Kabanata 9

2.5K 85 2
                                    

This isn't thoroughly edited in case you'll encounter some typographical and grammatical errors. Enjoy reading!

----------------------------


Pagpasok ko palang ay usapan na para sa prom ang topic. Syempre it is our first time to attend prom and if I would be just a normal teenager. I'll be excited, pero alam ko naman na wala akong aasahan doon. No one will dance with me anyway.

Hapon nang maimbitahan kaming lahat sa quadrangle upang magpractice, our partners were from the grade twelve. Ganon ang set-up, ang mga babae sa lower year ay makakapareha ng higher year na boys, same with the lower year boys and higher year girls.

Napalingon ako sa aking kaliwa nang maghiyawan sila, only to see Salvo being paired with the gem of Nueva Sierra, Nathalia Mercado.

Kitang-kita ko kung paano napakamot sa noo sa hiya si Salvo habang si Thalia ay naka-ngiti. She's very pretty, almost perfect.... she has the beauty and the brain.

"Sianna, right?" tanong ng aking kapareha na grade twelve.

"Opo..."

He grinned. "I'm Luiz...."

Kinabahan ako sa ngisi niya dahil mukha siyang may balak na masama ngunit sa kasagsagan ng practice ng cotillion ay mabait naman.

I'm not a good dancer, he'll smile kapag nagkakamali ako pagkatapos ay ituturo kung paano iyong step na iyon.

"You're cute." He chuckled when I turned pero mali ako ng step kaya muntik na akong matapilok kung hindi lang niya ako hinapit sa bewang.

Nahiya nga ako dahil baka nabigatan siya sa akin.

"Sorry..."

Natapos ang practice at ngayon ko lang lubusang nakita kung gaano karami ang populasyon ng seniors. Marami akong hindi kilala dahil wala naman akong kaibigan. Kahit mga kilalang pamilya ay ilan lang ang aking kilala.

"Hey, Clave! Wait for me!" si Luiz. Kumindat ito sa akin bago nagpaalam.

Nakita ko si Nato at Lila sa gilid ng stage at lumapit sakanila ngunit nasa gitna palang ako ay umalis na si Nato nang mapansin akong papunta sakanila.

Lila looked at me apologetically at sinalubong si Warren na nakabusangot, sinasamaan ng tingin ang partner ni Lila.

I heaved a sigh and went out to buy a drink.

Papalabas na ako ng campus upang pumara ng tricycle nang humarang ang sasakyan ni Salvo sa aking harapan.

Tumaas ang aking kilay nang passenger seat ang kaniyang binuksan. I thought sasabay si Thalia dahil nagiging close sila kanina, knowing Salvo.

"Hindi mo nagayuma si Thalia?"

He glared at me. "What are you saying, Sianna?"

Natawa ako. "Good boy ka na ngayon? Ganon ba?"

"I'm no good, Sianna. Baka pagsisihan mo ang sinabi mo."

Hinampas ko siya nang makuha ang ibig niyang sabihin. Napaka tarantado talaga.

Totoo ngang wala siya ng isang linggo. Mas naging madalang ang klase dahil sa practice ng prom. Nalaman ni Mama ang tungkol dito at nanghire pa ng sikat na designer ng lalawigan upang sukatan ako.

"Isn't she lovely? She's been working out at nagkaka-curves na. Maybe you can make a gown that will define her curves." Aniya sa designer.

Nahiya ako sa klase ng tingin ng designer. Alam ko namang mataba ako, well nabawasan pero mataba pa rin since I've been busy with school requirements kaya madalang nalang akong magwok-out, minsan nags-stress eating na ako.

Weighing Book of Louisianna (Nueva Sierra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon