MFBF: Eighty- three

147 13 0
                                    




Wedding plan

Lezili's POV

'Let's Break up'

Patuloy na tumatakbo sa isip ko ang tatlong katagang kahit kailan ay hindi ko naisipang sasabihin nya. Gusto kong magmura,gusto ko syang hambalusin, gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Sampal sakin ang mga salitang binitawan nya, nawala lahat ng pag asa ko sa titig nya pa lang. Konti na Lang... konting konti na lang mawawalan na ko nang pag asa. Wala na kong pamilya, hindi ko mapuntahan Ang mga kaibigan ko at higit sa lahat...wala na ang taong nagiging rason nang pag laban ko...kaya tama pa ba to? Tatakas pa ba talaga ako?





"F*ck you!" Malutong na mura nang dad ni Wyde nang makauwi kami sa mansyon nila. Sinalubong nya si Wyde nang sunod sunod na suntok na malugod naman nitong tinanggap

Wala kaming nagawa, at wala na kaming magagawa. Sa bawat desisyon namin laging may buhay na nakataya...hindi ko na kaya


"S-sorry po" nanginginig kong patawad saka agad na lumuhod sa harap nang dad ni Wyde na syang ikinagulat ng lahat


"Lez what the hell?! Get up!" Saway sakin ni Wyde na nakaupo pa din sa malamig na sahig ng mansyon nila dahil sa suntok ng tatay nya


"A-ako po ang nag utos kay Wyde. Wala po syang kasalanan" pag amin ko,agad namang napapikit ang Dad ni Wyde halatang nagpipigil ng galit


"At saan naman kayo pumunta? Sino nanaman ang nilapitan nyo?" Bakas ang inis na tanong ng Dad ni Wyde


"It's none of your business" pabalang na sagot naman ni Wyde dahilan para sapakin sya uli ng tatay nya. Agad naman akong napapikit kasabay nang mas lalong pag agos ng luha ko


"Alam nyong delikado! Lalo ka na Lex! Sa isang iglap pwedi kang mawala at yan lang naman ang iniiwasan ko! Ang matagal nang iniiwasan ng mga magulang mo!" Sermon nya samin "Hindi nyo ba naiintindihan?! Hindi lang buhay ang masasatang kundi pati buhay na isinakripisyo ng mga taong nagbuwis ng buhay maligtas lang Kayo! Lex, sa pagtulong namin sayo damay na din ang buhay ko at buhay ng anak ko. Kaya sana naman maintindihan nyong ginagawa namin to para sa kapakanan nyo!" Sigaw nya pa, agad naman akong napalingon kay Wyde nang inis syang napangiti at agad na tumayo



"Kapakanan? Bakit? Sa umpisa pa lang ba inisip nyo kung gusto din naming humantong sa ganito? F*ck! Kung puro na Lang din naman pagtatago at baril ang makakaharap namin sa bawat araw na lalanghap kami ng hangin sa lintek na impyernong to pwes! Wag na Lang! Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa mamuhay ng ganito" sagot nya naman, akmang susungaban nanaman sya uli Ng sapak ng Dad nya nang may biglang dumating. Napakunot ako nang makita ang isang pamilyar na lalaking nakasuot ng business suit at dalawang babae't lalaking sa tingin ko ay mag asawa. Nakapormal sila at walang bakas ng ano mang emosyon sa mukha dahilan para mapatayo ako at umayos ang lahat ng nasa loob ng mansyon




"Are you miss Lexie Elore Roxwell?" Tanong nung nagiisang babae pagkalapit sakin, marahan naman akong tumango dahilan para napangiti sya "Nice meeting you then, I'm Tierra and this is my husband Jacob. Perhaps you remember us?" Tanong nya dahilan naman para mapaisip ako


T-teka...sila ang mga magulang ni J-Jeff?


"T-tita Erra?" Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan nang maalala sya, agad nya naman akong niyakap dahilan para mas lalo akong maiyak

Kilala si tita Erra sa pagiging fashionista at pasaway sa kanilang Lima nila Mommy, si tita Erra ang mahilig mangspoil sakin kaya bihira lang sya papuntahin sa bahay dahil baka daw masanay ako. Malakas Ang kutob ko na pwedi nya pa kong matulungan para matakasan to


My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now