CHAPTER THIRTY-TWO

809 40 5
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Naupo ako sa harapan ng simbahan at pinagmasdan ang paglabas-masok ng mga tao. Sinubukan ko pang iharang ang mga paa sa dinadaanan nila, pero ni isa sa kanila ay wala man lang nakapansin. Naapakan pa nila ang mga binti ko nang hindi ko man lang naramdaman. Napahinga ako nang malalim. Tumayo ako't gumala-gala sa paligid. Mawawalan na sana ako ng pag-asang may makapansin sa akin at makausap man lang kahit saglit nang bigla na lang akong binulaga ng batang babae.

"Ikaw na naman?"

Nagulat ako. Gaya ng dati, ginalugad ng mga mata ko ang paligid dahil 'ikako'y may kausap lang itong ibang tao, pero lumapit pa talaga siya sa akin at tinuru-turo ang dibdib ko.

"Bakit ganyan ang ayos mo? Ba't hindi ka nagpapalit ng damit? Sayang ang trahe mo. Tingnan mo, ang dungis-dungis na at duguan pa."

Nakikita nga ako ng bastos na bata, naisip ko.

"Conchita! Conchita!" sigaw ng batang lalaki. "Ba't umaalis ka sa aming tabi?" May nilingon ito. "Mama, nakita ko na si Conchita! Nandito lamang siya sa harap ng simbahan!"

Sinundan ko ng tingin ang tinawag na mama ng batang lalaki. Ang babaeng nakita ko noong isang araw. Ito ang kasa-kasama ng batang tinawag na Conchita. Gaya nang una ko itong nakita, nakaramdam na naman ako ng hindi maipaliwanag na paninibugho. Kasabay ng paglapit niya, nawala rin ako sa paningin ni Conchita.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

"Concetta!"

Napalingon din ako sa malakas na boses ni Concha, ang mama ni Alessio. No'n ko napansin ang mag-ina na tila may pinagtatalunan. Saglit akong natigil sa paglalakad patungo sa kumedor. May bigla akong naalala. Concetta.

Pinangunutan ko ng noo si Concetta. Tapos may nag-flash na lang sa isipan ko na mga memories. May nakita akong cute na cute na batang babae sa harap ng simbahan. Mayamaya nang kaunti ay lumitaw ang isang mamang nagtitinda ng mga balloons. Hinabol ito ng bata. Nakihabol din ako sa kanila. At kitang-kita ko kung paano nanabik ang bata sa mga lobo ngunit kulang ang pera niya.

May kung anong warm feelings akong naramdaman at no'n ko na-realize na ang batang babae na tinatawag na Conchita sa panaginip ko ay si Concetta pala. Marahil kaya ganoon na lamang ang naramdaman kong paninibugho sa mama niya ay dahil siya ang nakatuluyan ni Francesco.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo riyan?" asik sa akin ni Concetta at inirapan niya ako bago inunahan sa kumedor. Inisnab din ako ni Concha sabay kusot sa ilong na ang ibig sabihin ay nababahuan siya sa akin. Bahagya ko siyang tinaasan ng kilay. Ako pa ang mabaho niyan? Sila kaya ang may nakakahilong perfume.

May sinabi si Concha sa bagong mayordoma. Nagpapahatid sila ng pananghalian ni Concetta sa hardin. Hindi raw nila kayang makasabay ako sa hapag-kainan. Baka raw bumaliktad ang kanilang sikmura sa masangsang kong amoy.

Napaawang ang labi ng mayordoma sa gulat. Napatingin ito sa akin na tila nag-aalala na parang natatakot. Akala siguro'y papatulan ko ang kagaspangan ng ugali ng mag-ina.

"Sige, Julia. Asikasuhin mo muna ang mga bisita natin. Kaya ko naman ang sarili ko," nakangiti kong sabi sa katulong.

Nakita ko ang paniningkit ng mga mata ni Concha. "Ano'ng sabi mo? Bisita? Kami?" Galit ang ginang. Gusto kong matawa. Effective ang patutsada ko!

Bago pa ako makasagot ay dumating si Alessio. Guwapong-guwapo siya sa suot na Giorgio Armani suit at ang bangu-bango pa niya. Sobrang naiiba sa ina at kapatid.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Where stories live. Discover now