Chapter 13

125 7 11
                                    

This chapter is dedicated to my if-ever-soon-to-be mother-in-law HAHAHAHAAHHA! Kidding!

Chapter 13

Lumabas ako ng bahay at naabutan ang sasakyang pamilyar sa akin. Sinilip ko kung sino ang sakay nito at nakitang nakaupo sa loob si Ghon-kapatid ni Griffin.

"Musta, Ghon? Ginagawa mo rito?" Katok ko sa bintana na siya nitong ikinabukas. Kahit na naka-shades siya ay nakita kong nagtama ang mata naming dal'wa kaya naman halos mapalunok ako nang mariin. Iba talaga ang itsura nito sa malapitan.

Nadedepina ang magandang hugis ng kaniyang panga, itim na mata, ang manipis na labi at ang buhok na laging nakahawi sa kanan.

"Pinapasundo ka ni Kuya sa 'kin," aniya. Dumistansiya ako nang kaunti mula sa sasakyan at tiningnan siya.

"If you just want to," Ghon added.

Nodding off my head, I went to the passenger side of his new car. Amoy kasing bagong bili kaya wari ko'y bagong bili lang 'to. Nakarinig ako ng pagtikhim at nang lingunin ko ang gawi niya ay nakita ko siyang nakatingin. Nasa taas na rin ng noo niya ang shades na suot kanina.

"Shall we?" he asked.

Umayos ako ng upo at tumango. "Tara na."

Looking back at our house, I saw mama scratching her head, probably thinking who I am with by this moment. Ghon's not used to visiting our house. He's just casually standing in front of our gates to greet mama after driving me home.

"Saang bar ba nagtratrabaho si Fin? Ngayon ko lang nalaman na nag-ba-bar din pala si tanga." Tumingin ako sa labas ng bintana dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagka-ilang sa kaniya. This is just an example of those moments na makakasama ko sa iisang saradong lugar si Ghon.

It's not like we're not friends, we're just not really used to each other or ako lang talaga iyong nakakaramdam ng pagka-ilang.

"Ewan ko ba kay kuya. Ikaw, bakit ka pupunta ro'n?" Mabilis na bumaling ang ulo ko kay Ghon. Gamit niya ang dalawang kamay sa pag maniubra ng kotse.

"As you know, naghahanap ako ng trabaho, 'di ba? Malay mo may mahanap akong trabaho ro'n sa club?" I shrugged afterwards. Hinila ko pababa ang salamin sa compartment na nasa harap ko para manalamin. Ni hindi ko man lang naayos ang buhok ko dahil basa pa kanina at hinihintay ko rin na matuyo.

Ghon chuckled, making me look at him. "Seriously, sa bar talaga? Why? You will work as a stripper? What? And your boyfriend. Sigurado 'ko na kapag nalaman niyang pupunta ka sa bar nang mag-isa, magagalit iyon."

Bigla ko ngang naalala si Aljon. May kami na ba? Ang pagkakaalam ko eh wala pa. O kung magiging kami ba at kung may pag-asa nga ba ako sa kaniya.

Okay, Lin... hingang malalim... kung ayaw niya sa 'yo, may iba pa naman diyan. Kung matatalo man ako sa kasunduan naming dalawa, mauubos ang pera ko or even worst baka gawin it's akong sex slave.

"If I was just your man..."

"May binubulong ka?" taas-kilay kong tanong kay Ghon. Napaayos siya ng sandal at hawak sa manubela ng sasakyan.

"Ah, eh, wala" aniya na parang natataranta bago kami natahimik.

The beat of rnb sound filled the silence between us. Kahit papa'no ay hindi naman ako na-ilang pa. Halos mag-iisang oras na rin habang nasa loob ng sasakyan nang may mag ring na cellphone-kay Ghon.

Tiningnan niya ito sa hood ng sasakyan saka kami huminto sa isang parking. He picked up his phone then answered.

"We're here--oo sige." He glanced at me and then a long silence again. "He's fine." Pinaningkitan ko siya ng mata nang tumango na naman si Ghon.

Fontabella 4: Taking The RisksWhere stories live. Discover now