CHAPTHER THREE

1.5K 79 5
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nakita ko ang sariling nakatihaya sa isang tila bukirin. Tumutusok sa likuran ko ang maliliit na bato pati na rin ang dulo ng mga ligaw na damo. May kung ilang kalalakihang pumapaikot sa akin. Lahat sila'y nakangisi at tila nanggigigil sa akin. Nang paghahalikan nila ako sa pisngi halos panawan ako ng ulirat. Ang babaho ng kanilang hininga!

Sumigaw ako nang sumigaw. Sinampal ako ng isa.

"Sinabi ba naming mag-iingay ka, ha?"

"Hayop kayo! Hayop!"

"Mga 'dre, hayop daw tayo!" sabi ng lider-lideran nila sabay tingala sa mga kasamahan nitong may hawak ng mga kamay ko. Siya ang nakakubabaw sa akin.

"Natumbok niya!" sagot ng isa sa kanila. Nagtawanan silang lahat.

Sisiilin na sana ako ng halik ng kanilang lider nang biglang may marinig kaming tunog ng sasakyan. Ang makulimlim na kapaligiran ay biglang nagliwanag.

"Anak ng---! May dumating na namang kontrabido sa buhay natin!"

Inipon ko ang lahat ng lakas para maibaling ang mukha sa pinanggalingan ng liwanag at ang una kong nakita ay ang kumikinang na itim na leather shoes. Ang mga sapatos ay umabante at bigla na lamang lumipad. Ang nanlulupay at patang-pata kong diwa ay animo'y dumilat. Sa isang iglap ay napasubsob niya sa lupa ang mga nagtangkang humalay sa akin. Natakot ang mga ito kung kaya nag-unahan sa pagtakbo. Dahan-dahan akong napaupo at no'n ko napansin na nawarak na pala ang panties ko. Exposed ang kalahati ng pinakaiingatan kong kayamanan. Dali-dali kong binaba ang nalihis kong bestida para takpan iyon.

Yumuko siya at binigay niya sa akin ang kanyang kamay. Napatingala ako sa kanya at no'n ko napagmasdan ang kanyang mukha. Ang guwapo niya! At ang amo pa ng mukha. Inabot ko ang nakaunat niyang kamay at napasulyap sa naghihintay niyang sasakyan. Natigilan ako nang makita iyon. Tila baga nakita ko na iyon noon. Nang lingunin ko na uli ang lalaki, wala na siya sa tabi ko. Pagtingin ko sa unahan, wala na rin ang sasakyan niya. Bigla akong kinabahan. Baka kasi balikan ako ng mga nanghalay sa akin. Natakot ako sa isiping iyon kung kaya sumigaw ako nang sumigaw!

"Eliza! Hoy! Eliza! Ano ba?"

Napadilat ako at napasinghap. Napakurap-kurap pa ako nang ilang beses nang makita si Manang Cora na nakatunghay sa akin. Pinangungunutan ito ng noo.

"Ano'ng nangyari sa iyo? Binangungot ka yata."

Napaupo ako at napatingin sa paligid. Dagli ang pagbalik ng diwa ko sa kasalukuyan nang makita ang pamilyar na silid ni Manang Cora. Maliit lamang iyon at naroon na rin lahat---kusina, living room, at tulugan. Mayroon din iyong maliit na banyo. Katunayan, tanaw ko ang pintuan papunta roon buhat sa kinauupuan kong maliit na kama.

"Naalala n'yo ang ikunuwento ko sa inyo noong isang araw? Iyong dahilan kung bakit nakatok ako ni Signora Beneventi sa kuwarto ko dahil sigaw ako nang sigaw? Iyon ang unang bisita sa amin ng mga pulisya dahil inisip ni Madam na pinasukan kami ng masasamang loob."

Saglit na natigilan si Manang Cora na tila baga'y inaalala ang kuwento kong iyon. Kapagkuwan ay lumiwanag ang kanyang mukha. "Ah, iyon ba? Bakit? Naulit ba?"

Umiling ako agad. "Nadugtungan."

Napanganga siya. Hindi makapaniwala kung kaya hindi rin agad nakasagot.

"Ang ibig mong sabihin, ang masama mong panaginip no'ng isang gabi ay nadugtungan?" ulit niya para siguro makasigurado na hindi siya namamali ng dinig sa akin.

Tumangu-tango ako.

Napatakip siya ng kamay sa bunganga. "Hala! Ano ang ibig sabihin niyan?" may pag-aalala niyang sagot. Mapamahiin kasi si Manang Cora kung kaya medyo natakot siya sa kuwento ko. Iniisip niya sigurong baka pangitain ang aking panaginip ng mangyayari sa akin sa hinaharap.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Where stories live. Discover now