Chapter Four

1.5K 48 2
                                    

Papaumaga pa lang. Hindi pa sumisilip ang gintong araw ngunit naroon na siya sa labas ng Bahay Kalinga, nakatayo at tahimik na pinagmamasdan ang residential institution na nagsilbi niyang tahanan sa loob ng labing walong taon. Dating nasa Lungsod ng Danao ang Bahay Kalinga ngunit nagpasya ang mismong may-ari na ilipat 'yon sa mismong City ng Cebu.

Hindi 'yon ang usual na uwi ni Zafiyah. Madalas, alas singko na ng umaga ang uwi niya tuwing weekend. Ala una man ang tapos ng duty niya sa coffee shop pero hindi siya agarang nauwi. Nagpapalipas siya ng oras sa labas ng coffee shop ngunit dahil palagi ng naroon si Nikkos, hindi na niya nagagawang magtagal ro'n. Sa convenience store na lang siya natambay na malapit sa orphanage. Sinasadya niya talagang magpaumaga para sa pag-uwi niya, gising na ang mga batang itinuring na niyang mga kapatid.

Mula sa main door ay lumabas si Mother Felissa, ang Mother Superior na nagpalaki sakaniya. Mahigit sixty na ito pero mukha lang nasa forty. Her jet black long hair and smooth porcelain skin glowed with youth and health. Abala man sa pamamahala ng orphanage ngunit maalaga pa rin ito sa sarili.

Kumunot ang noo nito ng makita siyang nakatayo sa labas. "Zafiyah, anak, ano at nariyan ka pa? Pumasok ka na rito at may kalamigan ang hangin." Iminuwestra nito ang kamay sa pag-aaya sakaniya.

Matamis siyang ngumiti at patakbo itong nilapitan. Mahina itong natawa ng yakapin niya ito bigla. Agad niyang nalanghap ang amoy ng kapeng barako at amoy ng iniwang bakas ng pang umagang ulan mula sa kakahuyan. She closed her eyes and breathed deeply. Mother Felissa always smelled like faint crisp of coffee and moist smell of rainfall balm.

She smelled like comfort, reassurance and tenderness.

Fresh. Gentle. Delightful. Heavenly.

She buried her face on her shoulder to get more of her scent.

Home. She was home.

Inilayo nito ang mukha at nakangiting tinitigan siya. Warm black eyes smiled upon her.

"Nangangalumata ka na, anak. Hala at magpahinga ka na sa silid mo."

She smiled and shook her head. Itinaas niya ang malaking supot na bitbit niya. "Magbi-bake ako ng cake at magluluto rin ako ng spaghetti, fried chicken at pansit, Mama Feliss. Kaarawan ni Ningning."

Muli itong ngumiti at tumango sakaniya. "Hindi ka nakakalimot, anak. Kaarawan mo no'ng nakaraan pero hindi ka naghanda pero kay Ningning?" Napailing ito ngunit nakangiti pa rin. "Aba'y kabisado mo talaga lahat ng importanteng araw ng mga bata rito."

Inakbayan niya ang Madre at iginiya papasok sa loob. "Ma, birthday is more than just a special day of the year. They remind us that we're growing older but they also symbolize how far we've come. We're not only celebrating the length of their life, but we celebrate how much they've grown in the past year. Parang kaylan lang, Ma, sanggol lang si Ningning no'ng dalhin dito ng DSWD. Akalain mo ngayon anim na taon na." Nangingiti niyang saad.

"Alam kong sobrang malapit sa puso mo ang batang 'yon."

Suminghap siya at tumango. Lahat ng mga bata na naroon ay malapit sakaniya ngunit si Ningning ang pinaka masasabi niyang super close niya. Siguro dahil sa, siya mismo ang sumalubong at kumarga rito noong dalhin ito roon. Siguro dahil sa, siya na halos ang nagpalaki rito. O siguro dahil sa mahina ang puso nito at mas kaylangan nito ng higit na pag aalaga niya. Hindi niya alam. One thing was for sure, she loved all the kids there and she would always do her best to help and support them.

"Isang buwan mula ngayon ay pasukan na, anak. Ano ang plano mo?"

Nilapag niya sa malaking dining table ang kaniyang dala. Naghugas ng mga kamay sa malapit na lababo at nakangiting nilingon si Mother Felissa. "Next week ang release ng result, Ma, sa inapplayan kong scholarship sa isang sikat na University sa Maynila. Kung makapasa, papa Maynila ako agad."

DAUNTLESS SERIES: II (BAD AND MESSY)Where stories live. Discover now