Chapter 7

517 42 3
                                    


LOURD EROS HAVIEN

"Lord can you buy me a gun?" Chat sakin ni El. A friend— well not exactly— na kalaro ko sa Valorant.

He/she, i don't know, basta kalaro ko sya lagi. Hindi kami magkakilala personally. Basta pag online sya at online ako, game kami.

It's funny because we both don't use mic. We just play. Duo kami at madalas kaming panalo. Kaya din minsan nakakatamad mag laro pag wala sya. Minsan nga nagkukwentuhan lang kami sa chat.

"Sure." Chat ko sakanya at ibinili sya.

My ID is Lord kaya akala nila talaga lalaki ako. And I'm good actually. Ikaw ba naman babad sa computer tingnan ko lang kung dika maging pro.

Narinig ko ang pagtawag sakin ni Nanay dahil dinner na. Nag chat ako na last game ko na. At nang matapos ay bumaba na ako dahil baka si Nanay pa ang umakyat sa kwarto ko, mahirap na.

"Anak, diba gusto mong kumita?" Sabi ni Tatay habang kumakain kami.

"Yes Tay, anong raket ba yan?" Tanong ko sakanya

"Tutor anak. May nagtatanong kase na isa sa customers ko." Sabi nya

"pagiisipan ko po."

I ended up agreeing with Tatay's suggestion. Ang laki kase nang bayad. 1k per hour. Mayaman ata yung nagpapaturo.

But I admire her though, pwede namang magpagawa nalang. Ang sipag nya lang para magpaturo.

I'm now eating ice cream habang hinihintay yung sinasabing nagpapaturo ni Tatay. Dito sa parlor kase kami magkikita.

Iniisip ko kung paanong approach ang gagawin ko. Kinakabahan din talaga ako. Hindi pa naman ako sanay na makipagusap, I suck at socialising. tsk.

"Oh Summer, nandyan ka na pala." Bigla akong napatingin nang pumasok si Summer. She's just wearing a loose gray shirt and ripped black jeans na tinernuhan nang black timberland shoes.

Agaw pansin talaga sya kahit simple lang ang suot nya. She scanned the place and when her eyes met mine I immediately averted my gaze. Yung mga mata ko talaga ang sarap tusukin minsan. kainis.

"Anak, sya nga pala yung sinasabi ko sayo." Napatingin ako kay Tatay dahil sa sinabi nya. Sya?! 

"Sorry i'm late Ma'am." Sabi nya

"Alam mo?" Tanong ko sakanya referring if she knew about tatay being my father.

Umiling naman sya "Tatay just said that her daughter is a teacher and I happened to be looking for a tutor." She said with a shrug

"Ako ang nagyaya sakanya, anak." Sabi naman ni tatay. Wala na akong nagawa kung pumayag.

Bitbit ang laptop ko ay dinala ako ni Summer sa condo nya. Hindi ko balak sumama kung ibang tao pero dahil si Summer naman yan ay pumayag na ako. Hindi daw kase nya dala ang gamit nya dahil may pinuntahan sya kanina.

"Feel at home, i'll just get us some snacks." Sabi nya bago ako iniwan sa living room.

I scanned the place. It's clean, halata ding mamahalin ang mga gamit. The place is a combination of white, black and a touch of red. Halata ding mahilig syang maglaro dahil may game console sya.

SelcouthWhere stories live. Discover now