Chapter 4

286 19 6
                                    

Chapter 4

Naglakad na lang ako pauwi sa bahay dahil malapit na lang naman na ang bahay namin mula sa paradahan ng jeep. Sobrang sakit na rin ng balikat ko at sobrang bigat ng pakiramdam dahil siguro sa pagod at sa stress na nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.

"Huy, mamsi!" kalabit ko kay Jade na nakasandal sa tindahan nila.

"Oh, anong balita sa 'yong bakla ka?" tanong niya saka ibinaba ang kaniyang cellphone at hinarap ako. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niyang puno ng takot nang lingunin niya ako.

"Ayos lang naman, medyo mabigat nga lang balikat ko." sabay hilot dito sa aking balikat. Natulala si Jade at tumayo sa kaniyang kinauupuan.

"Ah eh, sige, Lin, pasok ako sa loob naiihi ako hehe." sabi niya bago tumakbo papasok sa loob ng bahay nila na parang takot na takot. Weird. Naglakad na lang ako pauwi sa amin dahil wala naman na akong kailangan pang gawin kila Jade, alangan naman kausapin ko 'yung tinda nilang sardinas na 555.

"Ma! Pa!" tawag ko mula sa gate namin pero mukhang tulog na sila dahil walang sumasagot.

"Hayst." buntong hininga ko at inabot ang lock ng gate saka ito binuksan. Nang makapasok na ako sa loob ay tuluyan ko nang ini-lock ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Kahit madilim dahil patay ang ilaw ay alam kong wala ng tao sa sala pero iba pa rin ang pakiramdam ko.

Hindi ko mawari na sa gitna ng dilim at katahimikan ay may parang nakikinig sa akin at mata na nakatingin. Bigla kong nilingon ang aking likuran dahil may naramdaman akong enerhiya mula rito pero laking luwag ng hininga ko dahil wala naman akong nakitang tao.

Kahit na kulob naman ang buong bahay namin ay may ihip ng hangin akong naramdaman. Malamig ito at mamasa-masa. Nagdala ito ng kakaibang tindig balahibo sa akin na sobrang nakakakilabot kaya napatakbo ako sa loob ng kwarto ko at binuksan ang ilaw.

Kabig kabig ang aking dibdib ay hinahabol ko ang aking hininga dahil sa sobrang takot na aking nadarama. Parang may nakatingin pa rin sa likod ko kaya nilingon ko ulit ito pero wala naman akong nakita. In my peripheral vision I saw one black man like thing standing outside the door of my room but when I gazed at it, I saw nothing but completely darkness.

Nababaliw na siguro ako kakapanood ng kung ano-ano sa telebisyon at sobrang kakakape ko rin ito kaya masiyado akong kinakabahan. Yeah, baka nga. Hinubad ko na ang suot kong damit at ang sinuot ko naman kagabi na nakalagay sa labahan ay kinuha ko.

Gaya ng sabi ni kuya Dani ay sunugin ko raw ito and wala eh ang sabi niya sunugin ko raw kaya naman susunugin ko nga. Nagbihis na ako ng sando at cycling dahil sobrang alinsangan kahit na gabi naman. Wala naman kaming air-con dahil poor lang ang lolabells niyo pero keribells pa rin naman sa life.

Gamit ang flashlight ng phone ko ay hinanap ko ang posporo sa malapit sa kalan at nang makita ko ito ay binuksan ko na ang gate sa likod ng bahay namin. There's two either way you can enter and exit our house. Dito sa likod at syempre sa harap.

Ang tanging tunog ng mga kuliglig sa gabi na lang ang aking naririnig dahil hating gabi na at tulog na ang lahat ng tao. Hihina naman magpuyat ng mga ito. Gamit pa rin ang flashlight ng phone ko ay naglakad na ako patungo sa dilim at sa sigaan ng mga basura namin dito sa buong bakuran.

Hindi ko alam sa mga kamag-anak kong ito, sabi ko naman na huwag nilang sanayin na nagsusunog ng basura kaso ang titigas ng mga bungo. Initsa ko ang damit ko sa siga at tumalungko para sindihan ito ng posporo. Ilang sandali lang ay nagsimula nang lumaki ang apoy nito at sobrang baho talaga ng nasusunog na damit.

Napaubo pa ako ng ilang beses at dahil nga sa apoy ay nagliwanag ang buong paligid ng kaunti.

"Hoy, umalis now riyan baka masunog ka!" sigaw ko sa pinsan ko na nagtatago sa likod ng apoy at usok na ginagawa ng damit.

Fontabella 4: Taking The RisksWhere stories live. Discover now