CHAPTER TWENTY FOUR

16 1 0
                                    

Lies

Nanatiling nakatayo si Eleana sa harap namin at ramdam ko din ang pananahimik ng paligid, para bang nakikiayon dahil sa kaunting tensyon na namumuo.

Walang nagsasalita ngunit alam ko na maging sila ay gulat din. Nanatili ang tingin ko kay Daddy na gulat din at parang hindi inaasahan na makita niya kami dito. Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Zac sa kamay kong nasa ilalim ng lamesa pero hindi ko siya binalingan ng tingin dahil ang taong tinititigan ko ng matagal ay halatang iniiwasan ako...

"Bakit ka nandito?" Malamig na sabi ni Zac ngunit walang mababahiran na pagkagulat sa kanyang boses. Kumunot ang noo ko at bahagyang yumuko.

"Oh, you didn't please to see me huh?" Ngumisi si Eleana sakanya at niligay sa likod ang kanyang kamay.

Dumilim ang mukha niya at umigting ang kanyang panga, parang may gusto siyang sabihin pero pinipilit na 'wag ibuka ang kanyang labi.

I sighed and looked at my Dad who's still shocked. Tumayo ako at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Did you just get here, Dad?" I'm forcing to place a smile but I can't do it.

Gulat pa rin siya at tumango tango na lamang sa tanong ko sa kanya.

"Where's mom? Is she still outside?" Kanina ko pa kasi hinahanap si Mommy nagbabakasakali na nahuli lang ang dating niya, pero mukhang gaya ng iniisip ko ay hindi niya ito kasama.

"Hindi niya kasama ang Mommy mo." Eleana said and crossed her arms. Nasagot niya ang tanong ko na parang nabasa niya 'to. I didn't bother to look at her because I want my dad to answer it.

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako na parang hirap na hirap siyang sagutin ang tanong ko. Kumunot ang noo ko ng magsalita si Rius.

"I didn't know that you're here, Tito." He coldly said and his eyes bore at me.

"I-I didn't k-know too, iho." 

He smirks, but he didn't glance to Dad and just watching my emotion. "I doubt it, Tito." 

Eleana smirk and sat down at my seat and glance at Zac, who's looking at me like he really wants to say something...

Kumirot ang dibdib ko ngunit hindi ko hinayaan na makita ni Eleana ang emosyon ko kaya huminga ako ng malalim at tinignan sila. Gusto kong magsalita at magtanong pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maibuka ang bibig ko.

"Hanggang dito ba naman gusto mong bangasan ko ang mukha mo, ha!" Sabi ni Audrey na masama ang tingin kay Eleana ngunit hindi siya pinansin nito at nakatingin parin kay Zac na parang siya lang ang tao dito.

Gusto kong lumapit at patayuin si Eleana sa kinauupuan niya dahil hindi ko gusto ang pagtitig niya kay Zac, pero hindi ko magawa dahil gusto ko na si Zac mismo ang gumawa ng gusto ko kung ayaw niya ang tingin ni Eleana, pero nanatili siyang nakatitig sa 'kin na parang ako lang ang importante sa kanya.

Pasimple akong humawak sa sandalang upuan ni Hush dahil nawawalan ako ng lakas sa nakikita ko. Simpleng titig lang ni Eleana sa kanya ay parang gumuguho na ako. Lumingon si Hush sa 'kin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Gusto kong isipin na nagkasabay lang sa pagpasok si Daddy at Eleana dito pero parang may tumutulak sa 'kin na hindi paniwalaan ang iniisip ko dahil sa gulat ni Daddy at kilos ni Eleana ay parang taliwas na ito... May mali pero hindi ko matunton...

"Hindi kayo matutunaw sa pagtititigan." Sabi ni Ventie at tumayo para lapitan ako. 

Batid ko na alam niya ang panghihina ko kaya dinaluhan niya agad ako ngunit kagaya ng kay Hush ay hindi ko siya pinansin at tinapunan man lang ng tingin dahil may hinihintay akong sagot na gusto kong marinig.

San Vicente Series #1 : For a ReasonWhere stories live. Discover now