta?"Tanong ng babae sa tabi ko.Sa tingin ko ay nasa edad ko lang rin ito.

"H-hindi naman natural lang talaga ito."Utal kong wika dito dahil naiilang ako sa pag suyod nito ng tingin saakin.

"Talaga! Nako ang ganda mo naman sana ako din.Taga saan ka ba?"Sabi nito na hindi parin tinatantanan ang mukha ko.

"S-sa totoo lang Miss,wala akong matutuluyan bago lang ako dito.Maghahanap palang ng matutuluyan."Gusto ko sanang magpatulong sakanya kung meron siyang alam na pwedeng matuluyan ko.

Lumaki ang mata nito sakin at biglang tumili dahil sa sinabi ko.
"Omygod!samin ka nalng muna tabi tayo sa kwarto ko.Paniguradong matutuwa sila nanay at tatay dahil wala akong kapatid.Ano sa tingin mo!?"excited nitong sabi habang niyuyugyog ang mga balikat ko.
Napangiti naman ako sa sinabi nito kaya sumang ayon ako dito..

The Runaway Seniorita (COMPLETED✅✅✅)On viuen les histories. Descobreix ara