Chapter 7: The friendly geek
--- ᕕ( ᐛ )ᕗ
Seraphina's POV
"Kelan natin pla-planuhin yung project natin para bukas?"
"Sa room nalang ni Minzee after class"
"Okay lang sakin, pero may detention ka pa mamaya diba Seri?"
"Alam ko naman at hindi mo na kailangan ipaalala pa"
Kinawayan naman ako nina Minzee at Hannah bago sumabay sa paglalakad nila Willow at Sharlenne
Binigyan pa ako ng masamang tingin ni Willow bago sila nagpatuloy sa paglalakad
Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina sa canteen
Her reaction was priceless!
Nakita ko naman sina Yugen at Lincoln na palabas na rin ng classroom habang kasabay si Nico na parang antok na antok
Kanina ang lakas mang-inis tapos ngayon parang lantang gulay na?
Nagpaalam muna ako sa kanila bago pinuntahan si Parker na inaantay ako sa labas ng classroom
"We still have Three hours detention"
"Hindi mo naman kailangan sabihin ang bagay na obvious naman"
Hindi nalang sya sumagot at sinabayan ako sa paglalakad
Sabay kaming sumakay ng elevator at ilang lakad lang ang ginawa namin bago namin marating ang detention room at doon bumungad sa akin ang librarian na nakilala ko kanina, si Sir Theo ata? If I am not mistaken
Librarian na nga, sya pa nagbabantay dito sa detention. Hindi na ako magtataka kung sya na rin guard dito sa Kalopsia Lunette
"Oh! Iha, hindi ba't ikaw yung nasa library kanina? Anong ginawa mo at nadetention ka? Ke-bago bago mo pa naman"
"Mahirap ipaliwanag"
Sabi ko nalang at inabot ang detention slip ko at ganun din si Parkee
"Oh sya, pumasok na kayo ng boyfriend mo. Mamayang 6pm pa kayo maaaring umuwi"
Seriously?
"He's not my boyfriend"
Inis kong sagot, ano ba kasing meron sa mga tao dito at napapagkamalan kaming mag-boyfriend ni Parker? Jeez
"Ay ganun ba? Pasensya na, pero bagay naman kayong dalawa"
Rinig ko pang pahabol nito pero hindi ko nalang pinansin at tuloy tuloy na pumasok ng detention room kung saan naabutan namin ang isa pang estudyante na may takip ng bimpo sa mukha at mukang natutulog
Pumili ako nang uupuan ko at tumabi naman sa akin si Parker, may ilang hakbang nga lang ang layo namin sa isat isa at ganun din sa iba pang bangkuan
Nang mapansin nung lalaki na hindi sya nag-iisa ay tinanggal nya ang bimpo sa mukha nya at nilibot ang kanyang mga paningin kung saan nakita nya kami
Nagtaka naman ako nang bigla syang ngumiti nang pagka laki laki
Yung ngiting parang first time mo nakakita ng kapwa mo tao
"Oy! Kaklase ko kayo diba?! Kayo yung mga bagong estudyante!"
Masigla nyang sabi at nagulat naman ako ng bigla nyang binuhat yung bangkuan nya at itinabi sa akin pagkatapos ay umupo, halos wala nang pagitan ang layo ng mga bangkuan namin
YOU ARE READING
The Pieces Of The Mafia's Heart
Teen FictionThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]