CHAPTER THIRTY FIVE

17 0 0
                                    

Night out

"Anong ginagawa niyo dito?"


Buo ang barkada at halos lahat sila ay may sari-sariling mundo habang nakaupo sa sofa, at oo buo dahil kasama si Zavier na nakikipag usap kay Clyde sa gilid ng table ko. Napatingin naman sila samin ng pumasok kami ni Dixon.


"Hi, babaita! Tumambay lang kami dito kasi nasa meeting ka daw kanina, e." sabi ni Audrey habang nakatukod ang siko sa sandalan ng sofa habang ang baba niya ay nakapatong sa kanyang kamay.


Agad kumunot ang noo ko. "Mukha bang tambayan 'tong opisina ko?" Dumiretso ako sa aking swivel chair at hinubad ang aking blazer, nilapag naman ni Dixon ang gamit ko sa table habang nakikipagusap kay Peter.


"Hindi, pero parang ganun na nga." sabi ni Clyde at nakipag apir pa kay Zavier. Tinarayan ko nalang siya at hindi ko na pinansin.


Ang lakas ng loob niyang pumunta dito pagkatapos ng ginawa nang bwisit na girlfriend niya sa akin! Maayos akong nagtanong ng walang bahid na kahit anong emosyon 'tas siya pa may ganang magalit, ano siya siraulo? Ni hindi nga nakakagalit yung tanong ko tapos ako pa naging masama saming dalawa! Nakakaasar! Tapos pupunta siya dito na parang walang nangyari? Edi okay!


"Ops! Ang sungit ni binibini, time of the month ba?" mahinhing sabi ni Peter at lumapit pa sa pwesto ko.


"Tigilan mo ako baka ihampas ko sayo 'tong laptop." Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nag focus lang ako sa aking laptop. Agad namang tumawa ng malakas si Audrey na hinahampas pa si Xandria sa balikat.


"Gago ka pre lagot ka diyan!" sabat ni Clyde at tinapik ang balikat ni Peter at hinila ito palayo sa akin.


"Si binibini naman parang walang joke sa mundo niya." pagmamaktol ni Peter habang nakaupo sa lamesa ni Dixon.


"Infairness nabuo ulit tayo! Akala ko hindi na sasama sa atin si Mr. Famous, e. Tara gimik tayo mamaya!" excited na sabi ni Audrey.


"Horizon tayo namiss kong pumunta 'don!" sabi ni Clyde na agad namang sumama ang mukha ni Xandria at pinanliitan siya ng tingin.


"May booking ka 'dun mamaya no? Nandun siguro ang mga babae mo kaya excited ka."


"Bakit selos ka ba? Don't worry sayo lang ako titingin at lalandi mamaya, babe." sabi ni Clyde at nag flying kiss pa.


Agad namang nandiri si Audrey at binato siya ng unan pero nasalo naman niya ito. Inirapan lang ni Xandria si Clyde at lumingon lang sa gawi ko. Am I missing something?


"Kayo nalang busy ako wala akong panahon sa ganyan." Maikling sabi ko habang may tinatype sa laptop.


"Parang others naman 'to! Ang KJ mo naman babaita! Loosen up hindi porket gigimik ka lang sandali ay binibitawan mo na 'yang posisyon mo." sabi ni Audrey na tuluyang humarap sa gawi ko.


"Ngayon lang naman ulit tayo na kumpleto pumayag ka na, Sav." sabat ni Xandria habang nakangiti sa akin. Isa pa 'to alam niyang kapag siya ang nagsalita ay hindi ako makakahindi sa kanya.

San Vicente Series #1 : For a ReasonWhere stories live. Discover now