Kabanata 5

2.7K 80 12
                                    

Unedited. May mga typos at grammatical errors. Beware.

-----------------------------------


Some of the attachments fall apart when two people grow up individually or..... when one of them changes and it has nothing to do with self-improvement at all.

Nang sumapit ang pasukan ay malaking pagbabago ang aking naranasan mula sa mga subjects hanggang sa ugali at buhay ng pagiging senior high student. Nasa high school pa naman kami pero parang mas naging mature na ang aking paligid.

Like what the speaker said during our orientation on our first day, senior high is a preparation for college.

Maingay ang auditorium... nang lumingon ako sa aking kaliwa ay aking natanaw ang mga taga-STEM. I saw Salvo chewing maybe a gum with crossed arms and spread legs katabi si Noela na pinaypayan ang sarili sa init at ilan niyang kabarkada.

"Sianna, nauuhaw ka? ito ang tubig." Natuon ang pansin ko kay Nato at nagpasalamat sa binigay na bottled water.

Pagkatapos ng orientation ay lunch na kaya lahat ay diretso sa canteen. Kasama namin ni Nato si Lila, naiwan nga lang sa table na uupuan namin para hindi maagawan.

Hindi ko maiwasang igala ang aking paningin upang hanapin si Salvo. Bagay na nakasanayan ko.

Noong junior kasi kami ay palagi nalang susulpot tuwing lunch at kakain kami sa ilalim ng puno malapit sa open field lalo na tuwing practice nila sa baseball.

Nang umusog ang pila ay ini-angat ko na ang isang libo.

"Ate, dalawang order nga niyan, take out po. Tapos dalawang-"

Natigil ang aking sasabihin nang kinalabit ako ni Nato. "Bakit dalawa? Naka order na ako ng kakainin ni Lila."

Napapikit ako ng mariin. I can't just say na nakasanayan ko na dahil baka sumulpot kung saan si Salvo at aagawan ako ng pagkain. Kaya sinanay ko ang sariling mas mabuting dalawang order ang kinukuha.

"Oh! Sorry. Hindi ko napansin." I bit my lip after lying.

Nagtungo kami sa table kung saan si Lila na ngayon ay nakangiti sa nakangising si Warren. I frowned, she's dating Warren?

Nang matanaw kami ni Lila ay lumipat ito sa tabi ni Warren.

"Uhm... nandito ka pala W-warren." Si Nato.

Warren flashed his boyish smile and nodded. "Oo, nandito kasi si Lila."

Napatingin siya sa akin at ngumiti. I nodded and simply smiled a bit. Kaya naman pala dalawang order ang pinakisuyo ni Lila kanina dahil nandito si Warren. I doubt kung seryoso siya dito... he's a playboy. Nananalaytay iyon sakanilang magkakabarkada.

Lumipas ang mga araw at linggo, naging mas busy kami sa pag-aaral. Mas kakaiba talaga ang estilo ng pagtuturo sa seniors, kung noon walang pokus ang topiko, ngayon kada strand iba-iba na.

"Sianna, hindi ka sasama sa Madongan sa Sabado?" tanong ni Warren habang tinutulungan kaming gumupit ng kartolina para sa isang proyekto.

Nasa library kami at kagrupo ko si Lila, Nato, at tatlong kaklase. Warren is just here because of Lila. Hindi ko nga aakalain na magtatagal sila.

Binitawan ko ang gunting at nagpunas ng pawis. "Bakit naman ako pupunta ng Dam?"

Dam kasi iyon ng Nueva Sierra, na nakakonekta sa malawak na ilog ng lalawigan. Malinis at malamig ang tubig. Maraming cottage sa gilid nito at pasyalan din dahil malawak at malalim ang anyong tubig.

Weighing Book of Louisianna (Nueva Sierra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon