Chapter 5

295 22 16
                                    

Chapter 5

"Lin, maglaba ka nga ro'n!" sigaw sa akin ni mama kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Loh, bakit ako?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa cellphone kong hawak.

"Kasi wala ka naman nang trabaho. Dali! Maglaba ka na at sayang ang araw." you all heard it right bitches. Last week pa ako nag resign sa pinapasukan kong hospital kaya eto stone in a bag na naman ang peg ko sa bahay. Sa madaling sabi, pabigat.

Tumungo na ako sa kwarto ko at kinuha ang labahan na nakalagay sa basket at ang ibang labahan sa kwarto nila mama. Sa washing naman na kasi namin inilalagay lahat ng pinaghubaran namin at eto na pinaghihiwalay ko na ang puti sa de putang de color na kulay.

Bakit pa ba kasi kailangang paghiwalayin nasstress ang bangs ko rito. Nang mapaghiwalay ko na ang mga kulay ng damit ay inuna kong isalang ang kulay puti at naglagay ng dalawang Ariel at hinayaang umikot ng ilang beses saka ko kinuha ang speaker ko sa loob ng bahay para makapag emote naman ako rito habang naglalamay sa mga labada.

Pinili ko ang playlist ng mga OPM sa mga nadownload kong kanta dahil mga paborito ko na ito noon pa.

"Huling sayaw." basa ko sa titulo ng kanta saka ito pinatugtog. Boom! Bahala na kayo riyan, rakrakan na! Paalam sa'ting huling sayaww! May dulo pala ang langit!!! Naalala ko noong highschool pa ako sinayaw namin ito noong graduation.

Huling sayaw kuno, nag-iyakan pa kami ng mga kaklase kasi magkakahiwalay na kaming lahat pero ngayon kapag nagkikita sa kalsada akala mo kung sino, irap irap pa, tatanggalin ko mga eyeballs nila eh.

Nang matapos na ang pag ikot ng puti sa washing nang dalawang beses ay pinigaan ko na ito at inilagay sa batsa at nagsimula nang mag-anlaw. Ginugulol ko ang halos dalawa o tatlong oras ko sa paglalaba ng damit naming tatlo sa buong linggo. Linggo linggo rin kami kung magpalit ng pillow sheets at every two weeks naman sa mga bedsheets at isang buwan sa mga kurtina.

Oh hindi ba, mas maayos pa schedule ng paglilinis ng bahay kaysa sa sarili kong hindi na alam kung saan patungo. Natapos na rin ako sa paglalaba at saka pa lang ako pumasok sa loob ng bahay dahil sa likuran ako nag laba.

Naabutan ko naman si mama na kakarating lang mula sa palengke dahil sa mga plastik na dala niya, iba't-ibang kulay na ginagawang saranggola. Miss those good old days, maghahabulan buong maghapon sa labas at uuwi nang amoy araw, pawisan at humuhulas ang libag.

"Ano ulam, ma?" tanong ko sa kaniya, kinuha ko ang ibang plastik ng pinamili niya at isa-isa itong binuklat. Puro sabon, shampoo, canned food, mga ukay-ukay at ang iba ay may prutas pa, more likely chico.

"Hipon, katawan lang masarap tapon ulo." ani mama kaya napakunot ako ng noo. Si papa naman ay biglang pumasok dito sa kusina habang pasan-pasan ang isang sako ng bigas sa balikat niya.

"Anong tapon ulo, ma? Eh sinusupsop naman 'yung ulo niyan eh." bwelta ko sa kaniya.

"Linnette! 'Yang bibig mo." ani papa nang bigla niyang ibinagsak ang bigas sa sahig.

"Bakit?" napaisip tuloy ako. "Yung ulong sinusupsop ba?" tanong ko sa kaniya, si mama natawa habang si papa ay napailing ng ulo at lumabas ng kusina.

"Nakasupsop ka na ba ng ulo, nak?" tanong ni mama habang hinuhugasan ang hipon na nakalagay sa palanggana.

"Anong klaseng ulo ba, ma?" buryong tanong ko at pinanood siyang linisan ang hipon. Si mama na gaga naman ay umaktong nag blo-blow job.

"Medj. Sinampal nga ako ng tite dati eh, bumakat sa mukha ko 'yung marka mama." ani ko sa kaniya, bigla naman niyang tinampal ang braso ko.

Fontabella 4: Taking The RisksWhere stories live. Discover now