Chapter 2

32 8 0
                                    

Ilang beses akong napakurap dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.


"A-anong finally? Teka bakit mo ako hinahawakan? Magkakilala ba tayo? Bakit mo ako kinakausap?" sunod sunod na tanong ko.


Naguguluhan ako sa kinikilos ng lalaking ito.


Nawala ang malawak na ngiti sa mga labi niya matapos kong magtanong. Mukha siyang nakarinig ng bad news dahil sa mga sinabi ko.


"What? Don't tell me you forgot-"


"Angel!" tawag ng kung sino sa may likuran ko.


Pagtalikod ko, ang hingal na hingal na Kyla ang bumungad sa akin. Pareho kaming napalingon kay Kyla. Mukhang tumakbo siya.


Ano naman kaya ang minamadali niya? May ten minutes pa naman bago mag-start ang klase.


"Bakit nakatayo ka lang diyan? Tara na. Baka malate na tayo." Hingal na hingal niyang sabi.


Malalate? Ang aga pa kaya.


Hindi ko alam kung uunahin ko bang tanungin kung bakit siya nagmamadali o usisain itong lalaking itong nagulat din sa pagdating niya.


"Tara na. Mamaya na kayo mag-usap" Pamimilit niya sa akin.


Bago pa man ako makapagdesisyon, hinila na ako ni Kyla.


Sumunod na lang ako sa kanya. Mas maganda nga namang maaga kaming pumasok.


Tinignan ko muna ang lalaking kausap ko kanina bago ako humarap sa dinadaanan namin. Tipid na ngiti ang binigay niya sa akin.







Pagdating namin sa harap ng building kung nasaan ang classroom namin, huminto muna kami para maghabol ng hininga.


Tinitigan ko ang bulding na nasa harapan namin. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nagmamadali si Kyla.


First day pa lang, isang pagsubok na agad ang kailangan naming kaharapin.


Nawala sa isip ko na nasa 4th floor pala ang classroom namin. Walang elevator dito sa school na ito. Hindi naman kasi kataasan ang mga building dito.


Malas lang talaga kami dahil nasa pinakataas na parte ng school na ito ang classroom namin.


Mortal enemy ko talaga ang hagdan. Mabilis kasi akong hingalin.


Habang nagreready kami sa pagakyat, naisipan kong tanungin ang kaibigan ko tungkol sa lalaki kanina.

Trust Me My AngelWhere stories live. Discover now