Chapter 21

303 20 1
                                    

Thea's Pov.

Naglalakad ako papasok  ng campus ng makita ko si Luna na naglalakad paalis ng sasakyan. Sasakyan ata nila yon.

"Luna!" Sigaw na tawag ko sakanya. Pero di siya sakin lumingon.

Kahit anong tawag ko ay di niya ko nililingon. Kaya tumakbo ako papalapit sakanya. Hingal na hingal akong hinawakan siya sa braso. At doon nya na ako nilingon.

"Oh." Sabi niya.

Anong oh?

"Anong oh? Kanina pa kita tinatawag di ka man lang lumingon. Mukhang malalim ang iniisip mo? "Sabi konat nagiwas naman siya ng tingin.

Di nako nagtanong pa. Naglakad lang kami papunta sa pagitan ng building namin at building nila. Kaso andon ang mga mata at bulong-bulongan ng mga tao. Ha?

Ngayon lang ba sila nakakita ng cute? Oo cute lang maganda si Luna eh egul.

"Luna? Bat tayo pinagtitinginan at pinagbubulongan ng mga tao? " Pabulong na sabi ko. tumingin lang siya sakin.

" May nagvideo pala satin nung nasa park. Hindi ko napansin. " Sabi niya.

" Eh ano naman don? " Takang tanong ko.

" Nagsuicide si Jennie." Sabi niya

" Eh ano naman kay-.... Ano?!?!?! " Gulat kong tanong. What? Suicide?!? Dahil sa nangyari?!?! What the heck.

"Oo," yon lang ang sinabi niya.

Di ko na siya masisi na ganon siya umasta ngayon. Hindi lang naman si Jennie ang nasaktan. Si Luna din, at baka nga si Fj ay nasaktan din.

"Mauuna nako bes, mamayang snack sabay tayo ha." Paalam niya. She likes calling me bes na.

"Sige bye bes mwa." At niyakap ko siya. Tumugon naman siya sa yakap ko. Bago magkami maghiwalay ng daan ay kinawayan ko muna siya at kinawayan nya naman ako pabalik.

Sana maging okay kana Luna.

Nagvavibrate ang phone ko.

May tumatawag.

Fke.

"H-hello?" Kabadong tanong ko.

Hindi ako natatakot sa "boss" na tinatawag nila Tom at Fiona. Mas natatakot ako dito.

Leader of F4kes Organization.

***

Luna's Pov.

Wala akong ibang magawa kundi ang tumingin sa harapan. Ni hindi ko kayang salubungin ang mga tingin sakin ng mga tao.

"Omg siya yon? Isa sa mga nauto ni Fj?"

"Sayang ganda pa naman."

"Naks pre swerte ni Fj nakascore na kaya siya?"

"Tol mukang americana pala ang nauto. "

" Sayang ang ganda uto uto naman. "

" Sabagay transferee eh. "

Yan ang mga bulong bulongan na naririnig ko at pilit na di ko  pinapansin.

Sa sobrang inis ko ay may narinig akong nagsalita.

"Pokpok naman ata yan."

Aba? Saan yon nanggaling?

Playing with the Bad Boy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon