CHAPTER SIXTEEN

714 42 9
                                    

A/N:  Thank you po lagi sa pag-vote. Pero please comment din po para ituloy ko rito ang kuwento. Or else, baka sa Patreon ko na lang i-upload ang mga karugtong ng kuwentong ito. 

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Ayaw ni Mama kay Francesco. Ramdam ko agad iyon nang minsang ipakilala ko sila sa isa't isa. Dedma lang si Papa. Pero alam kong maiimpluwensyahan din siya ng mama ko. Bakit hindi nila nakikita kung gaano ka bait sa akin ang nobyo ko? Tuloy ay lagi ko na lang napapansing malungkot si Francesco. Marahil dinamdam nito ang malamig na pakikitungo ng mga magulang ko sa kanya.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa dinner natin noong nakaraan? H'wag mong intindihin si Mama. Gano'n lang iyon. Wala pa iyong ginusto sa mga manliligaw ko." At natawa pa ako para pagaanin ang sitwasyon. Hindi man lang siya ngumiti. Napasimangot tuloy ako.

"Ano kaya kung---kung magpakasal na tayo?"

"Ha?! Kasal? Ang bata ko pa! Kaka-disiotso ko lang!"

Napakurap-kurap si Franceso at lalong lumukot ang kanyang mukha.

"Mahal, h'wag ka nang magtampo. Sadyang nakakagulat lang ang alok mo. Hindi ko napaghandaan."

Tumangu-tango siya pero hindi na ako kinibo. Nagsisi tuloy ako. Gusto ko uli sanang magpaliwanag, pero may munting boses na bumubulong sa akin na hayaan ko lang muna siyang magdamdam. Pasasaan ba't maiintindihan niya rin ako.

Kaso hindi na niya ako sinipot sa usapan namin kinabukasan. At ng sumunod pang bukas. Hanggang sa isang linggo na siyang hindi nagpakita!

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Bigla akong napabangon at no'n ko na-realize na nakatulog pala ako. Tiningnan ko ang oras sa maliit na orasan sa bedside table ko. Alas otso na. Dahil na-disorient ako nang kaunti, hindi ko matukoy kung iyon ba ay umaga na o gabi. Dinampot ko ang remote control ng mga kurtina sa tabi ng unan ko at hinawi ang mga ito. Nakita kong madilim na ang paligid. Gabi na nga. Ibig sabihin ay apat na oras na akong nakatulog. Bumangon agad ako. Sa pagmamadali ko'y may lumipad na papel sa paanan ng kama. Pinulot ko ito at binasa.

"May dadaluhan akong pagtitipon. Kung gusto mong kumain ay may nakaimbak na pagkain sa ref. Initin mo na lang. See you later," ani Alessio sa magkahalong Italian at Ingles.

Nangiti ako sa sulat-kamay niya. Naka-ALL CAPS ang mga letra at napaka-masculine tingnan. Hinagkan ko ang kulay asul na stationery. Hindi mabango, pero okay lang. Kinilig akong hindi maintindihan.

Maingat kong itinupi ang note at nilagay sa drawer na bahagi ng bedside table. Ang bigat ng pakiramdam ko kanina pagkagising, pero nawala lahat iyon. Ang note lang pala ang papawi sa lungkot ko. Napangiti ako na parang timang.

Napahawak ako sa tiyan nang bigla itong kumulo. No'n ko naalala na hindi pa nga pala ako nakapag-dinner. Hindi na ako nagpalit ng damit. Nakasuot lamang ako ng plain white T-shirt at kulay asul na denim shorts nang pumunta ako sa kusina. True to his words, ang dami ngang pagkain sa ref. May nakita ako roong baked lasagna, pasta and some sauce, grilled fish, pizza, mushroom risotto, at beef tartare. Natakam ako kung kaya lalong lumakas ang pagkulo ng tiyan ko. Kumuha lamang ako ng kaunting baked lasagna at ininit ko sa oven. Kumuha rin ako ng pasta at hinaluan ko na ng sauce bago ko ito isalang sa microwave. Kaunting isda at beef tartare naman ang sinunod ko. Nang handa na lahat ay dali-dali ko silang nilapag sa round table at nilantakan na. I was almost done when I heard the door bell rang. Natigil ako sa pagdila sa sauce ng pasta sa mga daliri kong natilamsikan at napaisip kung sisilipin ko ang bisita. I thought of ignoring it when I remembered Alessio. Baka umuwi nang maaga.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Where stories live. Discover now