Chapter 3

1.3K 37 10
                                    

Chapter 3: Sleepy Weirdo

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Room 173...173....173....173... Nasaan na ba kasi yun?!"

Andito kami ngayon sa girls dorm at hinahanap ang mga kwarto namin. Kagagaling lang namin ng main auditorium at dahil mayroon pa naman kaming ilang libreng oras ay pumunta muna kami dito para ilagay ang mga bagahe namin

Yung totoo? Dorm ba toh o hotel? It's too huge and fancy

"Kumalma ka nga Hannah"

"Paano ako kakalma eh kanina pa tayo naghahanap dito pero hindi pa rin natin makita?! Nasa fourth floor na nga tayo oh!"

"Ako man din eh, kanina ko pa nga hinahanap yung room 175 eh"

I just ignored them because I had been irritated by their noise and instead I just looked at what number was on the key of my dorm

174

Nilinga-linga ko ang tingin sa mga pintong nakikita ko at maswerteng nakita ko ang pinto na may nakalagay na 174, kaya agad ko naman itong nilapitan

"Teka Seri, saan ka pupunta?"

Pinasok ko ang susi doon pagkatapos ay pinihit at bigla naman itong bumukas, tinignan ko naman ang mga katabi kong kwarto at may nakalagay naman itong 173 at 175, nang mapansin ito ng mga kasama ko ay agad din silang lumapit sa mga katabi kong pinto

"My gosh nandito lang pala tong mga toh?"

"Hala! Magkakatabi pala mga kwarto natin?!"

"Ngayong mo lang napansin Hannah? Kakasabi ko nga lang kanina na room 175 ang kwarto ko"

"Pero okay din na magkakatabi ang kwarto natin para bubulabugin ko kayo sa umaga"

Rinig ko pang komento nila

Walang pasabi akong pumasok sa kwarto ko

"Seri tawagin ka nalang namin kapag pupunta na tayo sa room natin!"

Pagkasarado ko ng pinto ay agad kong binuksan ang ilaw -- and wow chandelier talaga?-- at napakalaking kama ang tumambad sa akin, mayron ding walk in closet at study table. Chineck ko ang banyo at malaki din ito, may bath tub pam Mayroon ding flat screen TV at isang sofa na napakahaba

Masasabi kong malaki ang kwartong ito para sa isang tao lang

Muntikan pa akong madapa sa carpet na nasa sahig, Jeez!

Pero hindi ko nalang iyun pinansin at agad kong binuksan ang backpack na suot suot ko at mabilis naman lumabas doon ang isang pusa

Oo, isang itim na pusa

"Sorry Lilypop if it's a bit small inside my backpack. That's the only way to get you here inside Kalopsia Lunette, alam mo namang bawal magpasok ng alagang hayop dito sa loob"

Agad naman syang sumampa sa kama ko at humiga na para bang hingal na hingal sya kaya agad ko syang binigyan ng tubig sa bowl nya

Binigyan ko din sya ng cat food na dala dala ko

Alam ko namang bawal ang mag-alaga at mag-dala ng hayop dito sa Kalopsia Lunette pero hindi ko talaga pwedeng iwan si Lilypop sa bahay, unang una sa lahat ay allergic sa pusa ang mga kapatid ko lalong lalo na si Dad-- na sa tingin ko ay namana sa kanya ng mga kapatid ko at pangalawa baka pag-uwi ko ay isa na syang siopao dahil ayaw ni Chrizel sa mga pusa

The Pieces Of The Mafia's HeartWhere stories live. Discover now