Chapter 17 Ms. Gandang Dilag 2021

633 41 2
                                    

The RunAway Seniorita

Celine's p.o.v

Mygosh sa wakas nagka pov din ako!Pero mas nauna pa yung damuho kung pinsan.

Im so excited na para bukas.Alam niyo kung bakit!?
Bukas na ang Gandang Dilag ng bayan namin.Masaya ako dahil sasabak sa rampahan ang bestfriend kung si Carolina.Alam ko namang nahihiya siya saka labag sa loob ang pagsali dito dahil wala naman siyang choice eh.
Medyo guilty ako dahil pinilit ko siya.Pero gusto niya naman daw yun para may extra kaming pagka kitaan.Kumabaga raket narin namin noh!

Sayang din naman kasi yung premyo.Alam ko namang kaya ni Carolina yun.Walang batbat yung ibang contestant sa kagandahan nito kaya gora lang kami!

Nandito kasi ako ngayon sa sala nagpapalipas lang ng oras.Samantalang si Carolina nandon sa kwarto at nagbabasa ng maaaring sagot sa question and answer portion.

Actually lahat ng kandidata binigyan  ng babasahin para meron daw silang clue at may maisagot ng bongga!

Gusto ko sanang tumulong mag review pero pagka kita ko ng first paragraph langya English na agad.
Dumudugo na nga ako minsan sa kaka English ni Carolina pati ba naman sa babasahin!?

Oo nga pala aasikasuhin ko pa ang mga kailangan naming dalhin bukas para walang hassle.

Kumuha ako ng malaking paper bag saka isinilid ng maayos ang gown ni Carolina.Ito yung gagamitin niya sa final.
Kumuha ulit ako ng another  pang paper bag na malaki pero this time lima na kinuha ko.
Nakakatamad ang pabalik balik nakakaloka yun.

Yun nga isinilid ko rin ng maayos ang casual dress niya and make up na gagamitin ni Princess para ayusan siya bukas.
At sa talent portion naman ay sasayaw sila ng Despasito ni Cydrick.
Para akong tanga na kilig na kilig sa performance nila.Practice palang ulam na.
Ang hot nilang tinggan habang nag pa practice pano pa kaya kung complete costume nila.Nganga nalng talaga ang kalaban ni Carolina bukas.

Carolina's p.o.v
This is the day!
Maaga palang ay nagising na kami pero ang totoo mamaya pang hapon yung event.Kaya lang excited Pa sakin yung kasama ko at na handa na lahat ng dadalhin ko.
Sabi niya dapat prepared na daw para walang maiwan na gamit o maging problema.

Wala akong nagawa kundi ang sumang ayon nalng sakanya dahil alam niya naman lahat ng gagawin eh.

Kinakatakot ko pa yung talent portion at baka mapa hiya ako.Hindi lang pala ako pati si Cydrick na partner ko.okay lang naman ako sa question and answer portion sadyang takot lang ako sa magka mali.
Hayyysss ngayon pa ba ako aatras!?

——-

Celine's p.o.v

Parang gusto ko nang umakyat sa back stage para icheck si Carolina
Pero taena lang talaga no'ng nagbabantay.Isa lang daw dapat ang kasama ng candidate!Ako sana yun eh kaya lang hindi ako maalam sa make up kaha pinaubaya ko nalng kay Princess yun.
Siya narin daw ang bahala sa pag prepare ng mga gagamitin ni Carolina sa bawat portion na magaganap.

"LADIES AND GENTLEMEN!!ITO NA ANG GABI KUNG SAAN MAKIKITA NATIN ANG NAG GAGANDAHANG DILAG NG ATING MUNTING BAYAN!!READY NA BA KAYONG LAHAT!?"malakas na humiyaw ang mga manunuod dahil sa excitement na nararamdaman At isa na ako dun.

"Umpisahan na!"
"Exited na kaming makita ang mga kandidata!"
"Whoaaaaaaa!ready na kami!"

Kanya kanyang sigaw ang bawat isa syempre hindi ako papatalo noh.

"MY BESTFRIEND CAROLINA KAYA MO YAN GHORL!FIGHTING TAYO FOR THE WIN!"para akong malalagutan ng hininga sa pag si sigaw ko pero Wala akong paki alam.Ako ang moral support ng tanging best friend ko para lumakas ang loob nito.

Alam kong kinabahan na siya pero kaya niya yan!

"Okay!MUKHANG EXCITED NA NGA KAYO!TAYO NA AT UMPISAHAN ANG PATIMPALAK NA ITO!LETS ALL WELCOME THE 9 BEAUTIFUL CANDIDATES!"umugong ang nakapalakas na hiyawan ng lahat.

Ika Lima si Carolina kaya naka hinga ako ng maluwag dito.

Nag umpisa na ang pagpapakilala pero tanging si Carolina Lang at candidate number 3 ang  nangingibabaw sa lahat.

"Queen Kristel Muñez,18 at naniniwala sa kasabihang HINDI MAN AKO KAGANDAHAN ATLEAST MAY PURI AKONG INIINGATAN!"maraming nagpalakpakan dito At humihiyaw pero mas magiging malakas pa ito sa paglabas ni Carolina.

Ang pinaka hihintay ko sa lahat.
"Carolina Suarez, 17 at naniniwala sa kasabihang BEING RICH IS NOT EASY AND DANGEROUS SO BE PROUD FOR BEING A LOW CLASS THAN TO LET OUR PURITY GET DIRT FOR BEING GREEDY!"malakas akong humiyaw dito kasama ng iba na pumapalakpak pa.

"Wahhhh!!baka bestfriend ko yarn!Go go go Carolina kaya mo yan!ajah fighting!"hiyaw ko naman dito na siyang ikinangiti lalo ni Carolina yieeeee..

Fast forward...

(Dahil tamad ako fast forward nalng tayo)😅

Yun nga dahil tamad si author nandito na tayo sa final portion.Kung saan isusuot nila ang kanilang final gown.

Malakas naman ang kumpyansa ko kay Carolina dahil siya naman ang pumili ng gown nito.

"Let's welcome the 6 final candidates!"ika ng host na sobrang tinis ng boses!Kanina ko pa napapansin yan.Kung sa kantahan siya yung bumibirit kahit Wala naman sa tuno.

Hiyang hiya nga ako sakanya eh.Dont me oii!
Back to reality tayo At baka San pa mapunta ang kadaldalan niyo.

Isa isang rumampa ang natitirang candidates.
Nandiyan si number 3 number 5,7,8.9 si Carolina yung number 5 huh pero lamang talaga siya sa lahat.Sa sobrang puti kasi nito parang binubusan ng gatas sa kaputian.

Nang lumabas si Carolina ay para itong dyosa ng kagandahan.Tamang tama yung blend ng light make up niya at ang gown nito.

Nawala lang iyon ng May taong umakyat ng stage At niyakap siya!?Oo niyakap!

"Kawawa naman yung babae!"
"Lasing yung lalaki baka anong gawin niya!"

Usap usapan ng iba.
Isang lalaki ng matangkad iyon hindi nga lang makita ang mukha dahil naka hoodie ito.Feel ko lasing ang walanghiya baka manyak pa yun eh!

Nagkagulo na ang lahat dahil sa nangyari pati ang organizer ng event nato.

"Magsi upo tayong lahat!Wag tayong mag panic!"walang pumansin sa nagsasalitang host sa mga tao.

Parang mga bubuyog naman ang mga tao papunta sa harapan.Kesa na umawat naki nuod lang sila.

Pero dahil best friend ko yung naagrabyado Mabilis akong tumakbo papunta sa stage.Marami akong nanababangga pero Wala akong paki alam si Carolina Lang ang tanging iniisip ko ngayon.

Mygod sana walang masama na mangyari sakanya dahil sisisihin ko ang sarili ko pag nagkataon.

Susunod...

(Balik na tayo sa point of view ni Carolina sa next update ko💕💖💗💓💞 namimiss ko na si Carolina..)

The Runaway Seniorita (COMPLETED✅✅✅)Where stories live. Discover now